Chapter 9

233 5 0
                                    

Chapter 9:

Meet the E.X.O and their Fangirls

< Annika's POV >

Wow. Ang ganda ng umaga ko. Grabe. Kasi naman, pagkatapak na pagkatapak ko dito sa BWCW University, eh automatic na lahat ng students dito ay nakatingin sa akin. Yung parang pinapanuod nila bawat galaw ko. Tapos may kasama pang bulungan na rinig na rinig ko naman. Kulang nalang bigyan ko ng mic para makalat nila nationwide.

Nako nako. Ano bang problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng tulad kong nerd? Eh araw araw naman nila akong nakikita. Ano ba talaga ang problema nila sa akin lalo na sa mukha ko? Parang diring diri kung makatingin lahat sa akin eh. Nagsalamin naman ako kanina at wala akong nakitang kadiri diri naman. Hay bahala na nga. Baka trip lang nila yan. Psh.

Dumiretso na ako sa klase ko dahil konting oras nalang eh magbebell. At yung pagkapasok ko, ayun. Nakatingin pa rin sa akin lahat. Sige lang. Tingnan nyo lang ako. Maganda yan talaga. Magandang gawain yan. -.-

"Eh napakapanget naman niya. Ang laki ng eyeglass tapos nakabrace pa. Total nerd." - girl 1

"I know right." - girl 2

Wow. Sila na nga 'tong nakikitingin sa mukha ko, sila pa 'tong malakas manglait. Hindi nalang sila magthank you kasi hinayaan ko silang tingnan 'tong mukha ko. You're welcome guys. You're welcome. Hindi naman mga kagandahan. Mas maganda pa kapatid ko senyo eh. Kakapal. Pwede na silang pumalit sa mga dala kong libro.

Buong klase, rinig na rinig ko pa rin yung bulungan nila. Mas malakas pa nga kesa sa boses ng prof eh. Ge. Lakasan nyo pa para madetention kayo.

Pagkatunog ng bell ay inayos ko na agad yung bag ko. Pagkalabas ko ay nakatingin pa rin sila sa akin. Pero ngayon may mga hawak na silang newspaper ng school.

"Photoshop lang yan oh! Halata naman." sabi nung girl at tumingin sa akin

"Sabagay." sang-ayon naman nung mga kasama niya.

Ano naman kinalaman ko sa mga nakalagay sa newspaper? Aish. Makapunta na nga lang sa garden. Atleast dun peaceful hindi katulad dito.

Umupo ako sa isa sa mga bench sa garden. Whoooo~ So freshing. Parang nestea lang. Bottomless ang katahimikan. kekeke

"Sissy! Sissy!" Katahimikan ang gusto ko. Hindi kapatid ples lang.

"Sis! You need to check this out." tumabi siya sa akin at pinakita yung nakalagay sa headline ng news paper.

He's Dating The Campus Nerd

Luhan, one of the members of E.X.O., dating Annika Medrano, the Campus Nerd? Legit?

Photos below confirmed that they are really dating.

May tatlong pictures kami doon ni Kitty Guy. Yung una, yung sinandal ako ni Luhan sa puno. Nakatingin kami sa isa't isa nun. Para kaming maghahalikan kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pwe. Yung pangalawa naman, yung nakaakbay siya sa akin at nakangiti kami sa isa't isa. Oh wait. Scratch that. Nakafake smile kami sa isa't isa. Pero kung titingnan mo eh parang ang sweet sweet namin. Yung pangatlo naman, yung tumatakbo kami sa mall na magkahawak kamay. Grabe naman yung nagpicture neto. Nakakabilib kasi mukhang naglalakad lang kami imbis na tumatakbo. Baka nga photoshop 'to.

"Sis. Bakit hindi mo nakwento sa akin 'tong mga nangyari dito sa pictures. Nakakatampo ka." tapos nagpout siya sa akin. Cute pero nakakasawa. Hard ba? Sorry naman.

''Pero ang sweet nyo ha. Yan ba ang dare dare lang?" tiningnan ko siya ng masama. Grabe talaga mang-asar 'tong si Nica. Nasaan na ba kasi si JM para matahimik na 'tong kapatid ko

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon