Chapter 2

37 8 0
                                    

I close my eyes and took a deep breath as I try to lift my whole body in the air. Kailangan ko mag practice sa pag lipad. Why? Because it's cool. Kidding.

"Aera, what are you doing?"

"Shit!" Dahil sa gulat, nawala ako sa focus at bumagsak sa sahig. I groaned when I felt the pain on my butt. I glared at him and stand up.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" I asked. And can't he knock? Paano kung nakahubad pala ako-- err. Nevermind. "And can't you see na nagppractice akong lumipad using my element?"

Cade just rolled his eyes in respond. He walked towards my bedside table and get my--his book. Oh. Hiniram ko nga pala 'yung libro nya kagabi. It's a history book tungkol sa nangyaring war sa pagitan ng mga slayer and demon, 50 years ago. Unfortunately, hindi ko pa sya tapos basahin. I mentally pouted. That book was really interesting.

"Ibabalik ko na sana 'yan mamaya. Peace?" I grinned and made a peace sign.

Tinignan n'ya lang ako at nilagpasan. Tignan mo 'to. 'kala mo 'di kinakausap eh. Lalabas na sana sya sa kwarto ko nang may maalala ako.

"Oh wait, Cade." He stopped and looked at me using his bored dark-red eyes. "Juvia said that she missed you so much." Tinignan ko kung anong magiging reaction nya and Tadaaa! Wala. "You don't care."

"Narinig ko na hinamon ka nya ulit sa isang duel. You accepted her challenge?" Why do he keep on asking the obvious?

"As if I have a choice." I gulped. Nagsisimula ng manginig ang kamay ko dahil sa nerbyos. Bakit kasi pinaalala nya pa. Sinusubukan ko ngang kalimutan kahit sandali eh.

"Then, what are you doing here? Aren't you supposed to practice using a sword?"

Natigilan ako. Oo nga noh? Gosh. How can I be so stupid? Dapat nga nagppractice akong gumamit ng espada kesa mag-practice lumipad. 'Oo, Aera. Mananalo ka talaga mamaya sa laban n'yo ni Juvia dahil ang talino mo.' I sarcastically thought.

Alanganin akong ngumiti. "I was about to do that before you came, actually." I mindlessly said.

He scoffed. "Right. Like I believe you." Okay. I know it's lame. "Meet me at the back. Bring your sword." And then... He's out. Inihipan ko ang ilang piraso ng buhok na humaharang sa mata ko. Is he going to train me? Of course, he's going to train me! I think mas prefer ko ang mag ensayo mag-isa. Iniisip ko palang na sya ang magiging trainer ko or kung ano man ang magiging role nya, parang kailangan ko ng mag hanap ng healer.

Cade Kensington. A second year student at ang First Ranker ng Academy. Sabi nila, hindi pa raw sya natatalo sa laban. I don't know if it's true though. Wala naman akong pake sa nangyayari dito sa Academy noon. A-attend ako sa mga klase ko tapos uuwi agad sa dorm ko, but everything changed noong hinamon ako ni Juvia.

Naglakad ako papunta sa cabinet ko and get my sword with its sheath. It's kinda heavy, but I can now manage. Ikinabit ko ito sa gilid ng aking sinturon at lumabas na para pumunta sa likod ng bahay. Yun ang lugar kung saan kaming lima nag-ttrain minsan pag walang magawa.

Nang makarating, nakita ko si Cade na nakaupo sa ilalim ng puno. Nakapikit sya at bahagyang naka-kunot ang noo. I looked around. Maybe I can train by myself? I don't want to disturb him.

Pumunta ako sa gitna at inilabas ang espada mula sa sheath nito. Tinitigan ko muna ito saglit bago nagsimula. I start with the basic para warm up muna.

I swing my sword to the left using my both hands. Then, twirl around and swing it again. Hindi ko napansin na may bato palang nakaharang sa paanan ko. Napatili ako nang bumagsak ako sa lupa at nabitawan ang espada ko. I groaned.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon