29

45 3 0
                                    

Higit isang linggo na ang nakalipas matapos yung nangyari, yung pag amin ni Jaspher, yung pag amin ni Vren, higit isang linggo rin akong nakakulong sa bahay. Kahit pagsisimba di ko nagawa, ngayon araw ng linggo pero di ako nagsimba kasi baka magkita kami ni Vren, sa mga araw na nakalipas di pa kami nagkikita, di din siya pumupunta sa bahay. Pero siguro mabuti na din yun. Si Jaspher naman nung nakaraang linggo, pinipilit akong lumabas ng bahay, magsisimba lang daw kami. Pero di ako pumayag. Ayaw ko muna rin makipagusap sa kanya, mabuti naman at di na rin siya nangulit pa.

Kung hindi ko lang kailangan ng mga gamit para bukas di ako lalabas at magpupunta dito sa mall. Pasukan na kasi, kinakabahan nga ako eh, wala akong kaibigan sa school, kaaway meron pa. Kinakabahan talaga ako sobra.

Pumasok ako sa isang fastfood chain, nagugutom na kasi ako, gabi na din eh. Alas sais kasi ako pumunta dito, feeling ko kasi pag mas maaga makakasalubong ko si Vren o si Jaspher. Di ko pa alam kung paano sila haharapin.

Pagkatapos kong kumain, dumeretso na ako sa bookstore, bibili lang naman ako ng isang notebook at kung ano ano pa.

Ilang sandali lang nabili ko na lahat ng kailangan ko, as in lahat. Ilang pirasong ballpen, lapis, pentel, scotch tape, at kung ano ano pa, gusto ko kasi pag first day kumpleto ang gamit ko di ako friendly na tao, di kita kakausapin hanggat di ikaw yung nag insist.

Alas nwebe na ng makalabas ako ng mall, dala dala ko lahat ng pinamili ko, nakabili pa ako ng dalawang novel, naubusan na kasi ako ng babasahin eh.

"Pucha, bat walang tricycle" nagpapapadyak ako sa kalsada. Bakit walang masakyan. Gabi na pa naman, at di na matao, ganto dito, probinsya eh. Maliit lang din iyong mall. Ang creepy sa pakiramdam.

Ilang sandali rin akong nagantay bago ko maisipang maglakad na lang.

"La la la la~~" kumakanta ako ng malakas pag nakakaramdam ako ng takot, tulad ngayon. Nakakatakot, puro puno naman kasi, kaya kahit may mga street lights medyo madilim pa din.

Nakarinig ako ng tawanan sa likod ko. Sh!t.

Mas binilisan ko ang lakad ko.

"Amin na yang dala mo" napahinto ako dahil may humawak sa braso ko. Oh my! Can someone help me?

Agad kong inabot lahat ng dala ko. "Bitawan niyo na po ako" mangiyak ngiyak kong pagmamakaawa sa kanila.

"Pare, walang cellphone at pera" sabi nung isang lalaki matapos niyang halungkatin yung mga pinamili ko. Itinapon niya yung mga pinamili ko.

"Asan ang cellphone at pera mo" mas hinigpitan nung lalaki yung pagkakahawak niya sakin.

"W-wala na po akong pera, e-eto na lang po" iniabot ko yung isang daan na nasa bulsa ko. Hinigit niya yun at itinapon din. Tanging mga mata lang nila yung nakikita ko, nanlilisik ang mga iyon.

"Cellphone!"

"W-wala po, w-wala p-po akong c-cellphone"

"Pare kapkapan mo nga"

"W-wag pooo" pumapalag ako pero wala akong nagawa, kinapkapan ako nung isang lalaki, umiiyak na ako sa sobrang takot.

"Oops" ngumisi yung lalaking nangkakapkap sa akin nang masagi niya yung puwetan ko

"T-tama na po" halos mapaupo na ako sa sobrang pagmamakaawa. Natatakot ako sobra. Tulong.

"Wala pareng cellphone, pero pwede na to papakin, malaman yung pwet pare" pucha.

"Wag po! Parang awa niyo na po! Tulong! Tulungan niyo ako! Tulo-" tinakpan nung lalaki yung bibig ko gamit ang kamay niya na amoy sigarilyo. Yakap niya ko mula sa likod. Nakapulupot yung isa niyang kamay sa bewang ko. Oh my God! Help me.

"Wag ka maingay, walang makakarinig, paisa lang naman, wag ka mag alala, di ko ipuputok sa loob, san mo gusto? Sa muka?" iyak ako ng iyak. Katapusan ko na ata. Iniangat niya ako nagpapapagyak ako pero walang talab, ang hina hina ko. Naramdamam kong idinidiin niya yung harapan niya sa likuran ko. Tulong po. Parang awa niyo na.

Nakita kong bumagsak yung isang lalaki, at nakita ko si Jaspher. Inihagis ako nung lalaki sa may gilid tumama yung braso ko sa semento, ang sakit. Pero mas nasasaktan ngayon si Jaspher. Isa laban sa dalawa? Nakakasuntok si Jaspher pero talo pa din siya. Nang makita kong dumausdos si Jaspher sa kalsada, tumayo pinilit kong tumayo at nilapitan siya.

"Jaspher" umiiyak ako, nakikita ko yung muka niya duguan. Jaspher sorry. Lagi siyang nasasaktan dahil sa akin.

"Demille, get out of the way" itinulak niya ako ng marahan atsaka tumayo at lumaban ulit. Pero bugbog na si Jaspher.

Mayamaya lang ay may pulis na pumito.

Nagtakbuhan na yung mga lalaki, at hinabol sila ng tatlong pulis.

Hinubad niya yung tshirt niya at ipinunas iyon sa muka niya, nabawasan yung dugo, pero patuloy pa ding tumutulo yung dugo galing sa noo niya at sa gilid ng labi. Pinunit niya yung damit niya, at itinali iyon sa noo niya, pumunit din siya ng kapiraso para ilagay sa braso ko.

"Sa susunod, wag kang umalis magisa, lalo na at gabi, dapat may kasama ka. Mabuti na lang at sinundan kita, nalingat lang ako saglit nawala ka agad dun sa may sakayan. Bakit mo naisipang maglakad ng gantong oras, Demille paano kung wala ako? Paano ka? Edi narape ka ng mga hayup na iyon."

Naglilitanya siya habang nililigpit yung mga pinamili ko na nagkalat. Wala akong maisagot sa lahat ng sinasabi niya, wala akong magawa kundi umiyak. Di ko mapigilang di humikbi, muntik na akong magahasa, muntik na akong mamatay. Tumingin sa akin si Jaspher, nagbago ang ekspresyon ng muka niya mula sa galit naging maamo yung muka niya.

Tumayo siya at hinapit ang bewang ko, hinawakan niya yung ulo ko at nilagay iyon sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya, ramdam ko ang tulo ng pawis sa dibdib niya. Mas gumaan yung pakiramdam ko, I feel safe, I feel protected. Yumakap ako pabalik sa kanya. Maraming salamat Jaspher, sa pagligtas sa akin. Maraming salamat at nandyan ka kahit, pinagtatabuyan kita. Maraming salamat.

Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya at hinalikan ako sa buhok. "Demille, tahan na, andito ako para sayo, ililigtas kita sa kahit sino, sa kahit ano na makakasakit sayo."

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon