18

48 3 0
                                    

*BABY A*

Nagpaikot ikot pa siya ng ilang beses bago niya ko ibinaba, napahawak ako sa braso niya, pucha trumiple yung dami ng tao, napatingin ako kay Pards, na may tatlong ulo, binatukan ko yung isa niyang ulo pero tumagos lang yung kamay ko.

Saglit lang at bumalik na sa normal yung paningin ko "Pucha naman pards, nahilo ako dun" sabi ko sa kanya.

"Sorry na Pards, ako kasi ang nag rank 1 sa entrance exam"

"Eh syempre, third year ka naman talaga dapat, sisiw na sayo yung exam na para talaga samin" pagtataray ko sa kanya, pinagcross ko pa yung kamay ko saka inirapan ko siya.

"Pards naman, wala bang congrats man lang?" para siyang batang nagmamaktol hahaha. Cute ni Pards.

"Osige na nga" tumungtong ako sa bench at hinalikan ko siya sa pisngi at saka naglambitin sa leeg niya. "Congrats Pards!"

Bumitiw na ko sa pagkakasabit sa kanya, ng makita ko yung mga nanlilisik na mga mata nung mga babae sa amin. Para nila akong binabalatan ng buhay. Problema nila?

Nagayos ako ng damit bago nagsalita "Anong score ko Pards?" tanong ko sa kanya.

"Sorry nakalimutan ko tignan, naexcite ako" napakamot siya sa ulo niya, hay grabe kinalimutan niya ko, napailing na lang ako.

"You're on rank 38, with an average of 87.69" singit ni Jaspher sa usapan namin, well rank 38 ako. Not bad, di naman kasi ako matalino, I belong on the average class.

" Thanks, ikaw?" ako kay Jaspher

"Rank 4, 95.32" wow. Ang tatalino pala ng mga kasama ko. Ako lang hindi, napagiiwanan ako. Ok lang yan maganda naman ako eh.

"Galing mo rin Jaspher" sabi ko sa kanya at nipinch yung pisngi niya.

"Come on, let's go to the registrar's office" tumango ako sa sinabing iyon ni Jaspher.

"Tara na Pa-" s hit lang ah, pinagkaguluhan si Pards, nagpapa picture at autograph. Gosh, instant celebrity. Pagkalingon ko naman kay Jaspher  sinimulan na din siya ng umpukan, so anong papel ko dito?

Nagigitgit na ko nung mga babae kaya umalis ako dun sa gitna nila at nanatiling nakatayo sa may bulletin board. Ayaw kong mapipi sa nagkakagulong fan girls noh.

"Hi!" masiglang bati sakin ng isang lalaki.

"Oh, hi baby A" napatakip ako sa bibig ko sa sinabi kong yun, nakakahiya tinawag ko din siyang baby, ano ba naman ako nagaya na ko sa mga babaeng yun.

"Bakit pag sayo galing, ang sarap sa pandinig, Angelo nga pala" nangilabot naman ako sa sinabi niya. He offered his hand for a handshake, and showed his perfect set of teeth. Mas maliit siya kumpara sa ibang mga lalaki, magkasing height lang kami. Medyo malaki yung mga mata niya, pero ang ganda nun tignan kasi pinarisan yun, ng makapal na kilay at makapal at mahabang pilik mata. Ang cute niya, bagay sa kanya yung baby A.

"Demille" sabi ko at tinanggap yung kamay niya.

Nakapagkwentuhan kami ng kaunti at sinabi niya na close friend sila ni Jaspher. Nasabi ko rin na kakalipat ko lang dito, at obvious naman daw, kasi halos lahat daw ng taga rito ay kilala niya, at bago daw ako sa paningin niya.

Maya maya lamang ay, nawala rin ang kumpulan, malamang ay unti unti na silang nagsipuntahan sa registrar para makapagenroll.

"Tara na" anyaya ni Vren, muka silang ginahasa ni Jaspher, pawis silang pareha at bahagyang nagulo ang mga buhok nila pero parang nakapagdagdag iyon sa kisig nila.

Ipinagpatuloy na namin ang pageenroll. Sa totoo lang nakatulong yung charm ng tatlong kasama ko kaya mas bumibilis yung process namin. Iba talaga pag may gwapong kasama, lagi pinapauna eh, pero nakakatakot yung mga tingin nila sa akin parang mamamatay na ko. Kasi madalas sa pila ay, nakaupo lang ako sa bench na pinakamalapit, tapos sila na yung pumipila, minsan pa nga'y binilhan ako ni Jaspher ng biscuit at softdrinks, prinsesa lang diba. Pasensya na lang sila, friends ko tong mga gwapo, charming at matalino.

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon