Chapter 10

22 6 2
                                    

"You look stupid, Aera."

Dahan-dahan kong ibinaba ang aking espada nang makilala kung sino ang nag mamay-ari ng boses na 'yon.

Kinabahan ako para sa wala. I sighed.

Lumapit sa'kin ang lapastangang First- ranker. Tinitigan niya ako ng seryoso. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang espada. Tumaas ang kilay niya at bahagyang ngumisi.

Kumunot ang noo ko. Nagpapasalamat ako sa liwanag ng buwan dahil nakikita ko ang lalaking ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ibinalik ko sa sheat ang aking espada.

He shrugged. "I can't sleep."

Tumango ako at tumingala para tignan ang langit. "Pareho pala tayo."

"Aera.."

Binalik ko ang aking tingin sa kanya. Siya naman ngayon ang tumingila para pag masdan ang langit.

"Bakit?" Binalik nya ang tingin sa akin. Nag buntong-hininga siya at umiling. Tinalikuran niya ako at nag lakad papunta sa dalawang swing na ngayon ko lang napansin na meron pala. Umupo siya sa isa.

Tinignan niya ako nang mapansin na 'di ko siya sinundan at nanatili lang sa pwesto.

He rolled his eyes. What?

"Stupid." Bulong niya pero rinig ko naman. Sino kayang mas tanga samin? Umiling ako. Naglakad ako papunta sa katabi niyang swing at umupo.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ang tangi lang maririnig ay ang tunog ng mga kuliglig. Isinandal ko ang aking ulo sa kadena na nagsisilbing tali para sa duyan at pumikit.

"The gods.."

Napatingin ako kay Cade nang mabakas ang kaseryosohan sa kanyang boses. Nakatingala siya sa kalangitan. Bahagyang iniihip ng hangin ang kanyang buhok.

"Hmm?" I replied.

"What do you think they're doing, right now?"

Tumingin na rin ako sa langit at sumagot..

"I don't know. Watching us, perhaps?" Bahagya akong tumawa. Hindi naman siguro siya seryoso sa tanong na iyon 'di ba? Kahit na seryoso ang mukha n'ya.

"Ang mga bituin, anong silbi nila?"

"Akala ko ba matalino ka? Bakit mo ako tinatanong tungkol sa bagay na 'yan?" Naka-pagtataka. Hindi kaya...

"Sagutin mo nalang." Bakas ang pagkairita niya sa kanyang boses nang sabihin iyon.

Bumaba ang tingin ko sa kanya at seryosong nag tanong..

"Cade, Ikaw ba 'yan?"

Ibinaling nya ang kanyang tingin sa'kin at umiling.

"Wala ka ng pag-asa."

"I'm just kidding."

"Right." He sarcastically laugh. "Best joke ever." Tumingala ulit sya sa langit. Ano kayang nasa isip nito? Huminga ako ng malalim at dahan-dahan na ibinuga ito.

Ibinalik ko ang tingin sa itaas. Kitang kita ang nagkikislapan na bituin sa langit at ang buwan na bahagyang natatakpan na ng ulap.

Matapos ang sandaling katahimikan ay nag desisyon na akong sagutin ang tanong niya.

"Star symbolizes hope.." Panimula ko. Sinulyapan ko si Cade para tignan ang magiging reaksyon niya.

Blangko. Wala.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon