< Annika's POV >
Paulit ulit kong pinipindot yung pen ko kasi nabobore ako sa klase namin ngayon. Ang boring kasi pakinggan yung boses ng prof namin. Nagdrawing nalang tuloy ako ng kung anu ano."Ouch." Lumingon ako sa likod ko dahil may nagbato sa akin ng papel. Nakita ko sa peripheral view ko si Luhan na naghahand gesture kaya tumingin ako sakanya.
"Basahin mo yung binato ko sayo." He mouthed. Kumunot naman yung noo ko sakanya. Ano nanaman problema niya? "Just read it." This time bumulong na siya ng malakas pero hindi maririnig prof namin. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ko kunin yung papel at binasa.
May alam ka bang gang na nangangailangan ng gwapong member? :3
Srsly? Anong pumasok sa isip niya at nagtatanong siya ng ganito?
"Why?" I mouthed to him.
Pumilas siya ng isang papel sa notebook niya at nagsulat duon. Pagkatapos niyang magsulat, kincrumple niya yung papel at binato papunta sa akin. Natamaan pa nga niya yung katabi ko kaya napatawa ako ng konti. Kinuha ko yung binato niya at binasa.
Basta. Mamaya ko sasabihin. Sige na. Please. :33
Magsusulat palang dapat ako sa papel na binato niya kaso may biglang kumuha nun. Magmumura na dapat ako kaso napatigil ako kasi pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko ang prof namin na nasa harapan ko at binabasa yung nakasulat dun sa papel.
"Basta. Mamaya ko sasabihin. Sige na. Please... Hmm. What is this Ms. Medrano? A love letter from Mr. Lu? How sweet." Naghiyawan lahat ng blockmates ko. Nararamdaman ko na nag-iinit yung mukha ko. Buset. "Mamaya na kayo maglambingan. Maraming kayong oras mamaya." Tumalikod siya sa akin at lumakad papuntang board. Itinuloy na niya ulit yung lesson niya.
Argh. Napahiya ako sa klase. Kasalanan 'to ni Luhan eh. Tsk.
***
< Luhan's POV >
"Annika. Baka may alam kang gang?"
"For what?" Umagang umaga nag-susungit 'tong si Nerd. Kahapon pa nga niya ako sinusungitan. Ewan ko ba kung bakit. Siguro nainis sa akin nung nahuli kami ng prof namin na nagsusulatan sa isa't isa kahapon.
Kahapon ko pa nga siya kinukulit tungkol sa dun pero ayaw naman nya akong sagutin ng maayos. Iiling lang siya tapos aalis. Tsk.
"For Aprhodite nga. Sige na." Ayan nanaman siya. Iiling tapos aalis pero this time hinawakan ko yung wrist niya bago siya umalis. "Please~"
Tiningnan niya ako sa mata. Ahh! Baka papayag na siya. Yes yes yes!
"A-yo-ko." Marahas niyang tinanggal yung kamay ko sa wrist niya at umalis. Bigla akong nalungkot sa ginawa niya.
Sabi niya tutulungan niya ako pero hindi naman pala. Tsk.
Pumunta ako sa parang meeting place namin. Nakita ko si Kris dun na busy magbasa ng libro. Nilapitan ko siya at tinabihan.
"Yo yo yo man~" nag-bro fist kami.
"Problema?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at umiling.
"Ano yang binabasa mo?"
"How to be a Bulletproof Man." Huh? Weird title huh.
Bigla akong napaisip sa librong binabasa ni Kris. Bulletproof.. Bulletproof. Bulletproof? Hmm. Bulletproof...
Biglang may nagform na bulb sa taas ng ulo ko.
"Aha! Thanks Kris! Ang galing mo talaga" dali dali akong lumabas sa room na yon at kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Dinial ko yung number niya.
[ Yeoboseyo? Hmm. Oh? Bakit ka napatawag ]
"Pwede ba tayong magkita mamaya?"
****
< Annika's POV >Nababaliw na ba siya? Well, mukha nga. Sasali siya ng sa gang dahil gusto nung Aphrodite na yun. Grabe naman yung babaeng yun, napakademanding tapos si Luhan naman napakauto uto. Tss. Alam ba niya kung gaano kadelikado ang sumali sa mga gang gang? Siguro hindi kasi tanga yun eh.
"Annika!" Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Err? Sino 'to? Lumapit siya sa akin. Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
"High five!" Tinaas niya ang kanang kamay niya. Nakatingin lang ako dun. Sino ba siya? FC ah.
Biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay nakakunut na ang noo niya. Unti unti niyang binaba yung kamay niya.
"Sino ka?" Napataas siya ng kilay sa tanong ko pero bigla rin siyang ngumiti.
"Hindi ako sinuka. Inire ako ng nanay ko." Tinalikuran ko siya at umalis. Walang kwenta. Tss.
"Huy. Joke lang. Annika!" Napatigil ako at nilingon ko siya. Tumakbo siya papunta sa akin.
"Hindi ko talaga ako kilala?" Umiling ako. "Ay. Ako si Mark. Mark Tuan. Remember?" Tinuro turo niya yung sarili niya.
Eh? Hindi ko siya maalala.
***< Luhan's POV >
Narinig kong bumukas ang pintuan kaya napalingon ako dun. Yes. Dumating siya.
"Yo! 'Sup, hyung." Nakipag-bro fist siya sa akin bago siya umupo.
"Buti dumating ka, Jungkook.""Yep. Mukha kasing importante yang sasabihin mo, hyung." Inayos niya yung cap niya at sumandal sa upuan niya. Grabe. Ang cool talaga nila. Astig.
Tumango ako "Diba may gang kayo?" Paninimula ko. Tumango siya sa akin bilang tugon.
Biglang may pumormang ngisi sa labi niya "Gusto mo bang sumali?" Tumango ako. "Bakit mo gustong sumali?" biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Sasabihin ko ba yung totoo na kaya ko gusto sumali kasi gusto ni Aphrodite? Huminga ako ng malalim. "Ang astig kasi eh. Hehehe" mas mabuti na wag ko na lang sabihin.
"Tanong ko kay pinuno kung pwede."
"Kay Namjoon?"
"Hindi ah."
"Diba siya leader nyo?" Umiling siya sa akin. Eh? Sino pala leader nila?
"Hindi si Namjoon hyung ang pinuno namin. Iba 'no."
"Sino?"
"Secret. Hahaha! Malalaman mo pag nakasali ka na." Ngumisi siya.
Nakakacurious naman yung pinuno nila. Sino kaya yun?
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanfictionWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry