"Queen Farrah Rievaforte." As the MC call my name, i stood up. Graduate na ako, sa lahat ng nangyare saakin. Eto, masaya na!
Ang natutunan ko sa buhay? Acceptance is the first of the best thing. Smile and chin up. Masakit masaktan, syempre. Pero you can cheer up naman. You can smile all you want. Kahit na mahirap, kayanin! It is a challenge.
"Thank you." Nakipagkamay ako sa aming dean's pagkatapos niyang ibigay ang diploma ko. Omygosh, tapos na akong magaral! Pagkatapos tawagin ng pangalan ko ay umupo na ako. Matapos ang ilang oras na seremonya ay pumunta na ako sa mga kasamahan kong sinuportahan ako.
"Congrats, i love you." He said.
"Ano ka ba, Red. I love you too." Ngumiti ako at niyakap sya. Yes, kami na. Inlove ako eh, laban kayo?
"Kuyaaaaa Bryantttt!" Napasigaw ako dahil binatukan nanaman ako ni Kuya. Tatawa tawa itong tumago sa likod ni Tres. Oo nabuhay sya, niligtas sya ni Leo. Alam pala ni Red na maliligtas sya dahil iyon ang napagusapan nila ni Leo. Hays. At ngayon? Mas close na kami. Pinilit lang naman pala syang sumanib sa Cordeva.
"Congrats, sis." Tatawa tawa nitong sabi. Lumapit naman si Tres at niyakap ako.
"Congratulations!" Ngumiti ako. "Magiging proud siya nito."
Haynaku. Bakit ba kasi hindi kami gumraduate ng sabay ni Dev! Tss.
"Oopps. May nagseselos." Mapaglarong sabi ni Kuya at tinuturo turo si Red na masama ang tingin kay Tres kaya napatawa na lang kami.
Ang saya nung ganito. Yung walang problema. Si X? Asa namang umattend iyon dito. Naku. Baka himala na lang pagumattend iyon eh. Lumapit naman si Marco at yumakap saakin dahil graduate na rin sya.
"Congrats saatin!" Bulong niya kaya tumawa ako. Yumakap naman si Kayereen saakin na sinuportahan ang boyfriend nito.
"Congrats." Tumango lang ako.
"Tara na? Naghihintay na iyong iba sa bahay para sa handaan." Kuya said and i roll my eyes.
"Pagkain lang naman ang gusto nyo eh." Sabi ko.
"Aba, yun lang naman ang ipinunta ko do-ARAY!" Binatukan ko sya.
"Gusto mo ban-"
"Ito naman hindi na mabiro." Inakbayan niya ako. Inirapan ko lang sya at sumakay na sasakyan ni Red. Nauna na pala sya.
"Congrats!" Sabi niya at nginitian ko lang sya. He started the engine. "By the way, nadala mo ba ang diploma niya?"
I nod. "Of course!"
"I'm happy for you na nakatapos ka na. Matutupad mo na yung pangarap mo." He said and turn his gaze on me.
"Syempre naman!" I laugh. Gusto ko kasing maging chef. I want to cook of my own. Gusto ko kasi pagbored ako sa bahay, magluluto ako.
"Can you cook for me, Amore?" He asked. Ramdam ko namang namula ang pisngi ko kaya napabaling ang tingin ko sa bintana.
"Oo naman, ikaw pa? Gusto mo bang lagyan ko pa-" He cutted me off.
"Yes. I want." Tumawa sya.
"Okay. Gusto mo palang lagyan ko ng lason eh." Tumingin ako sakanya at ngumiti. Sumimangot naman ito. Ang cute. "Biro lang."
Pagkadating palang namin sa mansyon ay makikita mo na ang mga magagarang sasakyan na nakahilera sa parking lot. Okay? Hindi naman 'to talagang grand graduation. Simple lang naman.
Pumasok kami at dali dali akong pumasok sa kwarto niya. Naabutan ko syang nakahiga at nakasalampak sa kanyang tenga ang earphone niya. Inalis ko naman ang isa na siya namang ikinalingon niya saakin.
"Bakit di ka ba umatted ha?!" Sigaw ko. Tumayo naman sya at niyakap ako. Ibinigay ko sakanya ang diploma niya.
"Congratulations to us!" Sabi niya at tatawa tawa pa pero pinitik ko ang noo nito. "Nakakatamad umattend eh."
"Hoy! Mr. Trijzer Dave Villero. Ako lang. Hindi ka nakasuot ng Toga oh!" Nanunutya kong sabi. "Worth it naman!"
Yup. Nabuhay si Dev. Nang ihatid sya sa ospital ay lumaban pa ang katawan nito kaya masaya akong nung nagising na 'to.
"Kahit na. Parehas naman tayong nakaDiploma ah!" Anito kaya inakbayan ko na lang at inayang lumabas na. Pagbukas namin ng pintuan ay tumambad saamin si Red na nakapamewang.
"Can i borrow my GIRL?" He really emphasized the GIRL. I rolled my eyes.
"Ano ba, Aries! Nakakaselos na kayo ha!" He said.
"Doon ka na kay Fiona! Lambingin mo kasi!" Yes. Sila na ni Fiona. And we fight for our love kahit na ipinagbawal ito ni X. Hinila naman ako ni Red at wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pumunta naman kami sa Rooftop at sumampal naman saakin ang sarap ng simoy ng hangin. Palubog na pala ang araw.
Nakita kong may nakatayong lalake sa dulo mg rooftop at pinapanood ang paglubog ng araw. "Hey."
Lumingon ito at lumapit saakin and hugged me. "Congratulations!"
"Thanks, Yuri." Yes i forgave him. He regretted what he did before. Ramdam ko namang sincere sya. All of them, they belong to us. Welcome sila sa bahay ko. Kaya dito na sila nakatira.
"Ang regalo ko, andoon sa kwarto mo." Tumango na lang ako ibinaling na niya ang tingin kay Red at tinapik ang balikat nito. Umalis na sya sa rooftop at kami na lang ni Red and natira. Umupo kami sa duluhan ng rooftop at sabay na pinanood ang paglubog ng araw.
"Alam mo, masaya ako." Sabi ko. "Kasi nandyan ka nung nasa pinakamalungkot na estado ako."
Nilingon naman ako nito. "Of course. I will always in your side."
Ngumiti ito. His smile is so relaxing. Minsan na nga lang 'to ngumiti. Hays. Ba't ang pogi mo? Haynaku, Farrah. Wag kang makire.
"Look.." Tumingin ako sakanya at sumeryoso naman ang mukha nito. "I know, this will be hard but..."
"But?"
"I..." Nakita kong lumunok pa ito. "I love you."
Pinamulahan naman ako don. "Iyon lang ba? I love you too."
"Alam mo bang ang hirap magconfess?" Anoya at inirapan ako. Mas nagmomood swing pa ang isnag 'to eh.
"Alam ko."
Hinawakan niya naman ang pisngi ko at hinalikan ako sa... labi. Smack lang 'yon! Wag kang ano. Ngumiti ulit sya saakin.
"You'll always be my Bad Bitch."