A/N: E.X.O. ang ginamit ko para medyo hindi katulad sa EXO. HAHA! May panggagamitan kasi ako ng EXO ∩__∩
--
Chapter 5:
Rubix Cube
< Luhan's POV >
"Luhaen! Luhaen! Gising na! Luhaen!"
"Asdfghjklakskalal." tinakpan ko sa mukha ko yung unan na nakuha ko.
"Ano daw Baek? Ano sabi niya?"
"Ang sabi niya gwapo daw ako."
"G@go! Gisingin mo na nga yan para sabay sabay tayong pumasok sa BWCW."
"Okay sige." may mga narinig akong mga yapak na papaalis. Ayan~ Makakatulog na ulit ako ng mahimbing. Makakasama ko ulit si Aphrodite ko. Hmm
"LUHAEN! GISING NA LUHAEN!" Binato ko siya ng unan. Sumakto naman iyon sa mukha niya.
"Ang aga aga nambubulabog ka nanaman. Dinaig mo pa alarm ko."
"Eh hindi ka naman nag-aalarm. Dali. Gising na. Ikaw nalang kaya ang hinihintay."
Tumango nalang ako sa kanya. Binatukan niya muna ako bago tumakbo palabas ng kwarto ko. Anak ng.
"HAYOP KA TALAGA BAEKHYUN!"
--
"Kyaaaaaah! Nandyan na ang E.X.O.!"
Agad na pumalibot sa amin yung mga babae at inabot yung mga regalo nila sa amin.
"Kai! Kai! Tanggapin mo 'tong regalo kong boxer sayo. Limited edition yan"
"Salamat baby." Nakangiting sabi ni Kai sabay kindat dun sa babae. Tss. Babaero talaga 'tong batang to.
"Kris! Please accept my gift to you."
"I don't want. The gift wrapper is not galaxy design. That's not my style." walang ganang sagot ni Kris. Ha! Akala nyo ako na ang pinakamaarte no? Hangga't nabubuhay si Kris, pumapangalawa lang ako sa pinakamaarte pero nangunguna sa pinaka-manly.
"Tao! Binilhan kita ng Gucci oh."
"Salamat" kinuha agad ni Tao yung Gucci at sinuri. "Ayoko na pala. Hindi original 'to eh." Tsk tsk -.-
"Xiumin! Yung kamukha mo oh. Sana magustuhan mo." Masayang kinuha ni Xiumin yung baozi at agad na nilantakan. Ang takaw talaga 'tong matandang 'to.
"Sehunnie! Ginawan kita ng Bubble Tea oh." Psh. Mas masarap ang Bubble Tea ko. Amp.
"Thalamat." Kinuha ni Sehun yung Bubble Tea at tinikman. Lumukot yung mukha niya. "Yak. Hindi matharap. Math matharap pa rin yung kay Hyung." Ha! Sabi na nga ba eh. Mas masarap talaga yung sa akin.
"Suho! Sana magustuhan mo 'to kahit cheap." Magugustuhan niya yan. Magugustuhan niyang itapon yan.
"Salamat." ngumiti si Suho.
"Lay! Binilhan kita ng isang box ng Memory Plus Gold. Para hindi mo na makalimutan yung pangalan ko."
"Salamat p-pero ano nga pala pangalan mo? Nakalimutan ko eh" Napakamot ng batok si Lay habang yung babae ay napa-facepalm.
"D.O! Niregaluhan kita ng kitchen knife. Sana magustuhan mo." Napa-D_____O si D.O. sa regalo sa kanya nung babae. Malaki na nga yung mata nung tao, mas lalo pang pinalaki.
"Bacon! Bacon! Binilhan kita ng eyeliner na iba't iba ang kulay. Sana magustuhan mo."
"Salamat pero ilang beses ko bang kailangan sabihin na BAEKHYUN ang pangalan ko hindi BACON. Pero salamat pa rin sa eyeliner."
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanfictionWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry