Chapter 12

36 5 0
                                    

~~~~♣~~~~

Nakarating kami sa kabilang village. Andra. Naka-pwesto sa harap ni Arthur si Drae. Kumakaway siya sa bawat taong nakakasalubong namin. Minsan pa ay ini-inggit ang ibang bata dahil naka-sakay siya sa isang kabayo.

Bahagya akong yumuko dahil sa hiya. Naaagaw namin ang atensyon ng karamihan dahil-- sino ba naman ang di kami mapapansin eh lima kaming sakay ng kanya kanyang kabayo at halatang dayo kami dahil sa aming mga suot? May mga espada pang naka-kabit sa tagiliran. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Doon po!" Biglang sigaw ni Drae. Tinignan namin ang tinuturo niya. Isang simpleng bahay na may dalawang palapag.

Huminto kami sa tapat ng bahay nila. Bumaba si Arthur at tinulungang bumaba si drae.

"Sinong kasama mong nakatira dito?" Tanong ni Coraline.

"Si lola po at mama!" Nakangiting sagot niya at biglang tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Bumaba na rin kami nila Cade at Ria. Hinintay naming lumabas si Drae at maya maya pa'y lumabas na siya kasama ang isang babae na sa tingin ko'y ina ni Drae.

"Magandang hapon po." Sabay na sabi namin at yumuko.

"Magandang hapon rin. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting tanong niya.

"Uhh.." Napakamot sa batok niya si Arthur at tumingin sa'kin. Pinandilatan niya ako ng mata. Tsk

"Wala naman ho. Inihatid lang po namin siya dito dahil nakita namin sya sa kabilang village." Sagot ko.

Nanlaki naman ang mata niya dahil sa gulat at napatingin  kay Drae. Nataranta naman ang bata.

"Saang village?!"

Napaisip naman ako. Ano nga bang pangalan ng Village na 'yon?

"Erevan Village." Napatingin kaming lahat kay Cade. Buhay pa pala 'to?

"Drae! Hindi ba't sinabi ng wag kang pupunta doon?!"

"Eh gusto--"

"Anong ginagawa mo doon?"

Iniyuko lang ni Drae ang kanyang ulo at 'di na umimik.

"Pumasok ka na sa loob!" Sigaw ulit ng nanay niya. Dali daling pumasok si Drae sa kanilang bahay.

Nanatili lang kaming nakatayo at pinapanuod sila. Lumingon sa amin ang nanay ni Drae.

"Pasensya na sa abala. Salamat rin sa paghatid sa kanya dito." Bakas ang sensiridad sa kanyang boses.

"Okay lang po." Coraline replied.

"Ako nga pala si Zaena." Pagpapakilala niya. "Pasok muna kayo sa loob." Iminuwestra niya ang pinto.

"Ay hindi na po. Salamat nalang." Natatawang sabi ni Ria. "May kailangan pa po kasi kaming hanapin na--"

"Viscaria." Tawag ni Cade sa kanya. Sinamaan niya ito ng tingin.

Napatikom naman ng bibig si Ria at tumango tango pa bago umiling.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon