Chapter 1

544 8 0
                                    

Hello~ :D Sana magustuhan nyo :)

-------------------

Chapter 1:

The Effin' Dare

< Jandria's POV >

[a/n: Hindi ako character dito. Ako lang yung narrator. XD Eepal lang ako sandali ^_^v]

"Girls! Ayan na si Prince Luhan. WAAAAAAH!"sigaw ng isang sasaeng este fangirl sa hallway. Dahil matatalas ang tenga ng mga fangirls pagdating sa kanilang Prince Charming eh dali dali nilang pinagkaguluhan si Luhan. Kawawang Luhan. Umagang umaga, basag agad ang eardrums ni Luhan. Tsk tsk.

Pero wag kayo! Sanay na yan kaya laging may dalang earphones. Boy scout ata yan. Laging handa sa alin sakuna.

Dali daling nilagay ni Luhan ang earphones niya sa tenga niya. Alangan naman sa paa. XD

Ngayon, safe and sound na si Luhan. Salamat sa mga earphones niya.

Pacool lang siyang naglalakad sa hallway habang ang mga fangirls eh halos makipagsapakan na sa fellow fangirl para makuha ang attention ng kanilang Prince Charming. Pero wa epek. Kahit magsipatayan na sila, hindi pa rin nila makukuha ang attention ni Luhan dahil ang attention niya ay nasa iisang babae lang.

Nakatingin siya sa babaeng nakaupo sa gilid at nagbabasa. Hindi lang basta babae ah. Oy! Hindi siya bakla ah! Baka isipin nyo bakla eh. XD Isa siyang magandang magandang babae. Parang isang Dyosa! Pero dyosa talaga siya dahil ang kanyang pangalan ay Aphrodite. Taray no! Pangalan palang dyosang dyosa na.

Huminto siya sa kinaroroonan ni Aphrodite. Syempre tumigil rin ang mga sasaengs na nakabuntot sa kanya.

"Hi Aphrodite." bati ni Luhan sa dilag na kanyang iniirog. Naks. Dilag at iniirog. BOOM PANESXZZ XD

Tumigil sa pagbabasa si Aphrodite at tumingin kay Luhan. Nginitian niya si Luhan at bumati rin "Hello."

Dahil sa napakagandang ngiti ni Aphrodite ay nabaliw si Luhan at napunta sa Mental Hospital. The End. De joke lang :D

Ng dahil sa napakagandang ngiti ni Aphrodite, nabuo agad ang araw ni Luhan. Parang kanina lang eh tinatamad siyang pumasok pero ngayon eh sinisipag na. Parang enervon kasi ang ngiti ni Aphrodite.

Yung mga fangirls naman? Ayun. Halos mahimatay na sa kilig. Botong boto kasi sila kay Aphrodite para kay Luhan. Mayroon kasing kasabihan ang fanclub nila na kung hindi sila ang makakatuluyan ng kanilang Prince Charming, mas mabuting isang Dyosa kesa sa isang Palaka ang makatuluyan ng Prince Charming nila. Bongga! May ganung epek! :D

Parang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla lang ang peg ni Aphrodite at Luhan. Tapos yung mga fangirls ni Luhan, ang kanilang peg eh yung mga fans ng KathNiel. Genern!

Nagsimula na ulit lumakad si Luhan at nakabuntot ulit yung mga sasaengs este fangirls niya. Alangan naman kasing magstay lang si Luhan sa kinaroroonan ni Aphrodite. Ano yun? Titigan all day, all night? XD

Papunta sa kanyang klase si Luhan. Yung fangirls? Ihahatid siya. Taray ni Luhan no. May bodygirls pang kasama eh pupunta lang ng klase.

Madadaanan ni Luhan ang garden. Malaki kasi ang BWCW University. Maraming pasikot sikot.

Lagi niyang madadaan ang garden kahit sa ayaw at gusto niya. Ayaw niya kasing nakikita ang garden. Hindi dahil sa puro halaman. Kundi laging nandoon ang Campus Nerd na si Annika Medrano. (Allergic si Luhan sa mga nerds.) Maarteng lalaki eh. Daig pa ako -.- XD

Pero hindi niya sinasadya na mapatingin kay Annika na nakatingin si ulap. (Hindi daw sinasadya >_>)

Hay! Hayaan na nga natin yang Luhan na yan. Lipat na tayo.

Madako tayo kay Nica, isa sa mga Dyosa sa BWCW U. Naglalakad siyang papuntang garden para imeet ang kanyang twin sister na si Annika. Yeah. Kakambal niya ang Campus Nerd ng University. Unbelievable right?

"KAMBAL!" tumakbo si Nica sa kinaroroonan ni Annika.

Niyakap niya ang kanyang kakambal na parang 5 years silang hindi nagkita pero sa totoo lang, 5 minutes lang sila hindi nagkita. -_-

"I MISS YOU KAMBAL!"

"Eh? 5 minutes lang tayong hindi nagkita, namiss mo agad ako?" tumango si Nica sa tanong ni Annika.

Kung titingnan mo silang dalawa, parang hindi sila kambal or magkamukha pero pag tinanggal ni Annika ang kanyang makapal na specs, magkamukhang magkamukha sila. As in.

Pero alam nyo bang hindi alam ng lahat ng students sa BWCW na magkambal sila. Galing no? Medyo tanga mga students dito eh XD

Biglang may nagtext kay Annika.

"Sino yung nagtext sayo? Manliligaw mo? Uy! Sino yan ha? Ipakilala mo sa akin yan."

"Si Jin yun. Manliligaw ka dyan."

Masyadong epal yang si Nica eh. Manliligaw agad eh wala ngang pumapansin kay Annika sa University nila tapos magkaroon ng manliligaw. Balibhasa Dyosa yang si Nica eh. Habulin ng mga lalaki. (Konek? XD)

"Si Jin? Yung gwapong guy na nag-aaral sa BTS?" tumango si Annika kay Nica.

"Kasali pala siya... Ano pala balita?"

****

< Luhan's POV >

"Luhan!" lumingon ako sa epal na tumawag ng gwapo kong pangalan.

"Halika! Laro tayo." Wala akong magagawa kundi lumapit. Sila lang kasi tropa ko sa room. Tropa tropahan. Yung totoo kong tropa nasa ibang room. Bakit kasi pinagpala ako na matalinong gwapo? Hindi tuloy makasabay sila Kris.

"Ano nanamang kalokohan yan?" tanong ko sa kanila. May nalalaman pa kasi silang bote sa gitna.

"Truth or dare. Dali sali ka na. Masaya 'to."

Tss. Mga isip bata. =_=

Pinaikot na ni Ian yung bote sa gitna. Huminto ang ulo ng bote sa harapan ko.

"Uy. Ikaw ang taya Luhan.. Truth or Dare?" nakangiting tanong sa akin ni Xander.

Ano kaya? Truth? Eh ang itatanong nila yan kung sino crush ko. Ang bakla no. -_- Alam naman na nilang lahat na si Aphrodite yung gusto ko.

Dare? Matry nga.

"Dare."

"Hmm. Ah!" may binulong si Xander kay Ogie. Ano na naman yun? >_>

"HAHA! Sige sige. Yun."

"Sure ka bang Dare talaga ang pinili mo?" tumango ako. Epal naman 'tong mga 'to. Suntukin ko na sila eh. Kanina pa ako pinaghihintay.

"Ligawan mo at idate mo yung unang babaeng dadaan sa pintong yan." tinuro niya yung isang pinto sa klase.

Nagsmirk ako. "Wala namang dumadaan dyan eh."

"Talaga lang?"

Biglang bumukas yung pinto. At napatingin kaming lahat sa pintong yun.

Pakshet.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon