Chapter 2

358 8 0
                                    

Chapter 2:

Nica, The Twin Sister

< Annika's POV >

"Try mo kayang mag-ayos Sis." suggest ni Nica habang hinahaplos haplos yung buhok ko. Aish. Ilang beses ko bang sasabihin dito kay Nica na hindi pwede yung gusto niya. Halos pang-102 na sabi na niya sa akin yan.

"Eh alam mo naman diba?"

"So?" Maka-So 'tong Nica na 'to -.-

Buti nalang talaga nagbell na. Ibigsabihin nun, makakapunta na ako sa classroom ko at makakalayo na ako kay Nica. Yehey~

"Bye Sis. Magkakahiwalay nanaman tayo. I'll miss you Sis. XOXO" At niyakap niya ako ng napakahigpit. Ah! Hindi ako makahinga. Help!

Matapos niya akong sakalin este yakapin, dumiretso na ako sa room ko.

Sa back door ako dumaan. Ayoko kasi dun sa isang pinto. For sure eh babatuhin nila ako ng mga crumpled paper pag dun ako dumaan.

Pinihit ko yung doorknob.

"Annika!" Tumingin ako sa nagsabi ng pangalan ko. Ano nanaman problema netong kapatid ko?

"Sis! Nakalimutan kong ibigay sayo 'to."

Isang maliit na puting envelope?

"Kanino galing 'to?"

"Ewan. Binigay sa akin yan kanina ng guard. Sabi niya may nagpapabigay daw sayo."

Tumango nalang ako kay Nica. Binuksan ko na yung pinto. Malapit na kasing magtime. 'Tong Nica na 'to, gagala nanaman 'to for sure.

**

< Jandria's POV >

"Date her! Date her!" Yaan ang naratingan ni Annika pagkapasok na pagkapasok niya sa room.

'Ano meron?' Nasabi niya sa isip niya.

Naupo nalang siya sa pinakadulo at binuksan ang maliit na envelope na bigay sa kanya ni Nica. Binasa niya yun.

Yow.

Punta ka sa JYP Arena kasama ang buong Unknown mamayang 5:00pm. May ibibigay ako sa sayo. Pag wala ka dun, alam mo na. ;)

- Secret Admirer mo <3

Ayerts. May Secret admirer pala 'tong si Annika kahit ganyan itsura niya. HAHA!

Kinuha niya yung phone niya at may tinawagan.

"May natanggap ka?"

[ May natanggap ako na ano? ]

"Letter. Wala kang natanggap?"

[ Wala. Teka. Bakit ka pala napatawag? ]

"Mamayang 5:00pm. Sa JYP Arena. Kayo nalang ang pumunta. May gagawin akong project eh. Tawagan nyo nalang ako pag kailangan nyo ko ha."

[ Ah. Sige. Pero teka-- ]

**toot toot**

Inend niya agad yung call dahil biglang dumating yung prof nila.

Si Luhan ay pumunta sa upuan niya pero may kumuha ng upuan niya.

"Alis ka nga dyan Xander."

"Dito nalang ako. Dun ka nalang oh." Tinuro ni Xander yung isang empty seat sa likod.

"Ano ba. Dyan ako eh."

"Mr. Luhan, umupo ka na sa upuan mo."

Wala nang nagawa si Luhan. Umupo siya sa likuran, katabi si Annika.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon