Chapter 11

199 7 0
                                    

a/n: Nabubulok na 'tong story ko. Kailangan na ng update. hahaha! Anywys, eto na~ Salamat sa paghihintay :*

P.S. Sorry kung sabaw ang update. T-T

-----

Chapter 11:

The First Attack

< Annika's POV >

Nilapag ko yung mga libro ko sa locker ko. Phew. Pampabigat lang kasi sa bag ko. Habang inaayos ko yung mga libro ko ay may nakita akong papel na nakatupi sa gilid ng locker ko. Kinuha ko yun at binuklat.

Kamusta Ms. Medrano? Doing good ba? Wag kang masyadong magpetiks petiks lang dahil baka maulit nanaman yung nangyari dati.

Tss. Kincrumple ko yung papel at tinapon sa basurahan. Walang kwenta.

Sinara ko na yung locker ko at dumiretso na sa klase ko. Wala naman masyadong nangyari sa klase ko. Mabilis lang nagdaan ang oras dahil break na namin agad.

Dumiretso ako sa garden para dun magbasa ng The Catastrophic History of You & Me. Habang naglalakad ako papuntang garden ay mga humarang sa akin na apat na lalaki.

"Hi Annika. Kamusta kayo ng babe mo?'' sino ba 'tong mga 'to?

"Excuse me." sabi ko para makadaan na ako. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na mangyayari sa binabasa ko. Nagsisimula na kasi maghiganti si Brie kay Jacob.

"Gusto ka pa namin makausap eh."

"Pwes ako, ayoko kong makausap kayo kaya excuse me." tinry kong makalabas sa harang nila pero hinawakan nung nasa gitna yung braso ko. Napakahigpit ng hawak niya kaya napangiwi ako.

"Sa lahat ng kilala kong nerd, ikaw ang pinakamatapang. Tingnan natin kung hanggang saan yang tapang mo." Marahas niyang binitawan yung kamay. Napatingin ako sa paligid ko. Kung hindi lang talaga maraming tao... Tiningnan ko nalang siya ng masama.

"Ano? Lalaban ka ha?" sabi nung nasa gilid.

Magsasalita palang sana ako nung biglang may umakbay sa akin. Siya na naman?

"Oy kayo! May problema ba kayo sa kaibigan ko?" maangas na tanong ni Kai dun sa apat na lalaki. Pasiga siga pala 'tong si Kai. Bagay sa kanya dahil sa kulay niya.

"Tanungin mo yang Nerd na yan. Tss." tiningnan ako ng masama nung nasa gitna bago sila umalis. Dukutin ko yung mata niya eh.

Tinanggal ni Kai yung braso niya sa akin. Pansin ko lang, napapadalas ang pagakbay sa akin netong mga nakaraang araw.

"Bakit ka nila hinarang ng mga yun? May atraso ka ba sa kanila?"

"Malay ko. Tsaka wala akong atraso sa kanila." pagpapaliwanag ko. Totoo naman eh. Sa pagkakaalam ko talaga wala eh.

"Ay nga pala. Busy ka ba mamaya? Kung hindi ka busy, pwede pang pafavor?"

"Sige. Ano ba yun?"

"Pasama mamaya sa pagbili ng mga 'to. Hindi ko kasi alam kung saan makakahanap nyan." pinakita niya sa akin yung nga listahan na bibilhin niya mamaya. Hindi naman masyadong marami yung bibilhin niya kaya pumayag akong sumama sa kanya.

"Salamat ha, Annika. Sige una na ako. May klase pa ako eh. Bye." nagwave siya sa akin bago umalis.

Dumiretso na ako sa garden. Gusto ko na talagang basahin yung binabasa ko. Umupo ako sa isa sa mga bench dun. Kinuha ko yung libro ko sa bag ko at nagsimula nang magbasa.

Sa buong break namin, nagbasa lang ako. Buti nga walang tao dito sa garden. Walang sagabal. Naintindihan ko lalo yung story.  Nung nagbell na, inayos ko na yung gamit ko at dumiretso sa susunod kong klase.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon