34

41 3 0
                                    

"Wake up, we're getting late" kanina pa ko gising pero ni hindi ko magawang idilat yung mata ko nahihilo ako eh.

"Wake up sleepy head, oh sh!t you're sick" naramdaman kong may humihipo sa noo ko.

"Wait, kukuha ako ng gamot" tumayo siya, pero nakapa ko yung kamay niya kaya nahinto siya.

"Wag mo kong iwan" pagmamakaawa ko, ayaw kong magisa ako pag may sakit ako.

"I'll not leave you" hinawakan niya yung kamay ko pabalik.

"Salamat pards" narinig ko siyang bumuntong hininga atsaka bumitaw sa akin.

Naramdaman kong para akong naihi. My gosh, sabi na eh, meron ako ngayon kaya ako nagkakaganto.

Pinilit kong tumayo para makapagpalit ako, ang lakas sh!t. Nahihilo ako kaya dahan dahan lang ang kilos ko.

Muntikan pa kong matumba, buti na lang napakapit ako sa dingding. Argg. Ang sakit ng puson ko.

"Oh sh!t you're bleeding!" napalingon ako sa may bandang pinto si Jaspher yun, agad naman niya akong inalalayan.

"Demille, I need to bring you to the hospital, what happened?" masyado siyang nagpapanic.

"Jaspher, Im just having my period"

"Are you sure? Baka maubusan ka ng dugo"

"Jaspher, pwede ba paalalayan na lang ako papasok ng cr, tapos papalitan mo kay ateng yung bed sheet ko"

"Ok ok" pagkatapos nun inalalayan na niya ako papasok ng cr, at agad din siyang lumabas.

Naglinis ako ng katawan. Pero sh!t nakalimutan kong kumuha ng pampalit. Kaya naka robe ako.

"Ahm, ateng?" may nagbukas ng pinto pero di si ateng, si Jaspher.

"Ah, sorry Oreo, bumaba na si ateng. What d'you need?" napakagat ako ng labi, fck no choice.

"Ahm, Jaspher. Pakuha naman ako ng pambihis, tshirt at pajama."

"Ok. Undies?" nakakahiya.

"Ahm, yeah, kelangan ko. Nasa drawer lang" pagkasabi ko nun sinara na niya yung pinto ng Cr, nakakahiya na kay Jaspher, lahat na ng kahihiyan ko nakita na niya. Badtrip.

"Oreo"

"Sige, pasok"

"Papasok talaga ako?" tanong niya pagkabukas niya nung pinto.

"Amin na nga, labas ka na. Magbibihis na ako" kinuha ko na yung mga damit ko at nagpalit.

Pagkabukas ko ng pinto ng banyo agad akong inalalayan ni Jaspher.

"May pasok ka diba?" tanong ko sa kanya, pero di niya ko pinansin, iniupo niya ako sa kama at kinumutan.

"Eat this porridge. Say ah" umiling ako, wala akong gana.

"Oreo, you need to eat."

"Wala akong gana"

"Please, just a little" sinunod ko na lang siya, kahit medyo nasusuka ako kasi wala akong panlasa.

"Drink this" iniabot niya sakin yung capsule para sa lagnat at sa dysmenorrhea. Ininom ko naman agad yun.

"Bakit ka nilagnat oreo?" tanong niya habang hinihimas himas yung buhok ko.

"Ganto talaga ako kapag meron ako, tapos stressed, nilalagnat ako. Pag di naman ako stressed, normal lang naman" totoo yun, kapag wala naman akong pinagdadaanan normal lang ang mens ko, pero pag mga tulad ngayon na sunodsunod na stress yung hinarap ko, talagang lalagnatin ako.

"Kaya pala ang sungit mo kahapon, kasi magkakaron ka."  ngumisi pa siya. "Anyway, Oreo, gusto mo ng saging?"

"Ayoko, tinatamad ako kumain, nga pala nandito si pards kanina?" parang nagulat siya sa tanong ko.

"Ah, ako yun" yumuko siya at nahalata ang pananamlay sa boses niya, sh!t akala ko si Pards, tinawag ko siyang pards.

"Sorry Jaspher, akala ko kasi ano eh"

"Nah, don't be sorry, ok lang, magpahinga ka na lang" inihiga niya ako at inayos yung kumot ko.

"I really want to take care of you, but I really need to go to school"

"Ok lang ok lang, andito naman si ateng"

"Are you sure?" tumango ako sa tanong niyang yun.

"Ok, get rest Oreo, babalik na lang ako mamaya" tumayo na siya at hinalikan ako sa noo.

"Jaspher" liningon niya ako nung tinawag ko siya.

"Thank you Jaspher"

"No problem Oreo, I can do anything for you, if you don't want me to attend my classes today, I  won't, just tell me. "

"No Jaspher, that's too much, sige na ingat ka" kinawayan ko na siya para umalis na siya.

"Ok, your wish is my command, madame."  nginitian niya ako at lumabas na ng kwarto ko.

Ang sama ko na masyado kay Jaspher. Paano ba ko makakabawi.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon