Chapter 18

13 3 0
                                    

~~~♣~~~

I sighed in relief nang makita kong wala pa ang Professor para sa unang subject. Mabilis akong umupo sa aking upuan na nasa gitna. Nilingon ko ang babaeng nasa kaliwa ko na kanina pa nakatingin sa akin. Her name is Leigh.

"Hello." Bati ko at bahagyang ngumiti.

Inayos niya muna ang suot na salamin bago nagsalita. "Hi. Ang tagal niyong nawala."

"Hmm. May inutos lang si Headmaster." Kumuha ako ng libro mula sa aking bag at nagpanggap na nagbabasa.

"Ano naman kaya 'yun?" Nagdududa niyang tanong kaya napatingin akong muli sa kanya.

"It's for me to keep and for you not to mind, Leigh." Inosente akong ngumiti at muling ibinaling ang atensyon sa hawak na libro.

Hindi na siya muling umimik. Pasimple ko siyang tinignan. Nakatingin na ito sa harapan, tila nag iisip ng malalim. I frowned.

Napaayos ako ng upo nang biglang pumasok ang aming professor. Ano nga ulit ang pangalan niya? Sabay sabay kaming tumayo upang bumati. Hindi nga lang ako nakapagsalita.

"Good morning, Ms. Haze." Bati nila.

Ah. Ms. Haze nga pala. Tumango tango ako sa isip ko. 'di na ako makakalimot.

"You may all sit down." At matamis na ngumiti.

----

Nang mag break time ay agad akong nag tungo sa library, kailangan kong mag basa tungkol sa mga pinag aralan noong mga araw na nawala kami. I sighed. Mahaba-haba rin 'yun. Mabuti nalang ay nagbigay ang mga propesor ng mga topics na kailangang aralin.

"Good Morning, Mrs. Lenderia."

Nakangiti kong bati sa librarian na tipid lang akong nginitian at agad ibinalik ang atensyon sa kanyang binabasa. Napakamot ako sa aking batok at napailing. Grabe talaga.

Kinuha ko muna ang mga pinaka-importanteng libro. Saka na ang hindi naman gano'n ka-importante.

Naupo ako sa pinaka-dulo, sa wala masyadong estudyante para walang istorbo--kahit na wala naman talagang maingay.

"Pa-upo kami, Aera ha?"

Napahawak ako sa aking dibdib at bahagyang napatalon nang biglang may umupo sa magkabilang gilid ko.

Tinignan ko ang mag-kambal at sinimangutan.

"'Wag kayong nang-gugulat."

"Hindi naman ah?" Nagtatakhang sabi ni Ria.

"Wala kaming alam." Inosenteng tumingin si Coraline sa hawak niyang libro.

"Sige. Kunwari wala tayong alam."

"Tama." Sabay na sabi ng kambal. Napa-hampas ako sa aking noo at napa-iling. Ibang klase!

"Kung gusto niyong mag ingay, sa labas kayo."

Napatuwid kami ng upo nang biglang sumulpot sa harap namin si Mrs. Lenderia. May hawak itong tatlong makakapal na libro. Masama ang kanyang tingin sa aming tatlo.

"Ah--eh..Pasensya na po, Mrs. Lenderia. Hindi na po mauulit." Nakayukong sabi ni Coraline. Tumango-tango ako at yumuko rin.

"Tatahimik na po." Bulong ni Ria.

Rinig ko ang kanyang buntong hininga. Napangiwi ako.

"Umayos kayo. Rankers pa naman kayo. Hay naku, mga bata talaga." Mahinahon niyang sinabi bago umalis.

Humagikgik si Ria, ngunit agad niya rin tinakpan ang sariling bibig. Mrs. Lenderia has the ability to hear sounds and voices. But no worries, alam niya kung kailan dapat makinig at hindi. She knows how to handle her ability well. Marami siyang nalalaman, mga hindi dapat at dapat. Pero hindi niya yun pinagsasabi. Tikom ang bibig niya tungkol sa kanyang nalalaman.

Nagpatuloy na kaming tatlo sa pagbabasa. Wala nang nagtangka na gumawa muli ng ingay. Takot lang namin na maparusahan.

Napasulyap ako sa ilang estudyante na nag aayos at nagbabalik ng mga librong ginamit sa mahaba at mataas na shelf. Iyan ang parusa para sa mga maiingay. Ayos lang sana kung pwedeng gumamit ng mahika, ang kaso ay bawal.

Matapos ma-basa at maisulat ang mga kailangang maalala, tumayo na ako at pabulong na nagpaalam sa dalawa na hindi pa rin tapos.

"Go on. We still have time so, we'll stay longer here." Bulong din ni Ria. Ngumiti at tumango naman si Coraline. Agad din nilang ibinalik ang tingin sa hawak na libro.

Tumango ako, isinabit ang bag sa kaliwang balikat at dahan-dahang lumabas. Kumaway pa ako kay Mrs. Lenderia na hindi na ako pinansin.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad pabalik sa room nang may biglang umakbay sakin at hinila ako papunta sa kanyang dibdib.

"What the hell!" Sigaw ko habang nagpupumilit na makawala sa yakap niya. Ini-angat ko ang aking tingin para tignan ang walang hiyang 'to.

"How are you, Rara?" Nakangiting tanong niya.

My jaw literally dropped when I saw his face.

"Dash!"

Napatili ako at ako na mismo ang yumakap sa kanya. I missed this guy! Napahalakhak siya at niyakap ako pabalik.

"I missed you, too. Grabe, parang pumayat ka ata?"

Mabilis ako humiwalay sa kanya at sinuntok siya sa braso. Napangiwi siya.

"At medyo lumakas." Dagdag niya pa.

"Ang kapal ng mukha mo," I crossed my arms over my chest. "Sinasabi mo bang mataba at mahina ako dati?"

Umiling siya. "No comment." At inakbayan ako ulit.

Nagsimula siyang maglakad kaya napasunod ako. His name is Dash Forster. First year, Section C. Ang nag iisang kaibigan ko noong hindi pa ako kasali sa Rank. He's been out for a mission with his father, a royal slayer. What mission? I don't know, ayaw niya sabihin. Hindi ko nga alam na aabutin sila ng dalawang buwan para doon. Hindi niya nga rin alam na isa na akong Ranker. Tatlong araw kasi matapos niyang umalis ay ang araw ng paghamon sa akin ni Juvia, at ang araw ng pagkatalo ni Juvia ay siyang araw din ng pagiging Rank Two ko.

"Bakit ngayon ka lang?" I asked.

"Medyo maraming pinagawa si papa. Kainis nga eh."

Natatawa niyang sagot. Tumango nalang ako. Nag iisip ako kung paano sasabihin sa kanya ang mga nangyari sakin.

"May nabalitaan pala ako." Muli niyang imik. Tinignan ko siya nang hindi ginagalaw ang ulo.

"Ano na naman 'yan? Basta talaga balita, bilis mong makasagap, no?" Pang-aasar ko at bahagya siyang siniko sa tagiliran. Napasimangot siya.

"Tsk. Lalo kang naging brutal," Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin at huminto kaya napagaya ako. "Nabalitaan ko lang kay papa kanina bago ako bumalik dito." Tinitigan niya ako na parang may nagawang mali.

Napatikhim ako at nag-iwas ng tingin. Mukhang hindi ko na kailangan mag isip kung paano sasabihin ang mga nangyari sa'kin ah. Nang binalik ko ang tingin sa kanya ay saktong umangat ang kaliwa niyang kamay papunta sa akin, kaya mabilis akong yumuko at umatras. I frowned.

"Problema mo?!" Sinamaan ko siya ng tingin, ganun din ang ginawa niya.

"You're one of the rankers now, huh?"

Napalunok ako. Nakakatakot talaga 'to.

"Hindi ko naman ginusto," Napanguso ako.

He tsked. Aww

"Alam mong mas delikado kapag napabilang ka doon at ano? Nasa pangalawang posisyon ka pa! Rara naman!" Napa-padyak siya at napasabunot sa buhok. Napangiwi ako.

"You're over reacting, Dash." Nasabi ko nalang. Lalong sumama ang tingin niya. Napabuntong hininga ako.

"Excuse me. You're blocking my way."

Napatuwid ako ng tayo nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon. Sabay kaming napatingin ni Dash sa likod niya.

There he is, standing firmly while frowning.

~~~~🔫~~~~

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon