12

55 3 1
                                    

*PAIMPORTANTE*

"Ma'am Demille? gising na po alas syete na" napabalikwas ako ng bangon 7 AM na? 7 daw kami aalis ni Vren ah.

"Bakit wala pa si Vren?" tanong ko kay ateng.

"Ma'am nasa ibaba na po siya, ako na lang daw po ang gumising sa inyo eh, ayaw po umakyat" pucha! nakakapanibago na di ako ginising ni Pards ni hindi man lang siya tumapak sa kwarto ko. Galit pa din siya.

"Sige ateng bababa na lang ako, salamat" pagkasabi ko nun ay lumabas na din ng kwarto ko si ateng, kaya bumangon na ko.

Binuksan ko yung dresser ko, kakaiba yung pakiramdam na alam kong nandito si Vren pero di niya ako pinipilian ng damit. Hindi siya yung Vren na kilala ko. Kasi yung Vren na kilala ko, halos sirain yung kama ko sa kakagising niya sa akin, siya yung tao na pagpipilitang ipasuot sa akin yung pares ng damit na napili niya. Nakakapanibago.

Kumuha ako ng skinny pants at Navy blue na blouse, inilagay ko yun sa kama ko at kumuha na rin ng under wear.

Naligo ako for about 30 minutes, dinalian ko talaga kasi kawawa naman si Vren nagaantay.

Lumabas ako ng banyo ng nakarobe, iniisip ko kasing baka pumasok na si Vren, pero wala siya. Galit talaga siya.

Nagbihis na din ako ng madalian, niblow dry ko na yung buhok ko at hinayaang nakalugay. Nagpulbos ako at naglagay ng lip balm para di naman ako mamutla.

Kinuha ko na yung shoulder bag ko na may mga lamang documents, at kung anu ano pang kelangan ko, matagal ko na iyong inihanda para sa entrance exam ngayon.

Pagkababa ko ng hagdan wala si Vren. Iniwan na ata ako. Madyado ba akong matagal kumilos? Yun na yung pinakamabilis ko.

"Ateng?" tawag ko sa kasambahay namin. Tutunguhin ko ang kusina ng may narinig akong nagtatawanan. Mukhang si ateng at Vren yun.

"Pero masarap talaga tong tapa mo ateng ah" rinig kong sabi ni Vren mukang maganda ang mood niya ah. Ang ganda ng tawa niya eh.

Sumilip muna ako sa kusina, nakita kong kumakain si Vren sa counter ng kitchen at si ateng naman ay nagpupunas ng mga utensils.

"Good morning" masigla kong bati sa kanila. Binuhos ko ang lahat ng lakas ng loob ko dun para lang makapag good morning kahit alam kong di pa kami ayos ni Vren.

"Ang bagal mo kumilos alas otso na" ang sungit ni Vren.

"Sorry" yun na lang ang nasabi ko, sorry yun di lang para ngayon na nalate ako gumising at mabagal akong kumilos, sorry na din yun sa lahat ng nangyari nung nakaraan, yung masyado akong naging madamdamin, kahit alam kong naglihim siya kasi kelangan, at kahit alam ko na siya yung pinaka nagsasakripisyo dito kasi babalik ulit siya ng first year. Sorry para sa pagkampi ko kay Jaspher samantalang si Vren naman talaga ang best friend ko, sadyang ipinagtanggol lang niya ko. Sorry para sa kahapon na imbis na pigilan kitang umalis, eh hindi ko nagawa. masyado akong nagiging duwag. Sorry.

"Im sorry Pards" sabi ko ulit. Nagaantay ako ng magandang sagot mula sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik. Yumuko siya saglit bago ulit kumain. Nanatili lang akong nakatayo sa kinaroroonan ko. Ang awkward sa pakiramdam.

Lumabas si ateng ng kusina, kaya kami na lang ni Vren yung naiwan dun napagpasiyahan kong maupo muna sa kaharap na upuan ni Vren, kasi di pa siya tapos kumain.

Grabe talaga yung pakiramdam parang hindi siya si Vren eh. Yung Vren na kilala ko kasi bubulabugin ang umaga ko at pupunuin niya yung pinggan ko ng pagkain at pilit na ipapaubos iyon, samantalang ngayon kahit mang aya kumain di niya ginawa.

Gusto ko siyang kausapin pero di ko mahanap yung tamang salita nasasabihin ko sa kanya. Ang hirap!

Nanatili na lang akong tahimik. Bakit parang ang bagal ng oras, ang bagal ni Vren kumain, ang bagal ng galaw ng orasan. Naiinip ako. Parang gusto ko nang iwanan tong sitwasyon na ito gusto kong tumakbo palayo, pero kailangan kong harapin to.

"Masarap si ateng gumawa ng tapa noh?"

Pagkasabi ko nun, agad siyang tumayo at naghugas ng kamay. Ni hindi pa nga siya tapos kumain. Tumayo ako at agad na nagpunta sa may ref para kumuha ng maiinom niya, iniabot ko yun sa kanya pero tinabig lang niya ako at kumuha siya ng sariling inumin. Aray, ang sakit sa dib dib parang may nagungurot sa loob ko.

Lumabas siya ng kusina at nanatili naman akong nakatayo sa kinaroroonan ko habang hawak pa din yung picher at baso.

Mayamaya ay dumungaw siya, nakita ko kagad yun dahil nanatili lang akong nakatingin sa may pintuan.

"Ang tagal mo! Paimportante!" sabi niya saka tumalikod at umalis. Apat na salita lang yun, pero parang dinurog yung buo kong pagkatao, ang sakit sakit. Ang hirap ng ganto. Ang hirap ng may kagalit kang tao lalo na kung yung bestfriend mo. Naalala ko yung sinabi ni Jaspher kahapon, baka daw gusto ako ni Vren higit pa sa isang kaibigan. Pero bakit ganun? Parang di nga niya ko kaibigan sa pagtrato niya sa akin ngayon, posibleng may gusto siya sa akin. Imposible, parang mas sumakit yung dibdib ko sa salitang, imposible. Di ko alam kung bakit, basta ang sakit. Naramdaman ko na lang na tumulo yung luha ko. Lagi na lang ba ako iiyak, nagiging iyakin na ako simula ng tumungtong ako dito sa Las Beritas.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon