Chapter 11

40 5 0
                                    

Recx's Laziness: Stage 10. Sorry for the super duper slow update. *witch laugh*

~~~♣~~~

"Mag-iingat kayo."

"Marami pong salamat ulit sa pag papatuloy niyo sa amin." Nakangiting sambit ni Arthur.

"Naku wala 'yon." Malambing na sabi ni Tita Lina. Bumaling siya sa kanyang mga anak. "I'm missing you two already."

Coraline laughed, while Ria rolled her eyes and sigh.

"Gusto pa namin manatili, mom. Kaso, nauubos na po ang oras namin." Malungkot na sabi ni Ria.

"Alam ko." Ngumiti si Tita Lina habang isa-isa kaming tinignan.

Lumingon kami sa aming likuran nang marinig na ang mga yapak ng mga kabayo. Sa kanilang unahan ay sila Tito Van at Cade. Hawak nila ang mga tali ng kabayo. Napangiwi ako nang maalala na sasakay na naman ako d'yan. Pwede bang lumipad nalang ako?

"Let's go." Sambit ni Cade sa amin bago bumaling sa mga magulang ni Ria. "Salamat po sa pagpapatuloy." Ngumiti sya at bahagyang yumuko.

"Walang anuman. Mag iingat kayo ha?"

"Opo!"

Sumakay na kami sa kanya kanyang kabayo at umalis.

~~••~~

"Ho!"

Huminto sila Cade at Arthur sa harap namin kaya napahinto rin kami. Kumunot ang aking noo. Anong problema?

"Welcome to West Aslandria." Narinig kong banggit ni Ria kaya naman napalingon ako sa kanya. Nakatingala sya habang nakangisi. Tinignan ko naman ang tinitignan niya.

Isang nakalutang na karatula na gawa sa kahoy. Naka-ukit doon ang mga salitang pag-bati. "Welcome to West Aslandria."

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Wala naman akong napansin na kakaiba. Wala pa rin akong nakikita na mga bahay.

"Saan nga ang eksaktong lugar umatake ang mga demons?" Tanong ko.

"West. West Aslandria." Seryosong sagot ni Cade. Napalingon ako sa harap kung nasaan siya. Rinig ko ang pagsinghap ng kambal.

"Dito mismo?!" Sigaw ni Ria.

"Hindi. South Aslandria kasi 'to, noh?" Arthur almost rolled his eyes.

"Shut up, monster."

"What did you just call me?!"

Nagpatuloy ang bangayan nilang dalawa. Hindi ko na pinansin, dahil mas naagaw ng atensyon ko ang kakaibang ambiance ng paligid. Nagtaasan ang balahibo ko sa braso nang umihip ng malakas ang hangin. Napansin ko ring natahimik ang dalawa.

"Guys..." Kinakabahang sambit ni Coraline.

"Malayo pa ba dito ang Village?" Arthur asked.

"Wala pa sampung minuto, makakarating na tayo doon." Sagot ni Cade.

"Paano mo nalaman?" Naka-kunot noo kong tanong. He gave me a 'I'm-not-stupid-like-you look". Aba't--

"Pinag aralan ko ang mapa." 'Kaaay. Ang yabang.

"Weird"

Liningon ko si Arthur. Naka-baba na siya sa kanyang kabayo at nakaluhod sa lupa. Nakalapat ang kayang kanang kamay sa lupa.

"Bakit?"

"Hindi ko maramdaman ang mga nakatira dito."

"Pumasok na tayo sa loob. Maging alerto kayo sa paligid." Utos ni Cade.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon