22

50 3 0
                                    

*REYNA ELENA*

"Tara na pards, baka malate tayo" may meeting daw kasi ngayon para sa santa cruzan. Kasama ko si pards, nung sinabi ko kasi na kasama ako sa santa cruzan agad siyang nakipagusap kay aling Perla at sasali din daw siya, at siya yung partner ng reyna delas Flores.

"Eto na" sabi ko habang dala dala yung mga gowns na posible kong suotin. Pinapadala kasi nung bading na kaibigan ni aling Perla.

"Amin na nga" inagaw niya sakin yung 3 gown na dala ko.

"Sabi ko naman kasi sayo sabay na tayo kay Jaspher eh" di niya ko sinagot nagderederecho lang siya palabas ng bahay. Ayaw niya kasi sumabay kay Jaspher, nakakahiya daw. Para namang may hiya siya. Napangiti ako sa iniisip ko. Boys and their egos. Tsk.

Pagkalabas ko ng gate may tricycle ng nagaabang nakatayo si Pards sa may bandang side car.

"Sakay na pards" sabi niya sakin kaya sumakay na ako dun sa sidecar. Saka niya ikinandong sa akin yung tatlong gown. Dun siya naupo sa likudan ng driver.

Ilang sandali lang nakarating kami ng simbahan, di pa man ako nakakababa may kamay ng kumuha sa mga gown na dala ko.

"What takes you so long?" sabi niya. Teka di si pards yung kumuha nung gowns pagsilip ko si Jaspher na nakakunot yung noo ang nakita ko.

"Ako na bro" pilit na inaagaw ni Pards yung gown pero di binibigay ni Jaspher.

"I can manage" sagot ni Jaspher at nagsimula ng maglakad.

"Ako na"

"I can"

"Ako na sabi"

"I told you I can manage"

"Ganto na lang hati tayo."

"Ok." inabot niya yung isang gown kay Pards. Pero gustong kuhanin ni pards yung dalawang gown.

"Isa lang sayo" sabi ni pards habang pilit na kinukuha yung isa pang gown.

"No, I can carry these both" inilayo naman ni Jaspher kay Pards yung dalawang gown.

"Teka nga" napatingin naman sila sa akin nang magsalita ako.

"Ang gulo niyong dalawa, amin na nga yang isa" kinuha ko yung isang gown mula kayJaspher at inunahan na silang maglakad. Natahimik silang dalawa. Sa wakas. Nakasunod lang silang dalawa sa akin, mukha kaming tanga kasi tigiisa pa kami ng dalang gown, eh pwede namang isa lang ang magdala. Tsk.

"Ok, ok, andito na ang reyna Elena" sabi nung bakla habang pumapalakpak, di ko alam kung dapat akong matuwa sa inaasta niya, nakakainis kasi parang may sinasabi yung tingin niya, parang pa special ako kaya ako late, porket reyna Elena ako. DaEf.

"Demille!" sigaw ni Sasha, sabay yakap sa akin. Kasali rin siya sa santa cruzan, sa pagkakaalam ko siya yung reyna Empiatriz. Napansin kong nakatingin na ang lahat sa akin, nakuha ata ni Sasha yung atensyon nila.

"Siya yung reyna Elena?!"

"Dayo lang yan dito ah"

"Di ako papayag"

My Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon