39

45 4 2
                                    

"I went here to help you" hinatak niya yung kumot kong nakatalukbong sa ulo ko.

"Help me? Sasha. Wala ka namang dapat itulong sa akin." naupo na ko. Kanina pa niya kasi ako ginigising. And she's offering me her help. Wala naman siyang maitutulong kasi hindi naman ako nanghihingi ng tulong at wala naman talagang dapat itulong sa akin. Ang kulit ng batang to.

"Nah. Demille. Akala mo lang yun. You need to know something"

"I'm not interested" bumalik ako sa paghiga at nagtalukbong ulit. Inaantok pa ako anong oras na kasi ako nakauwi, almost 1 am na. Tumambay pa kasi kami ni Jaspher sa roof deck nila.

"Are you sure, sige I gotta go" naramdaman ko ang pagbangon niya sa higaan ko. Hay salamat.

"Sayang hindi mo malalaman na nanliligaw si Vren kay Ej" nanliligaw lang pala kay Ej eh. Teka? Sino yun? Si Ej? Si Vren?

"What?!" napabangon ako ng biglaan.

"What? Totoo ba yan? Si Vren? Nililigawan si Ej? Si Pards? Seriously?" napahinto ako sa paguusisa sa kanya ng tumawa siya. Parang baliw. Nakahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa na parang walang bukas.

"Sasha. Ang panget ng tawa mo" napahinto naman siya sa sinabi ko at kinuha yung pressed powder sa pouch niya, at nanalamin dun. Tsk. Masyadong concious sa itsura.

"Hindi naman, anyway. Binibiro lang kita. Hindi nililigawan ni Vr-"

"Yun naman pala eh" nahiga ulit ako at nagtalukbong. Loko ka Sasha.

"Demille! Aantayin mo pa bang dumating dun? Gosh. They always go out together. They even play basketball together"

"What? Bromance? Bakla si Pards?" napabangon ulit ako. Ang sakit sa ulo.

"Aray" bigla ba namang ihampas sa akin yung pouch niya na puno ng make up.

"Stupida ka kasi. Di mo ba kilala si Ej?" Umiling ako bilang sagot. Di ko kilala yun sino ba yun?

"Stupida nga"

"Teka nga Sasha. Kota ka na ah. Susumbong kita kay kuya mo. Payag na nga ako na di mo ako tawaging ate, tinatawag mo naman akong stupida, pasaway ka talagang bata ka."

"Para kang si kuya manermon. Anyway si Ej. Yung babaeng astig na pretty na laging kasama ni Vren. Gosh. Nagkukwento si Vren sa akin Demille. Masaya daw kasama si Ej, kasi astig nga daw. Marunong magbasketball at hindi maarte." may parang kumurot sa dibdib ko. Ang sakit lang, hindi ba ako masaya kasama kasi may kaartehan ako, hindi ako astig at di ako marunong magbasketball. Parang naaalala ko na si Ej, siya ata yung babaeng kasama ni Vren nung first day yung may dala dalang bola ng basketball. Siya nga.

"Demille umamin ka nga" hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at nakipag eye to eye contact sa akin.

"Demille, mahal mo ba siya?" gusto kong umiling pero di ko magawa kasi mahigpit yung pagkakahawak niya sa pisngi ko. Mahal ko si Vren pero bilang kaibigan lang.

"Namimiss mo siya kapag wala siya" Oo namimiss ko si Vren. Nasanay na kasi akong nasa tabi ko lagi siya nakakamiss.

"Nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba" Oo masakit, yung kasama niya si Ej nung first day, masakit kasi ako dapat yung kasama ni Vren eh. Ako dapat yung kakulitan at katawanan niya.

"Madalas mong hinahanap ang presensya niya" Nasanay ako sa presensya niya kaya di ko maiwasang hanapin siya.

"Iniisip mo siya ngayon"

"Si Vren- aray" bigla akong sinampal ni Sasha, medyo masakit.

"Gosh, Demille. Aminin mo na sa sarili mo. You're aware that you're inlove but you're not recognizing your feelings Demille"

"Hindi ko nga siy- aray nakakadalawa ka na Sasha ah"

"Aminin mo na kasi, Demille"

"Oo namimiss ko na siya, oo nasasaktan ako pag may kasama siyang iba, nasaktan ako nung nakita ko sila ni Ej na magkasama at masaya. Oo nasanay na ako sa presensya niya hinahanap ko siya pagwala siya. Oo tama ka namimiss ko siya. Nasasaktan ako. Nagseselos ako" nabigla ako sa mga sinabi ko. Nakatingin lang si Sasha sa akin na parang nagaantay ng susunod kong sasabihin.

"Fck. Mahal ko ba siya?- Aray" isang sampal na naman ang inabot ko kay Sasha.

"Fck. Mahal ko nga siya"

"Yes! Sa wakas! Umamin din!" nagtatatalon si Sasha sa kama ko. Gosh. Did I just say na mahal ko si Vren? Si pards? Oh my gosh. I'm inlove with my best friend. Iba iba yung nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako na natatakot ako na naiihi na natatae ako, na nanlalamig ako na parang nagdidiliryo ako. Shet. Bakit ganto.

"Demille. Diba mag bibirthday si Vren. Kailangan may gawin ka, I have a plan"  Nginitian niya ako atsaka bumulong sa akin. Gosh. I can't believe it. Kikilos ako to win him back. Kinakabahan ako. But nakakaramdam din ako ng excitement ganto ba yun? Eto ba yung inlove? Totoo ba to?

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon