28

45 3 0
                                    

*ULAN*

Nagising ako dahil sa doorbell, parang kanina pa may nagdodoorbell, may naririnig din akong sumisigaw sa labas, pero di ko lang maintindihan dahil natatabunan iyo ng buhos ng ulan.

Tumayo na ako at bumaba. Pagkababa ko nakasalubong ko si ateng na parang bagong gising din.

"Ateng, sino yung panay doorbell?"

"Ma'am si sir Vren po" huh? si Vren sa dis oras ng gabi? Sa gitna ng napakalakas na ulan? May problema ba siya? Emergency?

"Anong oras na po ba?" tanong ko kay ateng, basta ang alam ko lang madilim pa at nasa kalagitnaan ng kasarapan ng tulog ang lahat miski ako.

"Ala una po, pagbubuksan ko na po ba si Sir Vren?" ala una? Sh!t parang kinabahan ako bigla ala una ng madaling araw nandito si Vren at panay ang doorbell.

"Ako na ateng, matulog ka na lang ulit" pagkasabi ko nun ay bumalik na si ateng sa kwarto niya.

"Pards? Anong problema?" pagkabukas ko ng gate, iyon ang isinalubong ko sa kanya. Hinila ko siya sa may bubong na parte ng garahe.

Pero imbis na sumagot niyakap niya ako. Basang basa siya sa ulan, tapos yumakap siya sa akin? Pucha. Ano bang problema niya.

"Pards?" yun lang ang nasabi ko at gumanti ako ng yakap sa kanya, nakaramdam ako ng ginaw dahil nabasa ako sa damit na suot niya. Pero dapat ko iyong isantabi, si Pards muna ngayon.

"Demille, hindi ko na kaya!" humihikbi siya. Bakit umiiyak si Pards? Mas kinabahan ako lalo. Pangalawang beses pa lang siya nagiging ganto, nung una noong namatay yung mga magulang niya, tapos eto yung pangalawa.

"Pards? Anong problema, wag ka naman ganyan. Kinakabahan ako sayo pards." naiiyak na din ako.

"Demille" bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, kitang kita ko yung masaganang pag agos ng mga luha niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan ako para sa bestfriend ko. Ilang sandali kami sa ganoong sitwasyon, nagtititigan lang.

Naistatwa ako ng bigla niya ako hinalikan. Hindi ako makakilos, di ko alam kung anong gagawin ko, mariin yung halik niya. Napakariin, na parang ayaw niya akong pakawalan.

Naramdaman ko na lang ang mga kamay ko na nagkusang itinulak siya at sinampal. Napakalakas na sampal.

"Pards. S-sorry di ko sinasadya" nakahawak siya sa pisngi niya. Mas naging matindi yung pagluha niya.

"Pucha pards! Anong hindi sinasadya! Tang ina pards! Hinalikan mo ko! Hinalikan mo ang BESTFRIEND MO!" pilit kong pinupunasan yung mga labi ko. Pucha. Hindi ko maipaliwanag yung galit na nararamdaman ko! Tangna first kiss ko ang best friend ko!

"Pards. S-sorry. Patawarin mo ko, Demille, Pards" niyayakap niya ako pero nag pupumiglas ako. Ayoko sa kanya! Nagagalit ako!

"Bitawan mo ko! Lumayas ka pards!" ipinatutulakan ko siya palabas ng gate, pinipigilan niya ako pero binuhos ko ang buong lakas ko para maitulak siya palabas. Isinara ko kaagad yung gate, parehas na kaming nasa ulanan. Basang basa.

Babalik na sana ako pero napahinto ako ng marinig ko siyang sumigaw. "Demille! Tang ina! Pero mahal kita! Matagal na. Pilit kong tinago! Ang plano ko demille kapag nag18 ka, saka ako magtatapat! Pinilit kong bakuran ka! Simula nung highschool, walang makalapit sayo, kasi nandun ako! Pero ngayon, tang ina!" Inalog alog niya yung rehas ng gate namin. Umiiyak ako sobra. Hindi ko alam, bakit kaylangan ng mga madramang eksena na ganto kahapon kay Jaspher at ngayong madaling araw kay Vren? Ayaw ko ng ganto. Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana, pinaglalaruan ako ng langit, nakikisabay pa siya sa sitwasyon.

"Tang ina si Jaspher! Naunahan ako!"bumalik ako sa parteng may bubong, hindi ko hinaharap si Vren. Nasasaktan ako lalo.

"Vren, pare tama na" napalingon ako ng marinig ko yung boses na iyon. Si jaspher. Malamang ay abot sa bahay nila yung mga sigaw ni Vren.

"Putang ina mo Jaspher! Wag kang makialam!" sabay sinapak niya si Jaspher, kaya halos matumba ito. Tumakbo ako para lapitan sila pero sumenyas si Jaspher na wag. Pucha. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.

Kwinelyuhan ni Vren si Jaspher at sinapak ulit. Di lumalaban si Jaspher, tinatanggap lang niya yung suntok ni Vren. Napakalakas na ng bawat paghikbi ko. Nasasaktan na ako. Sobra.

"Tama na!" napasigaw ako ng susuntukin na naman ni Vren si Jaspher. Binitawan niya ito, kaya napa upo si Jaspher sa kalsada.

Tinignan ako ni Vren, na parang nagmamakaawa. Hindi ko na alam. Naguguluhan ako. Sobra.

"Demille, mahal na mahal kita! Di ko na kayang hintayin na mag 18 ka, di ko na kaya. Mahal kita" napaluhod si Vren. Nakahawak pa din siya sa rehas ng gate namin. Naaawa ako  nasasaktan ako, nagagalit ako. Nahihirapan akong isuksok sa kokote ko ang lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Tang ina!

"Demille pumasok ka na" parang yung sinabi ni Jaspher yung naging sign ko para talikuran sila.

"Demille! Sa oras na humakbang ka palayo, kahit isa lang. Kalimutan mo na ako!" napahinto ako. Pucha ang hirap nito, sh.t di ko na kaya.

"Demille" si Jaspher yun.

"Tang ina mo Jaspher! Demille wag" pagmaakaawa ni Vren. Naguguluhan na ako. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa.

Parang nagkusa ang mga paa ko sa paghakbang naririnig ko yung pagtawag ni Vren, yung paghikbi niya, kasabay ng buhos ng ulan. Pero ito ang pinili ko ang layuan siya ang iwanan siya sa ulanan, iwanan siyang umiiyak. Siya yung bestfriend ko, pero hindi to yung tamang oras para mag paka bestfriend mode. Dahil iba to. Pero sana tama yung desisyon ko, na talikuran si Vren. Narinig ko pa ulit na tinawag ako ni Vren, bago siya sumigaw, sigaw na di ko alam kung ano ang kahulugan.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon