Chapter 13

26 5 2
                                    

~~~♣~~~

Nang maka-recover sa gulat ay dali dali kaming tumayo at sinundan siya. Naka-ngangang dinuro-duro ni Ria si Ms. Amara habang nakatalikod ito sa amin.

"What did she just say?" Mahina at 'di makapaniwalang sambit niya.

Wala ni isa sa amin ang sumagot sa kanya. Mukhang 'di rin naman niya kami inaasahang sumagot.

Upcoming Birthday of the Prince? Hindi ko matandaan kung kailan 'yun, pero ramdam ko na malapit na dumating ang araw na iyon. At alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa.

"Wait."

Awtomatik kaming napahinto at napalingon kay Coraline. Seryoso ang kanyang ekspresyon, tila nag iisip ng malalim.

"Sabi nila ay si Ms. Amara nalang ang natitirang seeress.." Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Pero siya ang lola ni Drae, hindi ba?"

Nanlaki ang mata ko at sunod-sunod na tumango. Oo nga! Sumulyap ako sa dinaanan ni Ms. Amara, ngunit hindi ko na siya makita.

"So, that means hindi siya nag iisa!" Ria exclaimed.

"Wow. Kahanga-hanga ang katalinuhan mo, Viscaria." Sarkastkong sabi ni Arthur at ngumisi.

"Am I talking to you, Arturo?" Ngumiti ng sobrang tamis si Ria. Sa sobrang tamis ay nakasusuka na. Napangiwi ako. Napasimangot naman si Arthur. Bahagyang natawa si Coraline, at si Cade..do I still need to mention it?

"Tss. Hindi sila magka-dugo." Imik ni Cade. He crossed his arms over his chest then sigh.

"Paano mo nasabi?" I replied.

Tinignan niya ako saka nag iwas ng tingin. "Hindi sila magkaka-mukha."

"Eh pwede naman 'yun ah? Malay mo wala lang talagang nakuha."

"Nope. Trust me."

Tumalikod siya at nagsimula na muling maglakad. Nagkatinginan kaming apat at nagkibit-balikat bago sumunod. Trust him daw eh. Sige na lang.

Malapit na kami sa bahay ni Ms. Amara nang biglang huminto si Cade na nasa harap namin. Tuloy ay napahinto rin kami.

Nagkatinginan na naman kaming apat. Ang mga mata ay nagtatanong. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may maramdamang kakaiba, ngunit pamilyar sa amin.

Awtomatikong dumapo ang aking kanang kamay sa aking tagiliran kung nasaan ang espada. Na-alerto ang aking sistema. Gano'n rin ang ginawa ng iba.

Inilibot ni Cade ang kanyang paningin sa paligid. Napagaya kami. Napakunot ang aking noo at nagtakha. Nasaan na ang mga nakatira rito? Sobrang tahimik ng paligid. Sa sobrang katahimikan ay nakakikilabot.

"What the hell?" Mahinang asik ni Arthur na nasa tabi ko lang.

"Bakit hindi agad natin napansin?" Kinakabahang tanong ni Coraline.

"This is so not good." Ria stated. Inalis ang pagkakahawak sa espada at nameywang. Sinulyapan niya ako at kinindatan. Napailing ako. Wala na talagang pag-asa.

Ending MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon