21

54 3 0
                                    

*PARA SAYO*

"Pumayag ka na ija, bagay na bagay ka maging Reyna Elena" kausap ko ngayon ang organizer ng flores de mayo. Pinipilit niya akong sumali sa santa cruzan. Nakakahiya kaya kabagubago ko pa lang magsa santa cruzan agad ako, tapos gusto pa niya Reyna Elena.

"Nahihiya po ako eh"

"Ano ka ba ija, wala ka naman dapat ikahiya, maganda kang bata, bagay na bagay ka maging Reyna Elena." ilang beses ko na narinig sa kanya na bagay na bagay ako maging Reyna Elena. Tsk. Mukang di na ko makakatanggi dito ah, kanina pa kami nag pipilitan sa santa cruzan na iyan, mga isang oras na din siyang nandito sa bahay. O diba? Talagang pinuntahan pa niya ako dito sa bahay namin.

"Mukang di ko na po kayo matatanggihan eh"

"Ay nako talaga iha, pipilitin pa kita lalo pag di ka pumayag" kinuha niya yung abaniko niya sa center table at nagpaypay. "Iyang gandang iyan" hinawakan pa niya ako sa baba at parang tinitignan ang bawat parte ng muka ko. "Di dapat yan ikinakahiya at itinatago, dapat diyan inirarampa"

Hindi ko alam kung pinupuri ba niya talaga ako o sadyang nambobola lang siya para sumali ako sa santa cruzan. Kanina pa siya panay compliment eh. Tsk. Ano ba yan siya.

"Good afternoon"

"Oh Jaspher, bakit ka nandito?" tanong ko kay Jaspher.

"Visiting you is not a crime Demille" chill niyang sagot atsaka naupo sa couch katabi ko.

"Hi aling Perla, ano pong ginagawa niyo dito?" nagtaka ako, kakilala niya si aling perla? Kung sabagay, he was born and raised here nga pala. Napairap ako sa kawalan.

"Ay naku, Jaspher, pinipilit ko kasi itong si Demille na mag reyna Elena sa darating na santa cruzan, mabuti nga at pumayag na."

"Reyna Elena? Meron na po ba siyang partner?" ay oo nga pala, sino kayang magiging partner ko?

"Wala pa nga, ijo eh, balak ko pa puntahan yung anak ng kapitbahay namin."

"Ako na lang po" nagulat ako sa pagpiprisinta ni Jaspher. Pero mas nagulat si aling Perla, parang namutla siya at napaawang pa yung bibig niya dahil sa sinabing iyon ni Jaspher.

"Naku naku, Jaspher, sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Wag mo kong biruin ng ganyan"

"Opo  sigurado ako" tinignan ko naman si Jaspher, abot tenga pa ang ngiti niya.

"Naku naku, diyos ko po. Himala ata ah, ilang taon ka na namin pinipilit sumali sa santa cruzan, aba't ngayon ka lang pumayag, ni hindi na nga kita tinatanong eh" wow, naman so taon taon talaga. Grabe ah. Hindi na sumagot si Jaspher si aling Perla naman abot langit yung ngiti.

"Oh pano, mauna na ako sa inyo ah, matutuwa sila kapag nalaman na sasali ka ngayon Jaspher" agad tumayo si aling Perla, tumayo rin ako at iginaya siya hanggang sa gate namin.

Pagkapasok ko ay umiinom si Jaspher ng juice dun sa basong iniinuman ko.

"Ui, gamit na yan" sabi ko, at umupo sa tabi niya.

"Why? Don't you like indirect kiss?" yuck, indirect kiss talaga ah.

"Eh kay aling perla na baso yan eh" halos mabuga niya yung iniinom niya, at tinignan yung baso.

"May lipstick si aling Perla and you, you doesn't have" huh? napatingin din ako sa baso na nasa center table, oo nga may bakat ng lipstick yung baso ni aling Perla. Ang galing magobserve ni Jaspher ah.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko ulit sa kanya.

"Just visiting you"

"Eh bakit ka sasali sa santa cruzan, dahil sa akin noh?" tinusok ko pa yung tagiliran niya, at nakangisi ako sa kanya. Napausog naman siya. Ang lakas ng kiliti niya grabe. Lalaki ba siya? Grabe.

"Demille stop it" ibinaba niya yung hawak niyang baso saka ako kiniliti. Napatili ako, grabe malakas kasi kiliti ko eh. Patuloy niya kong kinikiliti. Nakatayo ako pero agad ding nawalan ng balanse kasi hinila niya ako, napaupo ako sa lap niya

"Tama na tama na" maluhaluha ako ng tigilan niya yung pangingiliti sa akin.

Nakayakap siya sa bewang ko, at ipinatong yung baba niya sa may balikat ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Sinubukan kong tumayo pero mas hinigpitan niya yung pagyakap niya.

"Wait, just for a while" ramdam ko yung bawat paghinga ni Jaspher, ramdam ko yung mabilis na tibok ng puso niya. Ramdam ko yung maiinit niyang bisig sa may tiyan ko.

"Sumali ako sa santa cruzan, hindi dahil sayo" naramdaman kong isinubsob niya yung mga mata niya sa balikat ko, kaya nilingon ko siya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga, bago nagsalita.

"Sumali ako para sayo"

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon