'Words are, in my not-so-humble opinion, our most inexhaustible source of magic.' -Dumbledore, J.K Rowling
~~~~~~♣~~~~~~
Mabilis kong siniko at pinatid ang kung sino mang nasa tabi ko, bago mabilis na tumakbo papunta sa building. Ngunit bigla akong nadapa nang may humawak sa paa ko. I groaned in pain. Hinawakan niya ako sa buhok at akmang hahawakan sa leeg, pero mabilis akong humarap sa kanya at sinipa siya sa tiyan. Beetch. Napaluhod siya habang hawak ang kaniyang tiyan. Lumapit ako sa kanya at nagpakawala ng isang suntok sa kanyang pisngi. She passed out. I smirked. I ain't a ranker for nothing.
Pinagmasdan ko ang nangyayari sa paligid ko. May iilan na ring nakahilata sa damuhan. Nakita kong tumalsik si Dash malapit sa akin.
"Son of a demon." Rinig kong sabi niya. Tatawa na sana ako nang maramdaman kong may tatama sa likod ko kaya mabilis akong tumabi pa-kanan. Saktong pag-tabi ko ay may bumagsak na lalaking walang malay. Nilingon ko ang may gawa.
Nag-peace sign sa akin si Ria bago tumakbo. I rolled my eyes at sumunod sa kanya.
Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita kong tumatakbo na rin si Dash papunta sa direksyon ng building kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. May mga nauuna na sa amin kaya pilit kong inabutan ang isa sa kanila. Hinila ko ang kwelyo ng isang lalaki para mapaharap sa akin. Umangat ang kanyang kamao kaya mabilis akong yumuko at sinipa ang kanyang binti. Natumba siya, ngunit mabilis ring nakatayo. Nagpakawala siya ng sunod sunod na sipa kaya wala akong nagawa kundi umiwas ng umiwas.
Saglit kong tinignan kung ano na ang nangyayari sa ibang nauuna kanina. May mga kalaban na rin sila. Good. Binalik ko ang atensyon sa lalaking nasa harap ko. Patuloy pa rin sya sa pagpapakawala ng sipa. Hindi ba 'to nangangalay? I mentally rolled my eyes. I smiled at him.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko habang tuloy pa rin sa pag-iwas. I need him to stop sending flying kicks!
He smirked. "Minus,"
"Section?"
"C"
"Do you know me?"
"Of course. Aera Corrigan, Rank 5. Halos lahat ay kilala ka." He said coolly.
"I see," Tumango-tango ako na parang interesado sa nangyayari. Paano ba ito? Sandali akong nag-isip. "So, how's divide?" Well, f*ck this.
Napa-kunot noo siya at sandaling napatitig sa akin. "Divide who?" Great. Freak frucking epic. Patuloy pa rin siya sa pagsipa.
"Your sister, MINUS. Her name's Divide, right?" Pilit kong pinagmukhang inosente ang aking mukha. Please buy it.
Tuluyan na siyang napahinto sa pagsipa. Tinitigan niya ako na parang nababaliw na. "Wala akong kapatid na ba--," Slow, dude. "What the hell?" And he started laughing till he dropped to the ground. Nagpakawala ako ng malaking ngiti at mabilis na kumilos.
And the next thing happened, he's really now lying on the ground. Unconscious nga lang. I mentally gave myself a pat on the back. Great job, Aera.
Hinayaan ko na siya at muling tumakbo. Inilibot ko muli ang aking paningin. Sa tingin ko, wala pang nakaka-lapit sa building. Karamihan sa mga estudyante ay nakahilata na sa lupa. Wala na sa kalahati ng bilang namin ang natitirang nakatayo. Nakita ko si Coraline na inilibot din ang paningin sa paligid habang hinihingal. Basang basa na rin siya ng pawis. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Tinanguan niya ako bilang pag-acknowledge sa akin at ganun rin ako.
BINABASA MO ANG
Ending Madness
FantasiOnce upon a time, there was a war. A war between demons and humans. Humans who aren't normal beings. They have power and skills. They thought that they have already won over the demons for they have found a way to conceal them from their world but...