36

38 3 0
                                    

Nasa burol na kami, ipinark lang ni Jaspher yung sasakyan niya sa paanan ng burol.

"Let's eat first, I'm hungry" nilatag niya yung picnic mat na dala namin.

Inilabas ko yung mga pagkain na inihanda ko kanina.

"Sandwich, mixed fruits, fried egg, hotdog, bacon, ham, fried rice, juice, banana hmmmm, oreo, wow" para siyang ewan na nagrorollcall ng mga pagkaing dala ko.

"Akala ko nagluto ka?" napakunot naman ang noo ko sa tanong niyang yun?

"Nagluto nga ko"

"Ng?"

"Hotdog, ham, bacon, egg, fried rice" natawa siya sa sinabi ko, anong nakakatawa dun?

"Hahaha ok, everything fried"

"Ang yabang mo naman, bakit marunong ka bang magluto?"

"No"

"Tignan mo lang, di ka naman pala marunong"

"Trabaho ng babae yan" wtf? Trabaho ng babae? Wow ah. Ano tingin niya sa mga babae, cook?

"No, trabaho ng cook yun" inirapan ko siya.

"Hahaha, Ok fine, stop rolling your eyes. Let's just eat" inihilamos niya sa mata ko yung kamay niya, naalala ko bigla si Pards, nakakamiss din malapit na birthday niya, di pa din kami ok.

"Bawi na ko ah" sabi ko out of the blue habang nakahiga kami sa damuhan. Kanina pa kami tapos kumain.

"Not yet, madami akong nakuhang pasa, kaya dapat whole day ang bawi mo, except for something"

"Huh?" natanga ako sa sinabi niya

"Be with me for the whole day. And from now on call me banana."

"Huh?" tae puro huh na lang ba ako dito?

"Wholeday? Banana?"

"Yeah exactly"

"Ok sige wholeday. Pero yung banana kelangan talaga?"

"Yup"

"Okay" pumayag na lang ako makakalimutan din naman siguro niya yun.

"YES! SHE'S MY OREO AND I'M HER BANANA" bigla siyang tumayo at nagsisisigaw. Parang baliw talaga tong lalaking to.

"Pero, oreo, nililigawan talaga kita ah, seryoso ako sayo" umupo siya sa may tabi ko kaya naupo na din ako.

"Jaspher, sabi ko nga say-"

"Oreo, manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo. Hanggat di ka nagiging akin, di ako titigil" napatakip ako ng mukha ko, ang kulit talaga niya.

"Ay teka! Dapat banana tawag mo sakin ah" sus napansin pa niya yun.

"Ok, banana"

"Mainit na Oreo, swimming tayo sa ilog"

"Wala akong dalang pangligo eh"

"That's ok, let's just buy" nagulat ako sa sinabi niyang yun, buy agad, tsk. Rich kid.

"Wag na, kuha na lang tayo sa bahay"

"That's out of the way oreo, hayaan mo na ko. Nanliligaw ako diba? Gusto ko din naman maranasang bilhan ka ng swimsuit" hindi ko alam kung ano yung dapatkong ireact sa sinabi niya. Parang may bahid na naman Vren ang usapan ah. Tss.

"Okay" pagkasabi ko nun agad na niya akong hinila papunta sa sasakyan, excited lang?

Dumeretso kami sa isang unisex dress shop. Ibinili niya ako ng red na bikini top na may ternong red shorts. Kelangan red talaga? Bumili din siya ng swimming trunks na kulay red din at isang tshirt.

Umalis din kami agad at dumaan sa isang resto para magtake out ng pagkain, bago kami tumuloy sa may ilog.

"Sayang di maipasok yung sasakyan sa lugar na to." sabi niya pagdating namin sa kubo, mukhang pagod. Ibinaba niya yung mga dala niya, yung pagkaing tinake out namin yung pinamili namin sa dress shop, pati yung picnic basket di pa kasi ubos yung laman eh.

"Kawawa, napagod."

"Ui di ako pagod ah, kita mo tong biceps at triceps ko. Mukha bang napapagod yan?" hinahampas hampas pa niya yung braso niya, di naman kalakihan yung katawam niya eh.

"Tss. Yabang" natawa na lang ako sa kanya. Parang baliw.

"Sige na magpalit ka na, at nang masolo na kita" pakiramdam ko namula yung pisngi ko sa sinabi niyang yung. Parang tanga talaga tong lalaking to. Bigla siyang natawa.

"You're cute when you're blushing"

"Blushing ka dyan, natural na rosy cheeks yan noh" kinuha ko na yung pinamilinamin at agad nang pumasok sa dressing room.

"Psst" may narinig akong sumitsit mula sa labas, habang nagpapalit ako.

Parang may kumalampag at nagsalita si Jaspher. "Fck, istorbo"

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon