27

47 3 0
                                    

*BESTFRIEND MODE*

"Pards!" niyakap ko agad siya ng makita ko siyang pumasok sa pintuan ng kwarto ko. Pinapunta ko siya dito dahil kelangan kong may mapaglabasan ng nararamdaman ko ngayon, nararamdaman na di ko alam kung ano.

"Anong problema pards? May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" inalis niya ako sa pagkakayakap ko sa kanya tsaka chineck ang leeg at noo ko, pinapakiramdaman niya kung mainit ako. Halata sa kanya na nagpapanic siya.

"Wala akong sakit pards, may ikwekwento ko sayo, di ko na kayang ipagpabukas eh, pasensya na." nakita kong nagsalubong ang kilay niya na para bang nagtataka.

"Tara na" atsaka ako nahiga sa kama.

"Ok, bestfriend mode." pagkasabi niya nun ay nahiga na rin siya sa kama. Magkatabi kami na nakatihaya at parehas nakatingin sa ceiling. Ganto kami kapag naguusap, nakasanayan na naming gawin to.

"Oh, anong ikwekwento mo?"

"Si jaspher kasi" inaantay ko siyang may sabihin pero nanatili lang siyang tahimik, kaya napagpasyahan ko na lang mag kwento.

"Kanina, nasa bahay nila ako" Naramdaman kong lumingon siya kaya lumingon din ako.

"Bakit di ko alam yun?"

"Biglaan lang kasi" sabi ko. Bumuntong hininga siya atsaka tumingin ulit sa ceiling. "Dapat nagpaalam ka pa din"

Hindi ko mawari kung anong emosyon ang pinapakita ni Pards ngayon. Parang blangko lang.

"Nagtapat siya pards" tahimik pa din si pards, kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa ceiling.

"May gusto daw siya sakin at gusto daw niya ako maging girlfriend" parang may humila ng cobre kama, kaya napatingin ako sa gitna namin ni Pards, nakita kong nakayukom yung palad niya parang gusto niyang punitin yung cobre kama.

Bumuntong hininga ako bago nagsalita, "Di mo ba aalamin kung anong naging sagot ko?"

"Tuloy mo" mas naramdaman ko yung paghigit niya sa cobre kama. Nagagalit siya.

"Wala akong isinagot" huminga ako bago nagsalita ulit.

"Hindi ko alam isasagot ko pards eh. First time yun, grabe pala yung ganung sitwasyon, ayoko siyang saktan pero nasaktan siya. Hindi ko alam kung ano dapat gawin eh, di ko alam kung ano dapat sabihin basta grabe. Parang ang hirap iproseso sa utak ko lahat lahat. Grabe talaga" hinampas ko yung magkabilang gilid ng hinihigaan ko.

"Nagwalk out ako pards, di ko kinaya yung sitwasyon eh. Iniwan ko siya dun, nakaluhod, Pards lumuhod siya sa harap ko."

"Ah, ganun ba pards" umupo siya sa kama, kaya naupo na din ako.

"So... Paano? Mauna na ako ah, alas otso na, magpahinga ka na" tumayo siya at hinalikan ako sa noo. Di na niya hinintay na magsalita ako, lumabas na siya ng kwarto at isinara ang pinto. Ang lamig ng pakikitungo niya. Para namang may problema siya. Baka may sakit? Parang wala naman. Tsk.

Problema nun? Baka inaantok na? Baka nga. Ibinagsak ko na yung katawan ko sa kama at nagpagulong gulong. Inaantok na din ako.

Pero bago pa ko tuluyang makatulog, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Saka kumulog, pucha! Takot ako sa kulog at kidlat. Nagtalukbong ako ng kumot atsaka nagyakap ng malaking unan.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon