Chapter 15

18 4 0
                                    

~~~♣~~~

"Ayos lang ba kayo?" Tanong sa amin ni Ms. Amara nang makapasok kami sa kanilang bahay.

Hindi na kami nagulat kung alam niya ang nangyari sa amin. She's, after all, a seeress. Nakita niya na siguro ang mangyayari at 'di man lang kami binalaan. Kaya niya rin siguro kami iniwan bigla.

Amazing. Take note the sarcasm.

"Opo. Kayo po ba? Buti hindi po kayo nahuli ng mga Demons." Magalang na sabi ni Coraline. Tumawa ang matanda.

"May mahikang nakapalibot sa bahay na ito. Tinatakpan nito ang aking aura. Kahanga-hanga, hindi ba? Kagagawan ito ni Zaena." Magiliw nyang kwento. Bumaling siya kay Cade. "Iho, hindi ka ba muna magsu-suot ng damit?"

Namula ang mukha ng First ranker at muli na namang nangunot ang noo. 

Nag-iwas ako ng tingin para hindi matawa, gano'n din ang ginawa ng lahat maliban kay Ria na humahagalpak na. Kumuha si Cade ng damit sa kanyang bag na nasa upuan at mabilis na sinuot ito.

Lumabas si Zaena mula sa kusina na may dalang Tea tray. Ngumiti ito at tinuro gamit ang labi ang mga upuan.

"Umupo kayo at mag tsaa muna. This tea will help you relax."

Napa-tanga kami. Pamilya ng mga wirdo. Kung umasta ang mga ito ay parang walang nangyari. Alanganin kaming umupo. Isa-isa niya kaming inabutan ng tasa na may laman ng tsaa. Walang umimik. Tinitigan lang namin ang hawak na tasa.

"Oh, Come on! Quit being serious. Life isn't serious about us anyway." Pag-babasag katahimikan ni Ms. Amara. Naka-dekwatrong upo ito at nakangiting humihigop sa tasa.

"Right!" Pag-sang ayon naman ni Ria. Itinaas niya ang kanyang tasa sa ere. "Cheers!" At naka-ngiting uminom. Napangiwi ako. Bagay silang maging mag nanay.

Tinikman ko ang tsaa. Ramdam ko ang biglang pag-relax ng mga muscles sa aking katawan.

"Wow." Bakas ang pag-hanga sa mukha ni Coraline habang nakatitig sa sariling tasa. "You must teach me how to make this."

Tumawa si Zaena. "Ibibigay ko sayo ang recipe."

"Thank you!"

"By the way, Ms. Amara." Imik ko nang may maalala. "Ang sabi nyo po ay nag iisang seeress ka nalang. Hindi nyo po ba anak si Ms. Zaena? Apo niyo si Drae, hindi po ba?"

"Tss."

Hindi ko pinansin ang suminghal sa tabi ko. Kunwari wala akong naririnig.

"Oh, hindi mo alam? Si Zaena ay inampon ko noong ako'y dalaga pa. Alam mo na, mahirap mabuhay mag isa sa mundong meron tayo, Aera. Hindi ba nakwento ni Salvidor ito sa inyo?" 

Umiling kami maliban kay Cade na mukhang alam na ito.

"Kung gano'n ba't hindi po kayo nag asawa?" This time, Arthur asked.

"Busy ako sa pag-tatago at isa pa, hindi ko kayang mawalan. Delikado ang pagiging seeress." Ngumiti ito at tumingin kay Zaena na nakatayo sa gilid niya. "Masaya na rin naman ako sa kung anong meron ako ngayon."

Tumawa si Zaena habang umiiling. "Kailan nga pala kayo babalik sa Academy?"

Si Cade ang sumagot. Of course.

"Tomorrow midnight."

I groaned. "Horses. Again." Ibinagsak ko ang aking ulo sa headrest at pumikit. Pilit kinakalimutan ang hirap at sakit na dinanas sa byahe papunta rito.

"You can use the portal."

"Portal!"

Napadilat ako at napatuwid ng upo. They have portal! I started laughing like a witch.

"I think we lost her."

---
M

idnight came. 


Matapos ang pag aayos ng gamit ay dinala kami, kasama ang kanya kanyang kabayo, ni Ms. Amara sa likod ng bahay nila. Nice. Ang daming exposure sa storyang ito ang likod ng bahay nila.

Nag lakad si Ms. Amara papunta sa pader na nababalutan ng mga gumagapang na halaman. Saglit niya itong kinapa, tila may hinahanap.

"Where is it?...ah! Here." At biglang may itinulak.

Napasinghap ako nang biglang nahati sa gitna ang pader. Bumungad ang isang malaki at lumang pinto. Humarap sa amin si Ms. Amara at nagmamalaking ngumiti.

"Ihahatid kayo ng pintuang ito 'di kalayuan sa akademya. Limang oras ang byahe, ngunit 'wag kayo mag alala. Labing limang segundo lamang sa pakiramdam. Bale, Ala-singko na ng umaga pag dating n'yo ro'n."

"Awe--mazing." Sambit ni Ria. Mabilis akong tumango upang sumang-ayon.

Humagikgik ang matanda at tumango-tango rin. Bumaling ulit siya sa pinto. Hinubad ang suot na kwintas na may susi bilang pendant. Binuksan niya ang pinto at may ibinulong rito gamit ang ibang lenggwahe. Sa loob ng pintuan ay biglang lumitaw ang isang picture ng gubat, na sa tingin ko ay 'yung gubat 'di kalayuan sa akademya.

"Go on." Nakangiting sabi niya at bahagyang tinagilid ang ulo.

Sa sobrang excited ni Ria ay nauna na itong pumasok. Pilit hinihila ang kawawang kabayo. "Thanks, granny!" Pahabol niyang sigaw bago tuluyang naglaho.

Sumunod si Arthur at si Coraline na parehong nagpasalamat muna bago tumuloy. Susunod na rin sana ako nang biglang nagsalita si Ms. Amara.

"Please, do everything to win the war." Nakikiusap ang kanyang tono. Nakatingin ito kay Cade.

"We will. Be safe." Tugon niya.

Tumango ang matanda, bakas sa mukha ang pagtitiwala. Bigla itong tumingin sa'kin kaya bahagya akong napatalon sa gulat. Seryosong seryoso ang mukha nito kaya bigla akong kinabahan.

"Bakit po, Ms. Amara?"

Umiling ito at bahagyang ngumiti. Parang may gusto siyang sabihin, ngunit hindi magawa.

"Pasok na po ako ah? Salamat po ulit." Nag aalangan akong tumingin kay Cade. Seryoso din itong nakatingin kay Ms. Amara. Humarap na ako sa pinto nang muli siyang nagsalita.

"Aera, have faith on your soul and always listen to your heart. Don't let the darkness eat you."

Nanlamig ako. Hindi maka-kilos at napatulala.

"What the heck are you saying?!"

"You'll know soon. Hindi na ako pwedeng magsalita."

Saka lang ako natinag. Mabilis akong humarap sa kanila. Naka-kuyom ang dalawang kamao ni Cade. Kunot na kunot na naman ang noo at parang kunti nalang ay sasabog na. Wala namang ekpresyon si Ms. Amara na nakatitig sa akin. Ang mata niya'y nag aalala.

Humakbang ako ng isang beses papalapit.

"What is it? Please, tell me. Please." Pagmamaka-awa ko. May kinalaman ba 'yon sa naging panaginip ko noon?

"I'm sorry." Umiling ito bago tumalikod at naglakad palayo.

What the hell is happening?


~~~🔫~~~

Recx: VoMent. 😋😘

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon