Chapter 15

233 4 1
                                    

Alam kong hindi magkamukha o magkahawig si Suzy at Seohyun. Haha. Wala lang. Trip ko lang silang gawing kambal. Hahaha. Imaginin nyo nalang na magkamukha sila kahit hindi. Hahaha

Sorry natagalan ^_^v

Sana magustuhan nyo~

----

Chapter 15:

LQ daw

< Annika's POV >

Ngayon na yung Quiz Bee. Pero hindi naman na ngayong ngayon. Mamayang hapon pa. Pero lintek lang kasi kinakabahan na ako ngayon. Baka kasi mawala ako sa pagiging focus kakakulit sa akin ni Luhan. Matalo pa kami.

Pag talaga natalo kami, sisisihin ko si Luhan poreber hanggang sa makonsensya siya.

Inayos ko yung salamin ko at tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Ang tanga talaga ng mga tao. Hindi man lang nila napapansin na kakambal ko Nica. Tss.

Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na sa dining para kumain. Syempre, ako lang kakain mag-isa kasi for sure ay natutulog pa rin si Nica. Dinadama ang bawat sandali na magkasama sila ni JM sa panaginip niya.

Si Dad naman, ayun busy sa trabaho niya. Si Mommy naman, wala na siya.

"Oh Annika, ang aga mo naman." bungad sa akin ni Manang nung nakita niya akong nakaupo sa dining chair.

"Hindi na kayo nasanay sa akin, manang." nagsimula na akong kumain.

Habang kumakain, nagrereview ako. Hindi halatang pinaghahandaan ko no?

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa BWCW. To be honest, hindi ko alam ang ibigsabihin ng BWCW. Malay ko ba kung ano meaning nun. Basta may natututunan ako sa kanila, ayos na yan.

Wala pang masyadong katao tao sa BWCW. Mga iilan lang. Inagahan ko talaga ang pasok ko para wala akong masalubong na Luhan, Kai o kahit ano pang alien. Kailangan nakafocus ako ngayon.

Buti at wala nga akong nakasalubong na epal. Yes naman oh. Thank you Lord!

Habang hindi pa nagbebell, pumunta muna ako sa garden para makareview. Alangan naman kasing magreview ako habang naglalakad. May mabangga pa ako tapos aawayin ako nung nakabangga ko. Paano ko nalaman yon? Wala lang. Napanuod ko sa mga koreanovelas. Malay mo mangyari diba? Kaya mas mabuti nang sigurado.

Umupo ako at binuklat ang makapal na librong hawak ko. Nagsimula na ulit akong magreview.

Sa totoo lang, nareview ko naman na 'tong nirereview ko eh. Nireview ko lang ulit para sure talagang wala akong makalimutan sa mga 'to.

Napatingin ako sa relo ko. 6:38 na pala. Kaya pala dumadami na ang mga tao sa paligid at umiingay na. Ganitong oras kasi ang natural na pasok sa amin. Mga 6am kasi ako pumasok. Kakabukas pa lang nga nun ng gate ng campus eh.

Eto rin ang oras na paglabas ng school's newspaper. Araw araw silang naglalabas ng ganun. Dun kasi nilalagay ng mga miyembro ng SC ang mga upcoming activities ng school. Pati rin naman ng mga ang trending chu chu. Minsan nga kung anu ano nalang nilalagay nila dun para may mailagay lang.

Pero ang pinakatinututukan ng lahat dyan ay ang Headline. Dun kasi nila nilalagay yung mga rumor issue, dating, shocking happenings etc.

Kahapon, BaekYeon ang headline eh. Naging sanhi yun ng pag iyak ng maraming kababaihan at binabae ng BWCW.

Kung naalala nyo pa, naging headline din kami ni Luhan. Walang kwenta naman yung article tungkol sa amin kasi nagbase lang sila sa mga photos na nakuha nila. Marami tuloy ang naniwala kaya lahat ng mga fans kuno nila eh ang sama makatingin sa akin.

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon