"Alam kong mukha akong zombie ngayon, Ria. No need to stare." I said. Kanina pa nakatitig si Ria sa mukha ko. Tss. Alam ko namang mukha na akong zombie eh. Kailangan talaga titigan pa ako?
Kumunot ang kanyang noo. Umiling siya at inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Tinitigan niya ako sa mata. Kumunot ang noo ko at mabilis na humakbang paatras. Kinapa ko ang aking mukha para icheck kung may dumi ba. Wala naman. Sira na ba ulo nito?
"Problema mo na naman?" I asked.
"Your eyes....it's uhmm.. weird? Uhh.." She blink several times. "It's color blue before, right?" Inilapit niya na naman ang kanyang mukha sa akin at tinitigan sa mata. " I swear kulay blue pa 'iyan kanina--I mean kahapon. Pero ngayon, kulay sky blue na!"
Oh. Nag iba na naman pala ng kulay. Bumalik na ito sa kulay blue nakaraan. Pero nag iba na naman ng kulay pagkatapos kong makipag laban--
Tinignan ko ang ibang Rankers na nakahinto na rin pala at kanina pa ata kami pinapanuod.
"I don't know why and how, pero sa tingin ko, nag iiba ng kulay ang mata ko kapag ginagamit ko ng sobra ang Element ko. Nangyari din 'to pagkatapos ko makipag laban kay Juvia."
"That's...Cool." Sabi ni Ria. Amazement is evident on her eyes.
"Indeed. Babalik naman 'yan sa dati 'di ba?" Coraline asks. Tumango ako.
"Normal lang naman ata 'to sakin. Walang dapat ipag alala." I smiled. Tumango sila. Nagsimula ulit kaming maglakad papunta sa lugar kung saan ang tent namin.
I'm so exhausted. Parang gusto ko ng gumapang. I yawned. Malayo layo rin pala ang napadpad namin.
"Arturo, Saan na tayo ngayon?" Ria asked.
Inilabas ni Arturo- este Arthur ang isang compass na nasa loob ng kanyang bulsa. "Galing tayong east. I think nasa kalagitnaan na tayo ng North." Ibinalik niya ang compass sa bulsa at inilibot ang paningin sa paligid.
Sikat na ang araw at kitang kita ko na ang paligid. Nagsisilbing silong ang nagtataasang puno kaya 'di ko ramdam ang init.
"Oh? Malapit pala tayo sa bahay namin ni Cora. Siguro makakarating tayo doon bago lumubog ulit ang araw." Ria excitedly said.
"Yeah. Doon nalang tayo mag-stay. Mom's cook was very amazing!" Coraline beamed.
"Anong masasabi mo, Cade?" Ngumisi din si Arthur. Lumingon ako sa aking likod kung saan si Cade. Tumango siya.
"I think that's better. Makakatulog tayo ng hindi mag-aalala kung may wild beast ba na susulpot ulit."
"Great!" Coraline and Ria said in chorused. Bakas sa mukha nila ang excitement. Hindi ko alam na dito pala sila nakatira sa North. Hindi nila sinabi. Napakamot ako sa aking batok. Pero kung sabagay, hindi naman ako nagtanong. At ilang buwan ko pa lang sila kilala.
Napatingin ako saglit sa dalawang lalaki na nasa aking likod. But come to think of it, wala pa akong gaanong alam tungkol sa kanilang lahat. At ganun 'din sila sa'kin.
Nang makabalik, agad kaming pumasok sa kanya kanyang tent, maliban kay Cade. Dumiretso siya sa malapit na puno at umupo sa damuhan. He caught me looking at him. Umiwas ako ng tingin. Geez.
"Rest, Aera. Aalis tayo agad pagkatapos ng ilang oras." Sumandal siya sa puno at pumikit. I nodded kahit 'di niya nakikita. Iniangat ko na ang zipper ng tent para sumara at humiga.
I close my eyes and sigh in relief.
~~~***~~~
We ate our breakfast--Lunch first before we decided to continue our travel. Arthur and Ria were the one who's leading us now. Cade and Coraline were on my both sides.
We travel in silence. Tanging huni ng mga ibon, yapak at paghinga ng mga kabayo ang maririnig.
Sabi ni Ria kanina, saktong madadaanan namin ang lugar nila kaya hindi abala o sayang sa oras ang pag stay sa kanila.
Hours passed. Naaaninag na mula sa pwesto namin ang isang Village. This must be their place.
"Welcome to Icervia Village." Coraline beamed.
Bumaba kami sa kanya kanyang kabayo nang makapasok sa loob. Some people were busy and no one seemed to mind us which is good.
Nagsimula kaming maglakad. Hinawakan ko ang tali ng aking kabayo at hinila ito para sumunod.
While walking, I noticed some kids playing outside their houses. They laughed like they don't have problems in their life. So...carefree. So innocent.
I smiled a little. I wish they would never grow up. Don't want to ruin their innocence when they realized what life really is.
"Oh my gods, Is that our daughters?!"
Isang babaeng sa tingin ko ay nasa forties, ang biglang yumakap kay Ria. She's wearing a purple dress at may hawak na basket na naglalaman ng mga gulay at prutas. Sa kanyang likod ay isang matangkad at bulky na lalaki. He has a gray hair, a black eyes and a mustache that suited him well. This must be their dad? I guess.
"Mom!" Sabay na sabi ng kambal. Bakas ang surpresa at tuwa sa kanilang mukha. Mabilis na tumakbo si Coraline papunta sa kanila Ria at nakisali sa yakap.
"I missed you both so much." Their mother said and kissed their forehead.
"Miss you too, mom."
"Yeah. Superb."
"Ehem"
Napatingin kaming lahat sa lalaking nasa likod ng mommy nila Ria. He's frowning, pero halatang pinipigilan niyang ngumiti.
"I'm here, yah know?" He rolled his eyes.
"Of course, Dad. We know." Ria replied. Tinignan niya ang kanyang ama simula paa hanggang ulo. Pft- She gave her dad a "Sa laki mong 'yan 'di ka namin mapapansin?" Look.
Her dad sighed. "Hindi niyo ba ako namiss? Bakit ako walang hug?" He said....dramatically.
Pft- I can't help but laughed at his weirdness. I heard the two male rankers chuckled.
Lumingon sa amin ang magulang ng kambal. Their mother seemed surprised. Her grayish eyes were slightly wide. Hindi niya ata kami napansin. Oh well, pareho sila ng kulay ng mata ni Ria. And same color of hair--pale blue. Coraline's hair is color gray and her eyes were black--same with her father.
"Oh. May kasama pala kayo." Lumapit sila sa amin. "Hi, My name is Lina and this is my husband.." Tumingin siya sa kanyang likod at nginitian ang asawa. " Van Ulysses. Call us Tita and Tito." She smiled at us warmly.
The three of us nodded.
"Aera Corrigan po." I also smiled.
"Arthur Varden"
"Cade Kensington"
Tito err-- Tito Van narrowed his eyes. "Rankers?"
"Yes po." Arthur replied.
Tito Van smiled and nodded.
"Galang natin ah?" Ria laughed.
"Shut up, Viscaria." Arthur glared at her. Which she immediately return with a blazing glare.
"How cute. Come on, pasok na tayo sa loob. I'm gonna cook my specialty for dinner." Tita Lina grinned. And with that.. my eyes sparkled. Food.
The twins cheered.
BINABASA MO ANG
Ending Madness
FantasyOnce upon a time, there was a war. A war between demons and humans. Humans who aren't normal beings. They have power and skills. They thought that they have already won over the demons for they have found a way to conceal them from their world but...