Chapter 16

17 3 0
                                    

~~~~♣~~~~

"Bakit naman ang tagal niyo?" Tanong ni Ria nang maka-labas kami sa portal. Nakapameywang pa ito at naka-taas ang kilay.

"Did we missed something?" Humakbang papalapit sa amin si Arthur habang may nagsususpetyang tingin.

"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong ni Coraline. Ang kanyang mata ay nakatutok sa akin.

Wala ni isa sa amin ni Cade ang sumagot sa tanong nila. Mabilis siyang sumampa sa kanyang kabayo at gano'n din ako sa akin.

"Let's go back to the academy first." Wika niya bago pinatakbo ang kabayo papunta sa direksyon kung nasaan ang Akademya.

Pinanuod namin siya hanggang makalayo.

Nilingon ko silang tatlo na nasa tabi ko, nakasakay na sa sariling mga kabayo. Nakatingin sila sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Nginitian ko sila at tinuro ang direksyon ni Cade.

"Iniwan na tayo."

Act like nothing happened.

Sumipol si Ria at tumawa. "Tara na nga. Hinihintay na tayo ni Headmaster. Miss ko na ang matandang 'yon."

---

Dalawang beses na kumatok si Cade sa pintuan ng opisina ni Headmaster, bago niya ito binuksan. Bumungad sa amin si Headmaster na nakaupo sa pang-isahan na upuan. Nakapangalumbaba habang nakatingin sa amin. Nakangiti rin siya, tila may nangyaring maganda. O baka naman nasiraan na siya ng bait?

Pumasok kami sa loob at humilera sa harap niya. In order.

"Good Morning, Headmaster Salvidor." Sabay sabay naming sambit bago yumuko.

The headmaster chuckled. "Good Morning too, Rankers. You may sit down."

Mabilis na umupo si Ria at Arthur sa mahabang couch. Ria sigh in comfort.

"Finally." at pumikit.

Napailing si Headmaster. Sanay na ito sa ugali ni Ria. Umupo na rin kaming tatlo sa mahaba ring couch na naka-harap sa kanila.

Hindi namin gugustuhin na makatabi ang dalawang ubod ng kulit at ingay.

Tumikhim si Headmaster. "So, tell me what happened."

Biglang bumukas ang mata ni Ria. Umayos ito ng upo at tumingin kay Headmaster.

"Alin po ba? 'yung mga nangyari sa amin habang papunta kami sa West Aslandria, yung part kung saan nakausap na namin si Ms. Amara, o yung nangyari matapos namin makausap si Ms. Amara?"

"Yung part nalang sigu--"

"Pwede ko rin namang i-kwento lahat."

"Oh, shut your nonsense big mouth."

Biglang may gumapang na baging sa katawan ni Ria. Umakyat ito pataas at pina-ikutan ang bibig niya. Dahilan upang hindi na nito maibuka ang bibig. Sinunod na tinali ni Arthur ang magkabilang kamay ni Ria.

"One wrong move, buong katawan mo na ang tatalian ko." Banta niya nang magwala si Ria.

Sumimangot si Ria at pagbagsak na sumandal sa upuan. Walang magawa.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon