OMG!!! Konti nalang mag-1k reads na tayo 😭😭 labyu guys thank you~~~
Anyways, sino pupunta ng TRB?
--
Chapter 20< Namjoon's POV >
"Luhan kami! Luhan kami! SI LUHAN MANANALO!!!" Buong lakas na pinaglalaban ni JK at Taehyung. Sila pa nga ang unang naghulog sa box. At isang himala na hindi 500 ngayon ang hinulog nila. 1.5k yun.
"Robi" - Yoongi
"Me too. Robi" - Jimin
"Robi." - Seok
"Robi rin ako." - Hoseok
Lahat sila naghulog ng 2k. Naglabas ako ng 3k.
"Hala lahat kayo Robi. Hyung." Napatingin ako kila Taehyung at JK. Agad agad silang nag-aegyo.
"Hyung! Kay Luhan hyung ka please. Hyung~" - JK
"Bbuing bbuing~~~~~~~" - Taehyung
"Sorry guys. Kay Robi ang pusta ko." Hinulog ko yung 3k ko. Sigurado kasi akong matatalo si Luhan. Sa mukha pa lang niya, wala na. Talo na. Napakainosente kasi.
"Hmp. Sige. Pag nanalo si Luhan hyung, wala kayong libre sa amin."
Pinaupo ko na silang lahat sa kanilang pwesto at sinabi kay Hoseok na simulan na ang laban. Unang sumugod si Robi. Napangiti ako. Mukhang tama ang desisyon kong kay Robi pumusta.
Umilag si Luhan nung sinuntok siya ni Robi. Sinuntok ulit siya at umilag nanaman siya. Paatras ng paatras si Luhan habang si Robi ay pinapaulanan siya ng mga suntok.
"Puro ilag at atras naman 'tong si Luhan." Rinig kong komento ni Yoongi.
"LUHAN HYUNG!!! SUNTUKIN MOOOOOOO!!! WAG KA PURO ILAG!!!!" Napatingin ako kila Taehyung. Halos lumabas na lahat ng kalamnan niya kakasigaw.
"Sht. Taehyung hyung, nakorner na siya. Paano na yan?" Lumingon ako sa underground. Nakorner nga ni Robi si Luhan dahil nakasandal na sa pader si Luhan. Ngumisi muna si Robi bago nagpakawala ng malakas na suntok pero nailagan yun agad ni Luhan. Kaya imbis na kay Luhan lalanding ang suntok na yun eh napunta sa pader.
"AWWWWWWWWWWWWW!!!!" Sigaw ni Robi nung nasuntok niya yung pader.
"Damn. Ang sakit nun." Napangiwi ako. Kinuha ni Luhan ang chance na tumakbo palayo kay Robi.
"YEHEY! GO LUHAN!! GO LUHAN!!!" Sige lang, JK at Taehyung. Magcelebrate lang kayo. Hindi pa tapos ang laban.
Sinugod kaagad ni Robi si Luhan at nailagan nanaman niya ito pero kaagad na hinawakan ni Robi yung kwelyo ni Luhan. Susuntukin na niya dapat pero biglang tumigil yung kamao niya.
"Teka? Ba't ganun? Anong nangyayari kay Robi?" Tanong ni Hoseok.
"Hindi ko alam." Yan lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Biglang akong napatayo. Tama ba yung nakita ko? Parang umilaw saglit yung tattoo ni Luhan.
"Nakita nyo yun?"
"Ang ano?" Nagtatakang tanong ni Yoongi. Muli kong tiningnan yung kamay ni Luhan pero hindi na umiilaw yung tattoo niya.
"Ah wala." Napailing nalang ako. Baka namalikmata lang ako. Bumalik nalang ulit ako sa upuan ko at pinanuod ang laban.
Bigla nalang binitawan ni Robi si Luhan at napatingin sa kamay niya. Umiling iling siya tsaka tumingin kay Luhan. Pagkatingin niya kay Luhan ay saktong sinapak siya neto at sinipa sa future niya. Lahat kami ay napa-awww. Hindi na ata kinaya ni Robi ang sakit sa future niya kaya bigla nalang siyang natumba.
Napatayo ako nung natumba si Robi. Shet. Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng matalo ni Luhan si Robi. Shit ang laki ng pinusta ko tapos mapupunta lang sa dalawang bugok na yun. Arrgggh.
"PANALO KAMI!!! PANALO KAMI!!!!!!! WHOOOOOOO!!" Dali daling tumakbo si JK at Taehyung kay Luhan at binuhat ito.
*****
< Luhan's POV >
"Luhan at Taewon." Napalingon ako kay Namjoon. Pinalapit niya kami sa kanya.
"Kayong dalawa, hindi pa kayo opisyal na miyembro ng Bulletproof dahil maglalaro pa kayo ng Survival Game. Kung sino sa dalawa sa inyo ang mananalo, siya ang magiging bagong miyembro ng Bulletproof. Sige. Pwede na kayo makauwi."
Tatalikod na dapat siya nung tinawag ko siya kaya nilingon niya ako. "Pwede bang maki-CR? Maglalabas lang ako ng sama ng loob." Sabi ko sabay himas sa tiyan ko. Tinuro niya yung restroom nila nung nagets ko na ay nagpaalam na ako sa kanya at dali daling tumakbo sa restroom nila. Hindi ko na talaga kasi kaya. Kanina habang nakikipaglaban ako kay Robi 'to nagparamdam eh. Pinipigilan ko lang talaga kasi nakakahiya naman magkalat duon sa underground no.
Matapos kong malabas lahat ay naghugas na ako pati rin kamay ko. Nadala na ako eh. Lumabas na ako ng restroom nila. Napatigil ako sa paglalakad ng may nahagip akong tao sa peripheral view ko. Nilingon ko iyon pero wala naman. Nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Pagkalabas ko sa lobby nila, nakasalubong si Taehyung at Jungkook.
"Luhan hyung! Sama ka sa amin." Masayang aya ni Jungkook.
"Saan?"
"Kahit saan. Ililibre ka namin. Marami kaming pera ngayon oh." Pinakita sa akin ni Taehyung yung hawak hawak niyang box na may laman na pera na nasa 10k pataas.
"Ano? Sama ka? Tara!" Hinila nila ako sa kotse nila.
< 3rd person's POV >
Hindi niya pinansin ang text sa phone niya. Dali dali siyang pumasok sa lobby habang ang lahat ay nasa underground at nanunuod ng laban ni Taewon at Gil. Pumunta kaagad siya sa underground para makinuod. Pumwesto siya sa tagong lugar para walang makakita sa kanya. Hindi niya masyadong pinanuod ang laban ni Taewon at Gil kasi hindi naman iyon ang pinunta niya rito kundi iba.
Nung magsisimula na ang laban ni Robi at Luhan, buong atensyon niyang pinanuod ito. Napapabulong siya ng tanga dahil sa puro ilag ni Luhan.
"Duwag ka talaga." Mahinang komento niya.
Nung makorner ni Robi si Luhan, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nung susuntukin na ni Robi sa Luhan, halos mapasigaw siya ng ilag pero pinigilan lang niya ang sarili niya para walang makarinig sa kanya. Laki ang pasasalamat niya nung umilag si Luhan. Medyo nabawasan na ang kaba na nararamdaman niya.
Nung matapos ang laban at nanalo si Luhan, nanatili siya sa pwesto nya hanggang sa makaalis ang lahat sa underground. Nung wala na siyang makita na tao sa underground, umalis na siya.
"Himala, natalo niya yun kahit ganun siya katanga. Tss."
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanfictionWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry