40

43 3 0
                                    

This is the day, birthday na ni pards. Pinaghandaan ko tong araw na to. Nagaral akong magbake ng cake. Kahit wala akong hilig sa pagbebake ginawa ko na.

Flashback

"Get out. Choo." Kanina pa ako nakaupo sa couch habang pinapanuod na pinagtutulakan ni Sasha si Jaspher palabas ng bahay namin.

"I won't disturb you. Promise." itinaas pa niya yung kanan niyang kamay.

"Girl bonding nga kasi to"

"Oreo. Di mo ba ko pagtatanggol?" umiling ako sa sinabi niyang iyon. Bumuntong hininga siya at yumuko. Parang naawa ako bigla kay Jaspher.

"I'll just get my bag" pinadaan na siya ni Sasha at kinuha na yung bag niya. He leans towards me and reach for my cheeks to kiss me.

"Take care" bulong niya bago umalis.

"Kawawa naman si Jasp-aray!" ang harass ni Sasha. Laging nanapak.

"Tara na sa kusina. Ayusin mo naman yung pagbebake. Gosh Demille, ilang araw na kitang tinuturuan di ka pa din marunong, kung hindi sunog nagiging matubig yung cake mo. Aba paano ka niyan patatawarin."

End of Flashback

Sa awa ng diyos daladala ko na yung cake at sa awa ulit ng diyos maayos na siya, di siya ganun ka perfect pero makakain naman.

"Oreo" parang kinabahan ako bigla nang marinig ko yung pagtawag sakin ni Jaspher.

"Dinaanan kita sa inyo ah. Bakit ang aga mo pumasok?" namalayan ko na lang na nasa harapan ko na si Jaspher at nakangiti sa akin. Inagahan ko talaga kasi ayokong makita niya tong cake. Ayoko muna sabihin sa kanya eh. Hindi niya alam na para to kay Vren, hindi niya alam na may nararamdaman ako kay Vren.

"Oreo" nagsnap siya sa harapan ko kaya ako nahinto sa pagiisip.

"Ah, ano, nagmamadali kasi ako banana eh, sige ah, malelate na kasi ako. Wag kang susunod ah, pumasok ka na sa klase mo. Basta sige bye. Wag kang susunod." di ko na siya inantay pang sumagot, naglakad na kong mabilis at ni hindi na ko lumingon. Pumunta ko sa likod ng building ng school, sabi kasi ni Sasha gagawa siya ng paraan para pumunta dun si Vren at makapagusap kami, hindi ko alam kung anong gagawin niya basta nagtiwala na lang ako sa mga plano ni Sasha.

-

Naramdaman kong kumulo yun tiyan ko, gutom na ko. Kanina pa ako nagaantay dito sa likod ng school building, hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Hindi ko din alam kung bakit wala pa si Vren. Ayoko kasing umalis baka magkasalisi kami kaya inaatay ko na lang siya. Masakit na din yung mga paa ko kaya hinubad ko yung sapatos ko at naupo ako sa elevated na patungan ng mga halaman.

Ang ingay na talaga ng tiyan ko. Nagwawala na lahat ng alaga ko. Parang gusto ko na ngang kainin tong cake na hawak ko pero hindi pwede para kay Vren to eh.

"Ang bango mo naman, mukhang masarap ka pa" natawa na lang ako sa sarili ko ng kinausap ko yung cake na hawak ko, nababaliw na ata ako, mahirap talaga pagnalilipasan ng gutom.

"Ang bango mo talaga, gusto kitang kainin"

"Baka tumakbo ka bigla pag nagsalita yan" muntik ko ng mabitawan yung cake na hawak ko dahil sa gulat ko kay Jaspher, na bigla na lang sumulpot.

"Bakit ka nandito?"

"Dinadalhan ka ng pagkain" nagutom ako lalo sa dala niyang cup noodles ang bango. Di na ko nagalangan na kunin yung inabot niya, gutom na talaga ako eh.

"Pasensya na sa cup noodles ah, wala ng ulam sa canteen eh. 1:30 na kasi" di ko siya pinapansin, patuloy lang ako sa paghigop ng sabaw ng noodles.

"Kanina ka pa nandito ah, almost 4 hours na" ang tagal na pala. Hindi ko alam kung paano ko kinaya magantay ng ganun katagal. Pero hindi ko lalo alam kung paano nalaman ni Jaspher na kanina pa ko nandito.

"Para saan ba ang lahat ng ito, Oreo? Seems like it's so important and special. You even skipped your class for this" umiling iling siya. Napayuko naman ako dahil I feel guilty. Totoong di ko pinasukan yung klase ko. Para dito.

"Tell me please, Demille" Hinawakan niya yung baba ko at itiningala ako, kaya nagsalubong ang mga mata namin. He wrinkled his forehead. Nagtatanong ang mga tingin niya.

I told him everything, simula dun sa pagpapaamin sa akin ni Sasha, yung pagbebake ko nitong cake, hanggang sa mga plano ngayong araw. 

I saw his eyes get watery. Halata na pinipigilan niyang umiyak.

"Sorry Jaspher" sa una pa lang naman sinabi ko na sa kanya na hindi parehas ang nararamdaman namin sa isa't isa.

"Argg! Nakakainis! Ang sakit ng mata ko, napuwing ako, pahipan nga Oreo" lumapit siya sa akin and he opened his eye, umaakto siyang napuwing kaya hinipan ko na lang rin yung mata niya. Pero alam ko di siya na puwing.

"Si Vren talaga inaantay mo dito?" tumango ako nilang pagsagot.

"Let's go" hinila niya ko pero nagpumiglas ako.

"Jaspher"

"Alam ko kung nasan siya, trust me" kinuha niya mula sa akin yung cake. At hinawakan ako sa kamay.

Nagtaka ako ng lumabas kami ng school, I asked him kung bakit kami lumabas ang alam ko kasi may klase pa siya, he just answered me with "trust me". Sumakay kami ng tricycle, at bumaba kami sa may papunta ng ilog.

So nasa may ilog si Vren?

Hawak hawak pa din niya ko habang binabaybay namin yung daan papunta sa ilog.

Nang malapit na kami sa kubo nakita ko kagad si Vren, balak ko sanang tumakbo pero pinigilan ako ni Jaspher. Nang mas makalapit pa kami nakita kong di pala nagiisa si Vren, may kasama siya, kasama niya si Ej.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Seeing them smiling with each other is hurting my system. Ayoko na sanang lumapit pero hinila ako ni Jaspher papunta sa isang malaking puno na mas malapit sa kanila.

"Liligawan na kita ah" parang sumabog yung eardrums ko pagkarinig ko sa sinabing iyon ni Vren. Ang sakit.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon