Chapter 19

7 2 0
                                        

~~~~♣~~~~

"Excuse me." Pag uulit niya nang wala ni-isa sa amin ang kumilos para tumabi.

"O--oh! Right." Hinawakan ako ni Dash sa balikat at mabilis na isinama sa pagtabi niya. Napakunot noo ako at napatingin sa lawak ng hallway. Ibinalik ko ang tingin kay Cade na ngayon ay nakatingin sakin. Naka-kunot pa rin ang noo. Anong problema nito?

"Akala ko ba dadaan ka?" Tanong ko nang 'di pa rin siya kumikilos.

He opened his mouth in attempt to say something, but closed it immediately. Inilagay niya sa kanyang magkabilang bulsa ang dalawang kamay bago nagsimulang maglakad at nilagpasan kami. Sinundan namin siya ng tingin at nang makalayo siya ay nagkatinginan kami ni Dash. Nagkibit-balikat siya bago muling umakbay sa akin.

"Just because he's the first ranker," Nilingon niya ako at ginulo ang buhok. Napasimangot ako at siniko siya sa tagiliran. Napangiwi siya. "Ow! Huwag kang magiging mayabang katulad niya, Rara ha? Hindi ka maganda."

"Hindi ka rin naman gwapo." Ganti ko. Iniangat ko ang aking tingin sa clock tower. "Tara na sa room. Male-late na tayo. Bilis!" Nagsimula na akong maglakad nang hinila niya ako pabalik.

"Weaponology ang next subject mo, 'di ba?" Tumango ako. Ipinatong niya ang kanyang siko sa balikat ko. "Sa Field ka--tayo ngayon. May practicum ang buong First years." Inakbayan niya ako at hinila papunta sa daan kung nasaan ang clinic. Nasa harap ng clinic kasi matatagpuan ang malawak na field.

"Teka--sandali! Ang hilig mong umakbay. Kanina ka pa dikit ng dikit ha. Kunting space naman, Dash!" Reklamo ko. Tumawa lang siya at nagpatuloy sa paglalakad at pagkaladkad sa akin. Pilit kong tinatanggal ang braso niya sa balikat ko, pero lalo niya lang binibigyan ng bigat ang kanyang braso.

Napabuntong hininga ako at sumuko na. Waste of time and effort.

---

Nang malapit na kami sa field ay kusa na rin siyang humilay sa akin. Ngi-ngisi ngisi siya habang naglalakad papunta sa mga kaklase niya. I rolled my eyes.

Naglakad na rin ako papunta sa aking mga kaklase nang makita ko sila. Ngumingiti ako sa ilang nakakasalubong at bumabati.

Maya maya pa ay dumating na ang tatlong professor. Two males and one female. Kilala ko ang isa sa kanila dahil siya ang aming prof. sa weaponology. He's Mr. Ruggins, if I remembered it right.

Sabay-sabay silang tatlo na isang beses na pumalakpak. Mabilis kaming luminya pahalang sa kanilang harap. Kaming mga nasa Section A ang nauuna. Sa likod namin ang Section B at sa likod naman nila ay ang Section C. Lahat ay malalayo ang agwat.

Eyes straight. Stay Silent. Chin up. Breast out. Stomach in.

"Good Morning, Children." A female professor greeted. Malinaw at dinig na dinig namin ang kanyang boses. Sandaling naglakbay ang paningin niya sa amin. "Today, we will be having a practicum and an evaluation. Dito namin malalaman kung nakikinig at kung may natutunan ba kayo mula sa amin o wala." Humakbang siya ng isang beses paabante. "Drop all your weapons."

Kalmado naming tinanggal ang aming belt kung saan naka-sabit ang shealth ng espada at ibinagsak sa madamong lupa.  Yumuko ako at kinuha ang dalawang nakatagong dagger sa magkabila kong boots. Inilapag ko ito katabi ng aking espada.

Sa gilid ng aking mata ay nakita kong nakasimangot si Ria habang binubunot sa iba't-ibang parte ng katawan ang kanyang mga kutsilyo at padabog na binabagsak sa lupa. Halos lahat ng atensyon ng mga estudante at professor ay napunta sa kanya. Napansin niya naman ito kaya sandali siyang huminto.

"What?" Inosente niyang tanong. Pinigilan kong matawa. Bukod sa padabog niyang pag-bagsak ng kanyang mga gamit, sobrang dami niya ring nakatagong patalim sa katawan niya. Paanong hindi siya mapapansin? Tumingin sa akin si Ria at pasimpleng kumindat bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Parang gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader, kaso malayo ang pader dito kaya 'wag nalang.

"Ehem,"

Mabilis kaming umayos ng postura nang marinig iyon. Sa isip ko ay napangiwi ako. Patay..

"Are you done, young lady Viscaria?" Tanong ng isa pang lalaking professor. Inayos nito ang suot na salamin.

Ngumiti si Ria ng sobrang lawak. Sa sobrang lawak alam kong sarkastiko at peke na ito. "Of course. Yes, Professor Ruthwick."

Sabi sa inyo 'wag niyo siyang tatawaging Viscaria eh.

"Good." Hindi niya pinansin ang asal ni Ria. Inilahad niya ang kanyang palad sa harap at bahagyang inangat pataas. Lumutang ang aming mga gamit. Isang pitik, naglaho at napunta sa malayong bahagi ng field ang lahat ng iyon.

Cool..

"Ngayong wala na kayong mga sandatang hawak, ang inyong powers o elements nalang ang natitira sa inyo. But, No. Hindi niyo rin yan maaaring gamitin. You can only use your physical strength. Use it as your weapon. I can detect if someone used their powers and if ever someone did use his power, Professor Ruthwick will send you somewhere and punish you." Mahabang sabi ng lady professor.

Professor Ruthwick gave us a wicked smile that sent shivers all over my body. Wews.

"And for the mechanics of our practicum," pagpapatuloy niya. "Nakikita niyo ang tatlong official slayer-student sa taas ng building ng second years?"

Mula sa kinatatayuan namin ay makikita ang tuktok ng building ng Second years. May tatlo ngang pigura na nakatayo doon. Mukhang pinanunuod kami.

"May hawak silang tatlong red flag. Kung sinong tatlo ang unang makaka-kuha ng flag sa kanila, makaka-kuha ng prize, of course." Bahagya siyang tumawa, ngunit mabilis ding bumalik sa pagiging seryoso. "Remember, you can knock someone down, you can injure him, but no killing. Remember the rules." Nilingon niya ang dalawang professor na nasa tabi niya. Prof. Ruggins and Prof. Ruthwick both nodded.

"You have two hours and thirty minutes to finish the activity. You may start," Umangat ang kanyang tingin sa clock tower at mukhang nag-aantay. Nagsimula ng kumabog ang dibdib ko at mag-pawis ang magkabilang kamay ko sa sobrang kaba at excitement. Magiging masakit, ngunit masaya ito.

"NOW!"

And just by that, everything became chaotic.

~~~🔫~~~

A/N: Oh good Lord, Sana matapos ko ang istoryang ito. HAHAHAHA!

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon