~~~♣~~~"It's about Aera."
Natigilan ako. Darn.
Napatingin silang lahat sa akin.
"What about her?" Tanong ni Headmaster.
"I don't know. But Ms. Amara said something to her." Hindi inaalis ni Cade ang paningin sa akin kaya napayuko ako.
"Yun ba ang dahilan ba't kayo natagalan kanina?" Tanong ni Coraline, ngunit walang sumagot sa kanya.
"Ano 'yon, Aera?"
Umiling ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Naba-blangko ako.
"Have faith on your soul and always listen to your heart. Don't let the darkness eat you." Cade suddenly recited. "Do you know what that means?"
"N-no." Nahihirapang sambit ko. Gusto kong sabihin ang tungkol sa naging panaginip ko noon, ngunit hindi ako sigurado kung may kinalaman ba iyon sa nangyayari o mangyayari. Natatakot din ako sa maaari nilang maging reaksyon kapag nalaman nila iyon.
"Are you sure, Aera?" Nagdududang tanong ni Cade. Tumango ako habang nakayuko pa rin.
"Paalala iyon para sa mangyayari sayo sa hinaharap. Wala ka ba talagang alam?"
"Wala po, Headmaster." Kung nakamamatay ang pagsisinungaling kanina pa siguro ako namatay.
"Kung gano'n.." Tumayo si Headmaster. Ang mata ay nakatuon pa rin sa akin. "Palagi mong babantayan ang sarili mo, Aera. 'Yun lang ba ang sinabi ni Amara?"
Tumango ako.
"As expected. Kapag sinabi niya sayo ay maari niyang magulo ang future. Hindi iyon pwede. Masisira ang tamang balanse ng mundo. Ang pagkakaroon pa nga lang ng kakayahan na makita ang hinaharap ay kamalian na. Pandaraya iyon." Ngumiti siya at naglakad papunta sa cabinet sa likod ng kanyang lamesa. Nilabas niya mula roon ang isang mahabang kahon na kulay pula.
Naglakad siya pabalik sa amin. "Here. Congratulations, Rankers. Your first 'real' mission was successful."
Namangha ako at nagmadaling inabot iyon. Tinitigan ko muna saglit ang kahon bago binigay kay Cade. Mahirap na. Baka maiwala ko. Ano kayang laman no'n? Jewelries?
"Salamat po, Headmaster."
"Thanks."
"Lumayas na kayo sa harap ko. May pasok pa kayo bukas." Tumawa siya. Nang-aasar.
"Wala pong break? Sa Lunes nalang, headmaster!" Pagrereklamo ko. Bukas ay huling araw ng klase, hindi pa pinalipas. Nakakainis.
"Hindi pwede. Masyado na kayong nahuhuli sa klase." Tinuro niya ang pintuan. "Magpahinga na kayo."
Klase. May klase na naman. Sana pala bukas nalang kami bumalik dito. Nakatatamad. Tumayo na kami at akmang lalabas nang...
"Hmm! Dudburpjahshjk!"
Sabay sabay naming nilingon si Ria na pilit nagpupumiglas.
"Oh! I forgot. I'm sorry." Dali daling lumapit sa kanya si Arthur at kinalagan.
Napakurap ako. Nakalimutan namin siya?
Nang makawala si Ria ay mabilis niyang sinapak si Arthur.
"How dare you?!"
"Aw. Sorry na nga!"
"Ikaw pa ang galit?!" At sinipa siya.
"Hindi! Hey, nakakasakit ka na ah!"
BINABASA MO ANG
Ending Madness
FantasyOnce upon a time, there was a war. A war between demons and humans. Humans who aren't normal beings. They have power and skills. They thought that they have already won over the demons for they have found a way to conceal them from their world but...