25

44 3 0
                                    

*WEIRD*

"What's the date today?" tanong sakin ni Jaspher, I'm here with him sa bahay nila, to be specific sa kwarto niya, and to be more specific sa kama niya. Joke. Nasa couch kami nakaupo at nagkukwentuhan. Ayaw daw niya sa ibang part ng bahay nila kasi ang daming tao. Siya na mayaman, puno ng maids bahay nila.

"I don't know" sabi ko saka kumuha ng potato chips at isinubo iyon. Malay ko ba sa petsa ngayon? Oo na, ako na yung taong walang pake sa petsa, sa current events, sa social media, mention it all, I dont care.

"Oh, It's May 30" sabi niya pagtapos  niyang tignan yung wrist watch niya.

"Tignan mo to, nagtatanong pa" pagkasabi ko nun bigla siyang nagmukmok sa pinakadulo ng couch. Problema nito? "May 30 pala ngayon" bulong niya sa kawalan ano bang meron sa May 30?

"Oh? Problema mo?" binato ko siya ng chip at ni hindi man lang siya umilag, kaya natamaan siya sa may pisngi.

"Sorry na" nakunsensya naman ako bigla, parang ang lungkot lungkot niya kasi, may problema ata talaga siya.

"It's okay" pagkasabi niya nun ay humiga siya sa couch at ipinatong yung dalawa niyang paa sa lap ko.

"Yuck! Kumakain ako eh" pilit kong tinatanggal yung mga paa niya pero masyadong mabigat.

"They're clean" pinagcross pa niya yung paa niya.

"Paa pa din yan! Jaspher!" inis kong sabi sa kanya. Shets ang bigat talaga ng paa niya, di ko matanggal.

Bigla siyang tumawa pero ang lame nung tawa niya. "I have two feet the left and the right" napanganga ako  sa ginagawa niya. Gosh, he's singing a nursery rhyme, at ang loko, isinasayaw pa yung dalawa niyang paa.

"Hands yun hindi feet!" sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.

"Hold them up high, so clean and bright clap them slowly 1 2 3, clean little feet are good to see"

"Fvck, what's happening to you, sinapian ka ba ng tiyanak?" hinampas ko yung paa niya, tumayo siya mula sa pagkakahiga at bumalik ulit but by this time yung ulo na niya yung nasa lap ko.

"Stop cursing" ayan na naman siya sa paguutos niya. Inirapan ko siya.

"Can I kiss you?" napaigtad naman ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. My gosh!

"I'm sorry, you're lips are just so sexy" nakatitig lang siya sa mga labi ko, DaEf, what's your problem Jaspher. Di ako makakilos sa kinauupuan ko, bukod sa bigat ng ulo niya, naiistatwa din ako sa mga pinagsasabi niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, mapupungay iyon at para siyang inaantok.

"I-I'm sorry, fvck!" agad siyang tumayo, at ginulo ang buhok niya, pumunta siya sa kinaroroonan ng pinto akala ko lalabas siya pero binuksan niya iyon, widely open. Kinuha niya yung controller ng aircon at nilakasan iyon, mukhang naiinitan siya, pinagpapawisan kasi siya. Hindi pa din ako gumagalaw sa pwesto ko  pinagmamasdan ko lang siya, palakad lakad siya, paikot ikot sa kwarto niya.

Para siyang pusa na di ma-anak. Nakahawak siya sa noo niya at patuloy na ginugulo ang buhok niya. Para siyang baliw.

"Fvck, nahihilo ako sayo" reklamo ko sa kanya. Parang kinuryente siya nung nagsalita ako, isinara niya yung pinto at inilock iyon. Lumapit siya sa akin at hinigit ako kaya napatayo ako. What's happening?

"Stop cursing please, s-hit, stop it Demille" kumunot ang noo ko sa inasta niya. Problema niya?

"Ano ba kasing problema mo?"

"It's my birthday today! Yet, you didn't even greet me" napahawak ako sa bibig ko. Shets. Birthday niya pala! Nakalimutan ko. Para naman kasing walang bumabati sa kanya. Tsk.

"I'm sorry, nakalimutan ko. Pero birthday mo ba talaga? Bakit walang bumabati sayo?"

"I don't want them to greet me, I'll get mad"

"Oh yun naman pala eh, then tama lang na di kita binati" anong arte nitong si Jaspher, may pagkamaarte din tong lalaking to eh.

"Fvck Demille! I don't know, I don't want anyone to greet me happy birthday, but you" napatalungko siya sa sahig at nagfacepalm, Jaspher is acting so weird.

"Fvck also Jaspher! You're acting so weird. I don't get you"

"Demille, I'm begging you. Stop cursing, you're turning me on" napaluhod pa siya sa harap ko. Shets! What? Turning him on?

"What the fvck? Jaspher. You look so creepy" napaatras ako, ano ba siya. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo.

"Sabi ko tigilan mo na!" biglang tumalbog yung puso ko. Kinabahan ako bigla, bakit ba ganun yung epekto sa akin kapag nagtatagalog siya. Nakakatakot, nakaka kaba, it seems like he meant every tagalog word he's saying.

"Tumigil ka na please, mahirap magpigil" napaatras ako lalo.

"Jaspher, nakakatakot yang inaasta mo, ang weird mo" lumapit siya sakin, aatras pa sana ako pero nahuli na niya yung braso ko. Nakakatakot yung mga mata niya, parang nagaapoy. Nakatitig siya sa akin, ganun din naman ako sa kanya.

"Oo, weird ako, yun di ang tingin ko sa sarili ko ngayon. Di ko maintindihan Demille, but please don't be scared. Marunong ako magpigil. Nasayo lahat ng pag galang ko"

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon