~~~♣~~~
Gusto ko atang mahimatay.
I eyed the demon from head to toe and then from toe to head. Napangiwi ako. Hindi bagay. Lalaking lalaki ang kanyang katawan.
Tinignan ko si Arthur at Ria na walang tigil sa pag-halakhak. Parehong hawak ang tiyan at kulang nalang ay humiga sa lupa. Dinuro-duro pa ni Ria ang demon. Samantala, tulala si Coraline habang naka-ngangang nakatitig sa Demon.
Tumalon ito pababa at ngiting ngiti na lumapit kay Cade. Natataranta akong lumayo sa kanila. Hindi dahil takot ako sa Demon, kundi dahil mukhang sasabog na ang first-ranker.
"Hi, Handsome. My name is Demos." Inilahad ng Demon ang kanyang kamay sa harap. Hindi alintana ang nakamamatay na tingin ni Cade at unti-unting pag lamon ng apoy sa buong katawan ng first-ranker.
Mahinang sumipol si Ria. "Demos. Ha! Pinalitan niya lang naman ng S ang letrang N sa Demon." At inikot ang mata.
"Lumayo na tayo kung ayaw nating matulad sa isang roasted chicken." Suhestyon ni Arthur.
Sumang ayon ang lahat at tumakbo palayo.
Nang makalayo ay muli kaming nanuod. Wala ng suot na pang-itaas si Cade. Marahil ay nasunog na 'to. Ang natira na lamang ay ang kanyang itim na pantalon at boots. Fire proof.
Tinakpan ni Ria ang mata ng kakambal at Arthur.
"Bawal sa bata." Seryosong saad niya.
Sabay na tinanggal ng dalawa ang kamay na nakaharang sa kanilang mata at sabay ring binatukan si Ria.
"Mag-tigil ka nga, Viscaria."
Nangunot ang noo ni Ria nang marinig ang buong pangalan.
"Mas matanda ako sayo."
Nagsalubong na ang kilay niya.
"5 minutes lang!"
"Matanda pa rin."
At nag patuloy sila sa pag away.
Ibinalik ko ang tingin sa harap. Hawak na ni Cade ang demon-- si Demos sa leeg. Bakas na sa mukha ni Demos ang hirap at sakit. Sinubukan ni Demos na sipain sa t'yan si Cade, ngunit agad nito nasalo ang paa. Mabilis niyang binitawan ang leeg ni Demos. Gamit ang dalawang kamay ay binalibag niya ito ng walang kahirap-hirap.
Ako naman ang napasipol. Amazing.
"Pasikat." Mahinang sabi ni Ria.
Mabilis na tumayo si Demos nang lumapat ang kanyang katawan sa lupa. Mabilis rin siyang sumugod papunta kay Cade. Hinugot ni Cade ang kanyang espada mula sa lalagyan nito. Kumalat ang apoy sa katawan ng espada.
Nang ilang dipa nalang ang layo nila sa isa't isa ay biglang nawala si Demos. Napakunot ang aking noo at naging alerto.
Biglang tumalsik si Cade papunta sa puno kung saan ako tumama kanina. Nawala na ang apoy na bumabalot sa kanyang katawan. Nasapo niya ang kanyang dibdib na may marka ng pares na sapatos. Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba kasi kailangan sunugin ang damit?
"Enough."
Napatingin kaming lahat sa babaeng bigla na lang lumitaw. Seriously? Bakit ang hilig nilang lumitaw ng biglaan?
May suot itong mahaba at itim na cloak. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito sa amin.
"You've played enough. Let's go." Muli itong nagsalita.
"Hindi pa ako tapos! Nakikita mo ba 'to?!" Sumulpot mula sa kung saan si Demos sa harap ng babae. Tinuro ni niya ang kanyang leeg na nangingitim na. Marahil ay nasunog nang sakalin siya ni Cade. "He'll pay for this!" At tinuro si Cade na walang kabuhay buhay na pinapanuod sila.
"Nagsasayang ka lang ng oras. Umalis na tayo. Wala dito ang hinahanap natin."
Ngumisi si Demos. "Kung gano'n ay bakit nandito sila?" At tinuro ang direksyon namin. Lumingon ang babae sa amin. Tamad kaming nilingon ng babae at tamad ding ibinalik ang tingin sa kausap niya. Nadismaya ako nang makitang may suot siyang maskara.
"Hindi ko nga makita ang seeress. Umalis na tayo Demos." Hinawakan niya sa braso si Demos at bigla silang naglaho.
Hilig din nila maglaho ng biglaan.
Nataranta kaming tatlong babae ng biglang magsimulang dumilim ang paligid. Nanatiling kalmado ang dalawang lalaki.
"Not cool!" Ria
"Not." Pag sang ayon ni Cora.
"Ayoko na!" Napasigaw ako ng bigla kaming umangat 'di kalayuan sa lupa at bigla ring bumagsak.
"Shit!" Hindi ko alam kung sino ang sumigaw.
Mabilis na umiikot ang paligid. And the next thing I knew, everything went black.
--
Napamulat ako ng mata nang makaramdam ng kati sa braso ko. Nang makitang kinakagat ako ng pulang langgam ay agad ko 'tong pinatay. Tch.
Umupo ako at inilibot ang paningin. Tulog pa rin ang apat kaya dali dali akong tumayo at ginising sila.
"Damn it." Napamura si Ria nang hinawakan niya ang kanyang balakang.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Cora habang pinapagpagan ang damit.
"Illusion." Usal ni Arthur. Nanatili itong nakahiga sa damuhan.
"Illusion?" Ulit ko. Tumango lang si Arthur. Tamad sumagot.
"F*ckin' illusions." Napatingin kaming lahat kay Cade. Naka-halukipkip ito at naka-kunot noong nakatingin sa kawalan. Wala pa ring saplot pang itaas.
Saka ko lang napansin na nandito kami ulit sa lugar kung saan kami tumigil kanina. Sa likod ng bakuran nila Ms. Amara.
Nagkatinginan kaming tatlo nila Ria at Coraline. Oh.
"Paano n'yo nalaman?" Tanong ko. Tinignan ako ni Cade at biglang inikutam ng mata. Tignan mo 'to. Napasimangot ako.
"Hindi mo ba napansin na nawawala pati ang mga kabayo natin kanina na nakatali sa puno na kung saan ka paulit-ulit na hinampas?"
"Napansin ko." Sabat ni Arthur.
Nalaglag ang panga ko. "Eh bakit wala ka pa ring saplot pang itaas kung gano'n nga?"
"Seriously?" Ngumisi siya. "Ito talaga napansin mo?" Sabay turo sa katawan niya. Nag init ang mukha ko at 'di na naka-imik.
"Tss. Dahil totoo lahat ng nangyari kanina, maliban sa lugar na binuo ng babaeng demon kung saan niya tayo pinasok." Nagpakawala siya ng hangin sa bibig na parang napagod mag salita.
"Paano mo nalaman na 'yung babaeng demon ang may gawa ng ilusyon?" Tanong ko ulit. Hindi niya na ako sinagot at tinignan na lang. Tingin na nagsasabing.. 'I'm-not-stupid-like-you.'
Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa bahay kaya wala kaming nagawa kundi sumunod na lang.
This guy like being mysterious.
~~~🔫~~~
Recx: VoMent na 'yan! 😂🔫
![](https://img.wattpad.com/cover/110498952-288-k738655.jpg)
BINABASA MO ANG
Ending Madness
FantasyOnce upon a time, there was a war. A war between demons and humans. Humans who aren't normal beings. They have power and skills. They thought that they have already won over the demons for they have found a way to conceal them from their world but...