Minsam hindi rin naman masamang ipakita ang tapang mo. Kapag kasi nasaktan ka, natatakot ka na.
Crying symbolize weakness. Yes, that's the meaning of crying for me. If you cry, you're weak. Simple as that. Pero sabi nga nila, hindi ibigsabihin na umiyak ka ay mahina ka. Yeah, i agree. Malalabas mo lang ang nararamdaman mo sa iyak. Gusto kong advice-an ang dalawang taong 'to dahil hindi sila tumitigil sa pagbabangayan. Nakakainis din kasi minsan ang ibang lalake, kung laruan at kama lang din naman ang tingin nila sa babae. Aba, isampal ko sakanila ang kagaguhan nila. Tumahimik na lang ako at baka mawala pa ang pasensya ko.
At kailan pa ako naging Love Guru?!
"Huy, tigilan mo nga yang pagsisimangot mo." Dev said. Napabuntong hininga na lamang ako ngunit nakasimangot pa rin.
"Ganito dapat." Inilagay nya ang kanyang dalawang hintuturo at inilagay sa dulo ng aking labi. "Ganyan. Ngiti."
I rolled my eyes at ngumiti na lamang ng pilit. "Masaya ka na?" He smiled. Smile na makapagtitili ng babae.
Dumating na ang order namin at hindi na ito nagkasya sa mesa namin. "Ang dami nito, Yuri!"
Tumawa lamang ito. Hindi nya ba naiisip na ang daming nanlilimos sa labas para lang makakain?! "Hayaan mo na, my queen." Napaubo ako sa tinawag nito saakin.
"What the hell?!" Bulyaw ko kaya binatukan ito ni Dev.
"Aray naman, Dave! Ano ba! May gusto ka ba kay my queen? Naku, sabihin ko sayo back off na. Off limits na sya e" Anito.
"Ano ba, babe! Ang dami na niyan." Napalingon na lamang kami sa tabi ni Marco na si Kayereen. Sinama nga pala ni Marco ang kasintahan niya. Hays. Nabibitter na talaga ako. Porque ba walang nagkakagusto sayo ganyan ka na?
FLIP HAIR. Tatlo kaya.
"Babe naman. Magtatampo ako niyan. Gusto ko healthy ang babe ko." Sabay sabay kaming tatlo na naggesture na nasusuka.
"Sabihin mo nga, Marco. Magiging healthy ba si Kayereen kung puro sweets pinapakain mo?" Natatawang sabi ni Yuri kaya naparoll eyes naman su Kayereen.
"Aba, diba nakakataba ang matatamis? Eh diba healthy naman ang matataba?" Gusto ko na talagang matawa sa mukha ni Kayereen. Pulang pula na e. "Atsaka gusto ko, malaman sya."
"Ay! Ano ba yan, pare!"
"What the fucking pervert, Marco!"
"Hindi na nakontento ang gago!"
Sabay sabay naming bulyaw. Napangiti naman si Kayereen doon. Uy, gusto nya rin. Itinuro ko ang magjowang nagbabangayan pa rin.
"Marco, see that?" Tumango ito at tinignan ulit ang nagaaway. "Ganyan kayo in future."
Kumunot naman ang noo nito at inakbayan si Kayereen. "No. Hindi ko sya papakawalan." Mahina namang pinalo ni Kayereen sa braso si Marco. Duh, walang forever.
"Alam nyo ba kapag busog tay-brrrpp!"
"Ano ba, Yuri! Ambaho ng hininga mo!" Reklamo ni Dev dahil sa harap sya mismo ni Yuri.
"Sorry, hehe." Anito at ibinaling ang tingin sa katabi nyang love birds. "Hey, pare."
Tinawag naman nito habang si Marco ay kanina pa hinahalikan ang pisngi ni Kayereen. Huta diba? Pakainin ko kaya ng ampalaya 'to? Lumingon naman si Marco ng may sama ang tingin kay Yuri.
"Tigilan mo na. Kanina pa nakadikit labi mo at mukha mo sa mukha ni Kayereen."
"At bakit? Inggit ka? Gusto mo halikan kita?" Marco grin.
"Wag na, pare. Hintayin ko na lamang si my queen..." Anito at ngumiti saakin. "At tigilan mo na nga!"
"Bakit ba?!" Marco exclaimed.
"Baka kasi magkapalitan kayo ng mukha. Hahahaha!" Adik talaga 'tong si Yuri eh. Nakakahiya, sya lang ang tumatawa ng malakas dito. Kinalabit naman ako ni Dev at nilingon ko sya ng nagtataka.
"Nabusog ka ba?" He said at tumango naman ako. Naubos kasi lahat ng inorder ni Yuri. Siya rin naman ang nakaubos. "Good."
"Aries." Muntik na akong mapatalon dahil sa hangin sa tenga ko. I give Dev a deadly glares. Lumapit sya ng lumapit saakin hanggang sa ipinamunas nya ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ko and curve it into smile. Nakita ko na lamang na may konting icing na nakuha nya at kinain yun. Ew!
"Kadiri ka, De-Dave!" Pinalo palo ko sya sakanyang braso ngunit tatawa tawa lamang ito.
"My queen, nagseselos ako." Sabat ni Yuri at nagsad face pa ito. Uh, di bagay.
"Whatever. Tara na nga. Umalis na tayo." Tumayo na lamang kami at unalis ng busog.