Chapter 4:
The Mysterious Knife
< Luhan's POV >
Ang tagal naman mag-7pm. Bwiset kasi yung matandang prof na yun. Gusto 7pm pa kami umuwi.
6:56pm na. Maghihintay pa ako ng 4 minutes. Hay hay. Buti nalang talaga manly ako.
Biglang tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino nagtext. Baka kasi si Aphrodite yung nagtext.
From: Xander Panget
Ihatid mo si Annika pauwi ha. Pag hindi mo ginawa yun alam mo na. May nakabantay sa inyo kaya hindi ka makakalusot sa amin
Inhale. Exhale. Konti nalang talaga mapapatay ko na 'tong panget na 'to.
"Hoy ihahatid kita sa inyo. Sagot mo pamasahe ko ah."
Fok. Hindi man lang siya nag-oo o hindi. Ni hindi man lang ako tiningnan. Aba. Snob 'tong nerd na 'to ah.
Maya maya ay biglang inayos na ni Annika yung mga reviewers. Yes! 7pm na! Makakauwi na ako. Pero langya, ihahatid ko pa pala 'tong nerd na 'to.
Inunahan ko na siyang lumabas sa room. Wala namang sinabi si Xander na sabayan ko siya. Ang sinabi lang niya ay ihatid ko siya. Yun lang.
Teka. Saan ba bahay netong nerd na 'to?
"Hoy nerd! Saan ba bahay mo?"
"Ay? Akala ko alam mo na eh kasi nangunguna ka. -.-" sabi niya sabay irap. Ba. Lakas ng loob netong irapan ako ah. Pero nyeta. Basag ako dun ah. (=_=)7
"Tss." Lumapit ako sa kanya at sinabayan na siyang lumakad.
"Ayan na po mahal na prinsesang NERD. Happy?" Binigyan ko sya ng isang ngisi.
Nagsimula na siyang maglakad at sinabayan ko lang siya.
Teka. May nararamdaman akong kakaiba. Parang may mangyayaring masama eh. At parang may nakatingin sa amin. Siguro mga tao lang yun ni Xander. Pero iba talaga yung kutob ko eh. Parang parang..
Hinila ko kaagad si Nerd at isinandal sa punong katabi lang namin.
Sinundan ko ng tingin kung saan galing yung hunter's knife. Isang lalaking nakablack ang tumatakbo palayo.
Sabi na nga ba may mangyayaring masama. Buti nalang naligtas ko 'tong Nerd na 'to.
***
< Annika's POV >
Naramdaman ko naman na may magtatapon ng knife sa akin dahil kanina pang may sumusunod na lalaki sa amin. Nararamdaman ko nang mangyayari yun. Inaasahan ko na yun. Pero hindi ko inaasahan na ililigtas niya ako.
Nakatingin lang ako sa napakaperpektong mukha niya habang siya ay nakatingin sa direksyon kung saan nanggaling yung kutsilyo. Ang ganda niya. Walang halong biro. Ang ganda niya talaga. Pfft. Bakla ata 'to eh.
Nagulat ako ng biglang tumingin siya sa akin. Napatingin ako sa mata niya. Err? Ang weird. Parang kumikislap kislap yung mata niya.
"Ayos ka lang?" Tumango ako sa tanong niya. Ang weird. Bakit nag-aalala 'tong Luhan na 'to?
Binitawan na niya ako.
"Halika na. Baka balikan pa tayo ng ugok na yun."
"Teka lang." Hinanap ko yung hunter's knife. Hindi pwedeng mawala yun.
Ayun! Nahanap ko na! Yes.
Kinuha ko yun at pinagmasdan.
"Anong gagawin mo dyan?" Nilingon ko si Luhan. Shet. Kailangan ko mag-isip ng palusot para hindi siya makahalata.
Think Annika. Think! Bakit ba sa mga ganitong oras eh hindi makaisip ng maayos 'tong utak ko.
Aish. Bahala na nga si Batman.
"Ah ano. Ipapasuri ko 'to sa mga pulis para makulong yung may gawa neto."
"Ah. Push mo yan."
Niyaya na ako ni Luhan na umuwi sa bahay dahil late na rin. Baka daw marape siya ng mga baklang rumarampa sa daan -.-
Tahimik lang kami habang pauwi sa bahay ko. Walang nagsasalita sa amin pero naririnig ko na parang may masakit kay Luhan. Mahina siyang umaaray. Gusto ko sana siyang tanungin pero nahihiya ako. Baka sabihin pa niya may crush ako sa kanya. Asa siya =_=
"Manong dito nalang po." Bumaba na ako at binayaran yung pamasahe ko.
"Hoy! Ililibre mo ko ng pamasahe diba. Bayaran mo ko oy!"
"Tss. Eto na." Kumuha ulit ako ng sampo sa wallet ko at ibinigay kay Manong. Ang kuripot naman netong Luhan na 'to. Balita ko mayaman naman 'to eh. -.-
***
< Luhan's POV >
Bumaba na ako ng tricycle. Okay palang kasabay pauwi si Nerd eh. Nanlilibre ng pamasahe. Sa susunod nga sa kanya nalang ako sasabay. Makakatipid pa ako eh.
Pagkabukas ko ng pintuan eh bumulaga sa akin ang magulo at makalat na sala. Jusko po. -.-
"Luhaen! Bakit ngayon ka lang?" Salubong sa akin ni Baekhyun na may hawak na junkfoods. Kaya tumataba 'tong lalaki na 'to eh. Puro maaalat ang kinakain.
"May hinatid lang ako." Tinapon ko kung saan yung bag ko at umupo sa couch. Phew. Nakakapagod 'tong araw na 'to.
"Naks naman! Ang Luhan natin nagbibinata na. Si Aphrodite yung hinatid mo no?" Asar sa akin ni Chanyeol. Binato ko siya ng unan sa mukha.
"Oo nalang." Sana nga. Sana nga si Aphrodite yung hinatid ko. Hindi yung nerd na yon.
***
< Someone's POV >
"Ano ang nangyari?"
"Nakailag po siya." Tsk tsk. Sabi na nga ba at makakailag ang isang yun.
"Bakit siya nakailag?" Takang tanong ko sa tauhan ko. Kailangan ko malaman kung bakit siya nakailag.
"Iniligtas po siya nung isang lalaki." Isang lalaki? Nakakapagtaka. Sino ang lalaking iyon?
"Pero sigurado po akong nadaplisan yung lalaki." dagdag pa niya.
"Yun lang?"
"May nakita po akong punit na papel. Nalaglag po niya ata ito." Inabot niya sa akin ang isang lukot at punit na papel. May mga nakasulat dito.
sabado. 3pm, magkita tayo sa mall
Sabado. 3pm. Pero saang mall?
"Sundan nyo siya sa sabado ng 3pm. Hintayin nyo ang tawag ko para sa gagawin nyo. Maliwanag?"
"Opo."
"Makakaalis ka na." Yumuko muna siya sa akin bago lumabas ng opisina ko.
Kailangan kong mabura yang lalaki na yan sa landas ko para magawa ko na ang plano ko. Plano ko para wasakin siya.
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanfictionWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry