Chapter 12

240 6 0
                                    

A/N: Ka-ekekan lang 'to ni Nica. XD

Nica x JM moment muna tayo. Yieeeeeeeeeeeee! ♥u♥

---

Chapter 12:

Operation: Ibalik ang LuNika

< Annika's POV >

Tahimik kong binuksan ang gate. Nanuod pa kasi ako ng TFIOS kaya ginabi ako ng uwi kaya dapat wag gumawa ng ingay. Baka marinig ako ng kapatid ko at sermonan ako ng bongga.

Nagtiptoe ako habang lumakad papunta sa pintuan ng bahay namin.

Dahan dahan. Ayokong makarinig ng sermon ngayon. Dahan dahan. >_<

Ayan. Nakarating ako sa harap ng pintuan namin ng tahimik. Yehet~!

Binuksan ko na yung pintuan namin.

*eeek*

Napahinto ang sa pagbukas. Aish. Ang ingay ng pintuan. Baka marinig ako ng kapatid ko. >_<

Dinahan dahan ko yung pagbukas para hindi makagawa ng ingay. Nung naka pasok na ako, dahan dahan ko ring sinara iyon.

Nagtiptoe ulit ako papunta sa kwarto ko.

Pero aakyat palang ako ng stairs ay biglang bumukas ang ilaw sa sala.

Oops. Patay. >________<

Dahan dahan akong umikot. Yung parang sa mga koreanovelas. Yung mga arte na iikot ng mabagal pag nahuli. Ganun. Ganun ang peg ko ngayon.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" seryosong tanong ni Nica na nakaupo sa couch at nakacross arms pa.

"Ano.. Kasi.." Paano ko ba sasabihin eto? Aish naman. >_<

"Nagdate ba kayo ni Luhan?" nanlaki ang mata ko tinanong ni Nica. Luh. Pag nalate ng uwi, nakadate ko si Luhan agad? Hindi ba pwedeng gumala lang ako kung saan. -_-

Hindi pa ako nakakapagsalita ay umariba nanaman ang bibig ni Nica.

"Ayiiieee! Bakit hindi mo lang tinext sa akin na nagdate pala kayo? Dali upo ka dito sa tabi ko. Kwentuhan mo ko sa nangyari sa date nyo." kinikilig na sabi ni Nica. Wala na akong nagawa kaya umupo nalang ako sa tabi niya.

"Kwento na." huh? Ano ikekwento ko? Eh hindi naman kami nagdate ni Luhan.

"Hindi kami nagdate ni Luhan."

"Weh? Deny deny ka pa dyan kapatid. Kwento mo na." Eh hindi naman talaga kami nagdate. Ang kulit naman netong si Nica.

"Matutulog na ako. Bukas nalang, Nica." sabi ko bago umakyat sa kwarto ko. Nakakapagod 'tong araw na 'to tapos kukulitin pa ako ni Nica. Hay nako.

****

< Nica's POV >

Ang sungit talaga ni Annika. Tapos ayaw pang magkwento tungkol sa date nila ni Luhan. Paano na ako makakapagupdate sa blog ko tungkol sa Love Adventures Of LuNika? T-T Marami pa namang sumusubaybay sa love team nila. Buong universe naghihintay ng update tungkol sa kanila. Pati aliens kinikilig sa blog ko tungkol sa kanila.

Baka naman wala nang LuNika? Waaaaaah! Hindi pwede yan! Mapapakanta ang lahat ng No No No ng APink at N.O ng BTS.

Kailangan makaisip ako ng paraan para magkabalikan ang LuNika! Pero ano ba ang dahilan kung bakit sila nagbreak? Ah! Baka dahil dun sa Aphrodite! Yung babaeng yun! Hindi kaya sila bagay ni Luhan. Ang pangit ng kalalabasan pag pinagsama yung pangalan nila. LuhAphro? Hahaha! Ang bantot. Mas maganda pakinggan ang LuNika. Ang cute kasing cute ko. >:D

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon