EPILOGUE

136 6 0
                                    

"I love you my princess, I am sorry... " Ganun tinapos ni tito Dennis ang pagbibigay niya ng necrological message niya for Demille.

After this necrological program her body will be burried.

"Demille. A combination of our names, Dennis and I, Camille. This child of mine was so kind hearted. She never hurt us, her parents. Ganyan kabait ang anak ko. Anak. I only think what's best for you. Mahal na mahal ka ni mama." Napatingin ako kay tita, na ngayon ay iyak ng iyak sa harapan.

"It not just double the pain, anak. It triples. When you cry, I'll cry harder. When you're in pain, it triples the pain in me. When you're sick I always wished na akin na lang sana yung sakit mo. Ganun ka kamahal ni mama anak. You're my princess, our princess. But.." Humihikbi si tita, at sinasabayan siya ng lahat sa pagiyak. Ang daming nagmamahal kay Demille dahil ang daming dumalo ngayon. Pero tanging parents lang niya ang kadugo niya dito. Nagiisang anak ang mama ni Demille at parehas ng patay ang mga magulang. Samantalang ang papa ni Demille naman ay may kapatid na matandang dalaga. Hindi din nakapunta ngayon dahil nasa Canada at hindi maiwan ang lola ni Demille na may sakit.

"But... I'm sorry anak. Hindi ka namin naprotektahan. Anak ko.. Patawarin mo kami, ni papa ah.... Anak. Sorry..." Nawitness ko kung paano nanghina si tita at natumba sa pagkakatayo nito. Mabuti na lang ay nandun si tito. He guided her, back to her seat, hindi na nito tinapos ang necrological message niya.

"Deppresed ako nung mga panahong iyon, sino ba namang hindi. I had all the traumas in the world ng mamatay ang parents ko sa isang aksidente, without mentioning na kasama nila ako but I was the only one left alive. Masakit sobra. And I never thought that I would experience that undescribable pain, AGAIN." iyon ang naging panimula ko sa necrological message ko for Demille. Wala akong hinandang speech. Sasabihin ko lang kung anong lumabas sa bibig ko.

"I never thought na mawawala sa akin, yung taong dumamay sa akin ng mga panahong iyon." I continued. "Oo alam ko, lahat tayo mamamatay,but I never thought that it would happen this early. She's been my bestfriend for about 15 years, and counting, walang sinuman ang makakapalit sa pwesto niya. I don't know when I realized my feelings for her. Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko lang, hindi mahirap mahalin si Demille. Sa sobrang bait at sweet niya, baka pati bakla, magpakalalaki dahil sa kanya."  I paused dahil pinunasan ko yung mga mata ko, nanlalabo na dahil sa mga luha ko.

"I just can't accept the fact, na hindi ko siya naprotektahan nung panahong yun. Kung kelan niya ako pinakakailangan, ayun ako, may sama ng loob sa kanya. Demille, patawarin mo ko. Mahal kita alam mo yan. Marami akong gustong sabihin sayo kaso, mukang wala na akong pagkakataon para sabihin iyon, di bale mamatay din naman ako, makakausap din kita." I flashed a smile. Yung ngiti na may kasamang pighati.

"Pero sisiguraduhin ko na bago tayo magkita dyan.." I paused again and looked at the sky. Pati langit malungkot. Parang kahit anong oras bubuhos na din ang lungkot niya.

"Nabigyan ka na ng hustiya. Pangako yan. Demille. Pards. Mahal na mahal kita. Multuhin mo ko ah. Para naman makausap kita. I love you Demille. Sobra pa sa sobra." 

Pabalik ako sa upuan ko nang makasalubong ko si Jaspher. Siya ang susunod na magbibigay ng necrological message. Humarang siya sa daan ko, kaya napahinto ako.

"Jaspher. Ayoko ng aw-"  Nagulat ako ng hinila niya ako para yakapin.

"Let's be friends. Para kay Demille" I found myself responding to his hug. Hindi sa bakla kami. Kundi dahil parehas kaming nagmamahal kay Demille. Una siyang kumalas at nagpunta na sa harap.

"I was then having my rest at the hill. I was drawing anything I saw. Then I heard someone's voice, at first I got angry, because she's so noisy. But as I saw her, I felt butterflies inside of me. I really don't believe at love at first sight but she broke my beliefs. I fell. I hardly fell.Mahal talaga niya si Demille. Noong una, pakiramdam ko hindi. Iyong tipong crush lang, yung infatuation lang. Attraction lang at walang halong love.

"Demille's a nice person, Vren is right di siya mahirap mahalin. She's always contented and thankful with what she have. She's simply pretty." tumingin siya sa akin at ngumiti, nginitian ko din siya at tumango.

"Demille. I'll help Vren to give you justice. I love you Demille Britany Sanchez De Veyra. Forever and always." After nun. Everyone stood up for the final blessing.

Ibinigay na ng pari yung final blessing for Demille. Binuksan nila iyong kabaong at niyakap ni tita ang katawan ni Demille, pati si tito ganun din ang ginawa. They both kissed her on the forehead.

After nilang yumakap ay pinasara nila yung kabaong, pero bago pa tuluyang naisara iyon, pinigilan sila ni Jaspher.

"Tito, tita? Can I?" Nakita kong tumango sila kay Jaspher. Kaya lumapit si Jaspher at niyakap din si Demille.

Humiwalay siya kay Demille tinitigan niya ang muka nito bago niya hinalikan sa labi. Halos lahat ay nagulat sa ginawa niya. He's kissing Demille. Simpleng nakalapat lang ang labi niya sa labi ni Demille, pero matagal iyon, at nakita ko kung paano umagos ang luha ni Jaspher. Ako din ay naiiyak.

"How I wish that she's Aurora. So that when I kissed her she'll wake up... But I know this is not a fairytale. She's not sleeping beauty and I'm not a prince. This is reality" sabi niya pagkabitaw niya kay Demille.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Vren please. Let me be her last kiss. Ikaw naman yung first kiss diba?" Hindi ko alam pero parang authomatic ang pagtango ko. Lumapit din ako kay Demille, pero di para halikan siya at makipagkumpetensya pa kay Jaspher kundi para yakapin ang babaeng mahal ko. Eto na yung huli eh.

After that. Nagsimula ng ilagay ang kabaong ni Demille sa kanyang libingan. Everyone gave her a white rose. Si tita, halos himatayin na siya sa kakaiyak. Mahirap mawalan ng anak lalo pa't nagiisa lang si Demille at sobrang bait pa.

We waited there until her grave was done. Nagpakawala kami ng ilang kalapati at mga puting lobo.

"Goodbye Demille. I love you" bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga papalayong lobo.

Nagulat ako ng may umakbay sa akin at nakita ko si Jaspher na nakatingin sa langit at nakangiti. "She's absolutely an angel now"

Pagkasabi niya nun inilipat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti ulit.

"Paano ka nakakangiti ng ganyan?" tanong ko sa kanya.

"I just realized something" kumunot ang noo ko sa sinabi niyang yun. Tumingin na naman siya sa langit bago nagsalita.

"God, already saved her TROUBLED HEART"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

-----

THE END.

ALL RIGHTS RESERVED, 2014®

©THENEEKS

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon