XXVIII

596 10 2
                                    

"Grabe ang malas ng birthday mo, Queen." Tawang tawa na sabi ni Marco. I rolled my eyes, who cares.


"Bakit mo ba kasi pinabayaan, Red?" Sinamaan naman ni Red si Dev ng tingin. Si Dev nga pala ang nakakita saakin at si Red ang humabol kay Yuri pero nakatakas pa rin ito.



"Ang tigas eh. Di ko namalayan na umalis pala ito sa mesa namin." Malamig nitong sabi kaya napabuntong hininga ako. Oo na, kasalanan ko na.



"Magiistay ka dito ng 3weeks. Matagal humilom yan." Seryosong sabi ni Dev kaya umiling ako.


"No way. Mabobored lang ako dito and i hate hospitals!" I exclaimed.


"You'll stay? Or i'll lock you here and no one will visit?" Tinitigan ako ni Red sa mata.


"K." Nasabi ko na lang. Humiga na lamang ako dahil wala namang magandang gawin.


"Hey..." Rinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto, tingin ko'y umalis iyong dalawa. Hindi pa rin ako humaharap. "Aries"


"Hmm?"

"It's just for your safety, okay? I'm sorry. Nagaalala lang talaga ako. You know, i'm gonna turn into a crazy man kapag may nangyare sayo." Malambing nitong sabi kaya hindi ko mapigilang ngumiti. Landi mo, queen.


"Okay." Sabi ko.


"Face me." He said ganun pa rin ang tono. Humarap naman ako at ngumiti ito, ngumiti na lang din ako.


"Damn, i'm falling hard with that smile." He said kaya napakunot noo ako, umupo muna ako at tumabi naman sya saakin. "Nevermind"


"Bakit hindi ikaw nagligtas saakin?" Tinignan ako nito at ngumiti naman ng nakakaloko. "What?"


"Are you expecting that i'm the one will save you?" Nanunutya nitong sabi.

"Syempre, ikaw yung kasama ko!" Sabi ko kaya natawa ito. Hinalikan naman nito ang noo ko at tumayo na.


"I will always be your knight in shining armor, amore." Gustong gusto na siguro tumalon ng puso ko 'no? "Happy birthday, gotta go."


Tumango na lamang ako at umalis na ito. Ano ba ang pinagkaiba ng nararamdaman ko kay Dev at Red? Omygad. Pumasok naman si Venom sa kwarto ko dito sa ospital na may seryosong mukha.


"Aries.." Yumuko muna ito. At may ibinigay saaking isang inbitasyon sa tingin ko. "Galing kay Bryant."


Naiyukom ko naman ang kamao ko. "We'll go." It's time for revenge!"


"But-"

"No but's. Call Dev and Thor. Isasama ko sila." Hindi ko naman pwedeng isama si Marco at baka mabuking pa ito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabe yung nangyare kaya sya naospital. Tumango na lamang si Venom at pumasok naman si Dev at Marco.


Wala talaga akong bisitang babae ano? Sigh.


"Are you sure about this?" Dev asked. Tumango na lamang ako. Binuksan ko ang inbitasyon at sinasabe ditong alas nuwebe ng gabi bukas.


"Hindi pwede, Queen. Hindi pa magaling ang paa-" I cutted Marco off.


"I will go. Dev, isasama kita kayong dalawa ni Thor." Tumango naman ito. "Marco, pupunta ka ba?"


Tumango din ito. Then, i'll settle my revenge by my own. "Dev, call Fiona for my dress."



I don't want to sleep, gabi na pero hindi pa rin talaga ako inaantok. Wala naman akong kausap dito dahil wala akong kasama. Hays, hindi naman ako tanga para kausapin ang sarili ko diba?


Eh kung lumabas kaya ako? Bibili lang naman ako ng makakain ko eh. Puro kasi gulay, prutas ang nandito. Gusto ko ng junkfoods.


Nagpalit na ako ng black leather jacket na may black shirt sa loob at jeans. Syempre nagtsinelas lang ako. Nagiwan ako ng letter para hindi sila maging oa. Hindi ko rin syempre kakalimutan ang pera at ang baril ko.



Wala namang tao paglabas ko, tulog na siguro. Tss, ayaw na ayaw ko sa hospitals, dito namatay ang nanay ko eh. Kahit sarili rin naming ospital ito, ayaw ko pa rin.


Nang makalabas ako ng ospital ay naghintay ako ng taxi, it's already 9pm. Ilang minuto rin ang hinintay ko saka ako nakasakay sa taxi na walang tao.


"Manong, sa 7/11 po." Tumango naman ito.



Ilang minuto lang ay nagtataka na ako, teka, hindi ito ang daan patungo sa tindahan na sinabe ko ah.



"Manong, hindi-" Nang nilingon ko ito sa rear mirror ay isang halimaw ang nakita ko. Edi sino pa, si Bryant the traitor.


"Long time no see, sis." Sabi nito at ngumisi. Inilabas ko ang pistol ko at itinutok sa sentido nito. "Oh, i know that will come."


"Paalisin mo ako dito." Malamig kong sabi ngunit tumawa lamang ito.


"Who says?" Bigla nyang inagaw ang baril ko at itinapat ang panyong may nakakahilong amoy sa ilong ko. Damn, he caught me off guard. Darn, ang hina ko ngayon. Bago pa dumilim ang paningin ko ay narinig ko pa itong nagsalita.



"This time, they can't find you."

Bad BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon