Napahikab ako nang makaramdam ng antok. Wala pa akong tulog simula noong umalis kami kanina sa Academy. At sumasakit na ang likod at hita ko dahil hindi pa kami tumitigil para magpahinga. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Naghahanap ng pwedeng pagka-abalahan ng aking mata. Napansin ko na medyo dumidilim na.
Nasa kalagitnaan kami ng gubat. Walang ibang maririnig na ingay maliban sa huni ng mga ibon, insekto at footstep ng mga kabayo. Not until Ria spoke..
"Guys, Hindi ba uso sa'tin magpahinga? Ang sakit na ng hita ko." She cried. I silently agreed.
Si Cade na nasa unahan namin ay lumingon sa kanya. Tinitigan niya ito saglit bago tumango.
"Let's find a safe place first."
Huminto kami at bumaba sa kanya kanyang kabayo. Mula sa kinatatayuan namin, tanaw ang 'di kalayuan na ilog. Iniwan namin ang mga kabayo sa tabi ng isang malaking puno para maka-kain sila.
I stretched my legs and touched my back. Geez. Ang sakit. I feel like I don't want to ride horses anymore.
"Hmm. Dito nalang siguro tayo mag-tayo ng tent." Cade said while looking around. "Aera and Ria, kayo ang bahala sa tent. Coraline, you're in charge for the food. Arthur and I will gather some woods while checking the area." He start walking away. Agad sumunod si Arthur sa kanya.
Naglakad si Ria at Coraline papunta sa malalaking bag na naka-sabit sa sanga ng 'di kalakihan na puno. Sumunod ako. Binuksan ni Ria ang isang bag at inilabas ang tatlong kulay itim na tent. Tinulungan ko siyang mag buhat ng mga ito at inilapag sa damuhan. I looked at Coraline na naglalabas ng mga nakabalot na pagkain mula sa isa pang bag. She caught me looking at her. She smiled, I smiled back. Binalik ko ang aking atensyon sa pag-tayo ng tent.
A few minutes later, bumalik na sila Cade na may dalang mga kahoy. Inilapag nila ito 'di kalayuan sa pinagtatayuan namin ng tent. Umalis din agad sila ulit at bumalik sa pinuntahan nila kanina.
Nakita ko sa aking peripheral vision si Coraline na kumuha ng ilang kahoy roon at nagsimulang gumawa ng apoy.
I smiled nang matapos ako sa pagtayo ng tent. Hinubad ko ang aking jacket at ginamit itong pamunas sa pawis sa aking mukha at leeg. Hinagis ko ito sa lugar kung saan ang backpack ko at naglakad papunta kay Ria. Tinulungan ko siya sa pagtayo ng huling tent.
Crack
Napalingon ako sa masukal na parte ng gubat. I think I just heard something. I stared at it, waiting for something to move. Kinabahan ako. What if merong wild beast dito? Or worse, a Demon? Pinakiramdaman ko ang paligid. If there's a Demon here, mase-sense ko ang kanilang Demonic aura. But there's none. I sighed in relief. Baka kung anong hayop lang iyon. Masyado akong napaparanoid. I shake my head.
"Anong problema?" Lumingon ako kay Ria. Nakatingin siya sa tinitignan ko kanina. Umiling ako.
"Wala naman. Parang may narinig lang akong something." Napakamot ako sa aking kilay at binigyan siya ng alanganing ngiti.
She nodded. "Baka kung anong hayop lang."
"Yeah. I think so too."
~~••~~
Saktong pagkatapos magluto ni Coraline, nakabalik na ulit sila Cade. I asked them kung may napansin ba silang kakaiba and they said none. I sighed. Iba talaga ang pakiramdam ko sa narinig ko kanina. But whatever it is. I decided to dismissed it. Maybe I'm just scaring myself.
Coraline made a soup and we ate in silence. Maybe because all of us were already exhausted.
Pagkatapos kumain, pumunta na kami sa kanya kanyang tent. Si Cade at Arthur ay share sa isang tent. Coraline and Ria sa isa pa, at ako sa huling tent. I grinned. Masyado na silang pagod para pansinin ako. I mentally laughed.
BINABASA MO ANG
Ending Madness
FantasyOnce upon a time, there was a war. A war between demons and humans. Humans who aren't normal beings. They have power and skills. They thought that they have already won over the demons for they have found a way to conceal them from their world but...