Chapter 8

217 4 0
                                    

Chapter 8:

The Head of the Family

< Annika's POV >

"Sis! Twinsis! Gising!" inalog alog ako nung gumigising sa akin.

"Hmmm. Hanuba." ungol ko. Ayoko pang magising eh. Inaantok pa ako.

"Sis naman eh. Gising ka na." Naramdaman kong pinagpapalo na ako ng kapatid ko ng unan.

"Ahh... Hmm."

"Ginagahasa ka ba sa panaginip mo? Or may ginagawa kayong milagro ni Fafa Lulu sa panaginip mo? Ikaw ha! Byuntae ka!" Agad akong napadilat sa narinig ko. Nabuhay ang katawan lupa ko dun ah.

"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo, Nica." sabi ko sabay upo sa pagkakahiga.

Hinarap ko si Nica "Ano bang kailangan mo?" walang ganang tanong ko.

"Magkwento ka tungkol sa nangyari kahapon dali!" excited na sabi ni Nica.

"Inaantok pa ako Nica. Mamaya nalang pwede?" Humiga ulit ako para matulog. Inaantok pa talaga kasi ako. Tapos napagod pa ako kakatakbo kahapon. Nako. Pag nakita ko ulit yung mga unggoy na yun, ipapadala ko na sila sa jungle.

Goodnight world.

"Mamaya dadating si Daddy."

Napaupo agad ako sa narinig ko. Tama ba yung rinig ko? Dadating si Daddy?

"Ano?" tanong ko para ulitin ni Nica yung sinabi niya.

"Mamaya dadating na si Daddy."

"Is it real?" laking matang tanong ko.

"Nesfruta! Real na real~!"

Nako po. Eto nanaman tayo sa--

"Dan dan dan dalandan~ Dan dan dan  sarap na real~ Lasap na lasap~ real na real~ real na real~ Dan dan dan dalandan~"

*facepalm*

At nag-wiggle pa siya sa huli. Pwede na siyang magdouble kay Kendra. Gayang gaya niya yung boses eh. -.-

"Haha! Ayos ba sis?" nagthumbs up siya. Tumango nalang ako.

"Nagising ang diwa mo no? Hihihi. Dali kwento na." napa-sigh ako sa kabaliwan ng kapatid ko.

"Nagpabili siya sa akin ng rubix cube na HK. Tapos kumain kami sa Foodcourt. Tapos nanuod kami ng sine. Tapos..." napahinto ako. Kailangan ko pa bang sabihin rin yun?

"Tapos?"

"Tapos! Yun. The end. Tulog na ulit ako ha." Humiga ulit ako at pinikit yung mga mata ko.

"Ah. Oh my gosh. So romantic naman. Hay~"

Romantic romantic. Anong romantic dun? Pwe. Makatulog na nga lang. Mas okay pang makipaglandian sa unan kesa sa Kitty Guy na yun.

--

Lumabas ako ng kwarto ko. Kitang kita sa loob ng bahay namin na lahat ng maids ay busy na busy sa pag-aayos dahil dadating si Daddy ngayong gabi.

"Excited ka na ba sa pagdating ni Dad?" Liningon ko yung kapatid ko.

Tumango ako sa tanong niya. "Anong oras siya dadating?"

"I'm not sure eh pero maybe dinner nandito na siya."

Ilang oras nalang makikita ko ulit si Dad. Ilang oras nalang masasabi ko na sa kanya ang kailangan sabihin. Magsisimula na uli ang tunay na laro.

Pumasok nalang ulit ako sa kwarto ko. Umupo ako sa bed ko. Napatingin ako dun sa knife sa bedside table ko. Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

Kung titingnan mo yung knife eh parang ordinaryong knife lang. Pero hindi ito basta basta dahil itong knife na 'to ay marami nang napatay.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon