Chapter 19

139 4 0
                                    

< Annika's POV >

"Talaga, ijung?" Tumango ako sa tanong niya. "Grabe. Ganun na ba talaga niya kamahal yung babaita na yun at gagawin niya talaga ang lahat mapasagot lang yun?" Nag-shrug ako. "Nababaliw na ata siya. Tss. Kung ako sa kanya, hindi ko na ipapagpatuloy ang panliligaw kay Aphrodite, masyado siyang demanding. Hindi ba niya alam kung gaano kadelikado ang pinasok niya? Tsk tsk."

"Hayaan mo siya."

"Anong hayaan, Annika? Hangga't maaari, pinigilan mo sana siya."

"For what? Eh yun ang gusto niya." Nagsip ako sa iniinom kong juice. Ayokong magaksaya ng oras dun sa Luhan na yun. Kung yun ang gusto niya, edi go. Bahala siya pag may nangyaring masama sa kanya.

"Alis na ako." Kinuha ko yung bag ko at umalis. Hindi pa naman nagbebell kaya umikot ikot muna ako sa campus. Habang naglalakad ako, nakita ko si Luhan na masayang nakikipag-usap kay Aphrodite. Makikita mo talaga sa mata ni Luhan na mahal na mahal niya talaga yung babaeng kausap niya ngayon.

Sa kalagitnaan ng tawanan nila ay biglang napatingin si Luhan sa direksyon ko. Medyo nagulat pa ako kasi tiningnan niya ako diretso sa mata. Pero makalipas ng ilang segundo ay ibinalik niya ulit ang tingin niya kay Aphrodite.

"Selos ka ba?" Napatingin ako sa nagsalita.

"Hindi ako si selos. Ako si Annika." Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"Ang slow." Maglalakad na dapat ako palayo kay Kai ng biglang may sinabi siya.

"Alam mo bang sumali si Luhan sa gang ng Bulletproof?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Bakit siya dun sumali? Pwede naman sa iba. Aish.

"And so?" Pinilit ko magmukhang walang pake sa sinabi niya.

"Kunwari ka pa, Annika." Hinarap ko siya.

"Paano mo nalaman na sumali siya dun?"

Nag-shrug siya. "Siguro kasi gwapo ako." Ngumisi siya sa akin.

"Bwiset." naglakad na ako palayo ng tuluyan sa kanya. Dumiretso na ako sa klase ko kahit hindi pa naman time. Pagkadating ko sa pinto, nakita ko yung likod ni Luhan, parang may ginagawa siyang kung ano dun.

"Hoy." Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. Pagkalingon niya, tinago niya kaagad yung hawak niya sa bag niya. Nilapitan ko siya. "Ano yan?"

"Wala kang pake."

"Okay." Walang ganang sagot ko. Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang magbasa.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya.

"Wala ka ring pake." Gantihan lang tayo, KittyBoy.

***

< Namjoon's POV >

"Ano? Sino ang unang paglalabanin natin?" Tiningnan ko siya. Tinuro ko yung nakadikit na picture nila Robi, Gil, Taewon at Luhan

"Sila? Okay. Tatawagin ko na sila para maglaban na sila. Gusto ko na makilala ang bagong sasali sa grupo." Tumango nalang ako kay Hoseok na excited na excited magdial sa phone niya.

Naupo ako sa couch. Tinext ko siya at pinagpaalam na ngayon na ang Judgement Day para sa gustong sumali sa grupo. Tinago ko yung phone ko pagkasend ko sa kanya ng message. Hindi ko na hihintayin ang reply niya dahil panigurado ay hindi naman siya magrereply. Tamad magpindot pindot yun.

Tumabi sa akin si Taehyung at nagtanong siya.

"Bakit sila napili mo? Pwede naman yung iba."

"Para maganda ang papanuorin natin." Walang ganang sagot ko. Walang kwenta kasi maglaban yung mga sinasabi ni Taehyung. Parang mga bata kung maglaban. Nauuwi lang sa sigawan at yabangan eh.

"Namjoon! Nandito na silang apat!" Napatingin kami sa pintuan. Nandun si Robi at Gil na nag-aangasan sa isa't isa at si Taewon na kitang kita sa mukha na gusto niyang manalo para makasali sa grupo at si Luhan na kitang kita naman sa mukha niya ang pagkabilib sa lobby ng underground namin.

"Welcome sa underground namin! Maupo muna kayo dito." Masayang bati ni Hoseok sa dalawa. Tumayo na ako at pumunta sa loob ng underground. Tinawag ko ang iba dahil may pag-uusapan kami.

"Sino unang maglalaban?" Tanong ni Yoongi.

"Taewon at Gil." Tumango silang lahat.

"Pustahan! Sino mananalo sa laban?" Tanong ni Hoseok.

"Taewon ako." Naglabas ng 1k si Seok at inihulog sa transparent na box.

"Gil." Naghulog din 1k si Yoongi.

"Gil for the win!" Naghulog ng 1.5k si Jimin.

"Taewon kami ni JK." Naghulog ng tig-isang 500 sila Taehyung at Jungkook.

"Gil!!!!!!" Naghulog ng 1k si Hoseok.

"Taewon." Naghulog ako ng 2k. Okay lang sa akin kung malaki ang ipusta ko kasi sigurado akong mananalo si Taewon. Tinawag na ni Hoseok sila Gil at Taewon para pumwesto sa gitna ng underground. Nagsibukasan ang lahat ng ilaw sa underground. Pumwesto ako sa lagi kong inuupuan kung saan maganda ang view.

"Luhan at Robi, manuod muna kayo." Pinaupo ni Hoseok ang dalawa sa bleachers na malapit sa pwesto ko. Napalingon ako kung saan sila nakaupo. Nakikita ko sa mukha ni Robi ang pananabik na lumaban habang kay Luhan ay ganun pa rin. Manghang mangha pa rin ang mukha niya sa underground. /literal na facepalm/ tiga-bundok ba 'to?

"Taewon at Gil! Mag-warm up muna kayo ng 5mins." Utos ni Hoseok sa kanila.

"Lu hyung. Tabi tayo."

"Sige, Jungkook. Grabe. Ang astig naman dito. Sa inyo 'to?"

"Oo naman. Woah!" Napatingin ako kay JK. Ano ikinamangha netong maknae na 'to kay Luhan? Nakatingin siya sa kamay ni Luhan na manghang mangha. Ano meron dun?

"Ang ganda ng tattoo mo, hyung. Saan mo pinatattoo yan?" Kumunot yung mukha ko. May tattoo pala siya.

"Eh, nakalimutan ko na." Napakamot ng ulo si Luhan kaya nakita ko yung tatto niya.

Isa lang masasabi ko sa tattoo niya. Ang astig at ang unique.

"Okay! Tapos na ang 5mins. Pumwesto na kayo dito." Lumipat ang atensyon ko sa gitna ng underground. Magkaharap si Taewon at Gil habang nasa gitna nila si Hoseok. Pinapaliwanag ni Hoseok ang rules sa paglalaban. Matapos niyang mapaliwanag ay pumunta na siya sa tabi ko.

"FIGHT!" Pinaputok ni Hoseok ang baril niya, sign na magsimula na ang laban. Umupo siya sa tabi. Inofferan niya ako ng popcorn.

"Ready na ready ha." Inabot ko yung popcorn at binuksan ito.

< Luhan's POV >

"Woah!" Sht. Grabe ang lakas sumuntok ni Taewon ata yun. Tapos ang galing niya pang dumipensa. Naiilagan niya yung mga suntok at sipa sa kanya nung kalaban niya. Ang astig.

"GO TAEWON! PATUMBAHIN MO NA YAN!!!!!" Napalingon ako sa sumigaw. Napangiti ako sa kanya. Grabe ang support ni Taehyung. May hawak pa siyang number 1 at balloons.

"WOAAAAAAH!" Nalipat agad ang atensyon ko sa gitna ng underground. Nanlaki ang mata ko nung nakita kong nakahiga na sa sahig si Gil. Pupuruhan pa sana ni Taewon si Gil pero inawat siya ni Hoseok. Tinaas ni Hoseok yung kamay ni Taewon.

"YES!! PANALO TAYO SA PUSTAHAN, KOOKIE!!!!!!!!"

"Next! Robi vs Luhan." Bigla akong kinabahan nung narinig ko yung pangalan ko. Napalingon ako kay Robi. Nakatingin siya sa akin habang pinapatunog yung kamay niya. Napalunok ako. Parang gusto ko nang umuwi. Parang ayaw ko na sumali.

Napalingon ako sa humawak ng balikat ko. "Kaya mo yan, hyung. Sayo ako pupusta kaya galingan mo." Ngumiti ako ng mapait kay Jungkook. Mukha kasing hindi ko kayang manalo eh.

"Oo nga hyung! Galingan mo. Fighting! Nandito lang kami ni Kookie."

"Tama si Taehyung hyung. Nandito lang kami. Sige punta ka na dun." Tinulak ako ni Jungkook para pumunta sa gitna ng underground. Habang papunta ako dun, nagsign of the cross ako. Lord, kayo na po bahala sa akin.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon