Chapter 17

140 4 0
                                    

Sorry kung matagal. Sorry po T_T

--
< Luhan's POV >

"Bakit hindi kayo umattend ng Quiz Bee? Saan kayo nagpunta? Nagdate kayong dalawa no?" Sunod sunod na tanong ng dean namin.

Sasagutin ko na dapat siya kaso inunahan na ako ni Annika.

"Hindi po kami nakattend ng Quiz Bee kasi po naabutan po kami ng heavy traffic nung papunta na kami. Nung pagkarating po namin duon ay finals na ng Quiz Bee. Nakakahiya naman po kung sasali pa kami dun kahit finals na diba po. Tsaka hindi po kami nagdate." Napatingin ako kay Annika. Bakit siya nagsisinungaling?

Magsasalita dapat ako kasi inapan kaagad ni Annika yung paa ako. Tiningnan ko kaagad siya ng masama at tumingin lang siya sa akin ng walang expression.

"Psh. Sayang naman ang Quiz Bee. Sige. Pwede na kayong makaalis sa opisina ko." Pagtataboy sa amin nung Dean. Wth. Bakit siya naniwala sa sinabi ni Annika? Dapat malaman niya ang totoo.

"Pero Sir!--" sasabihin ko dapat ang totoo kaso bigla akong hinila ni Annika palabas office.

"Bakit ka nagsinungaling?"

"Dahil yun ang tama." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya sa akin at umalis. Tama? Anong tama dun?

Biglang may tumakip sa mata ko gamit yung kanyang kamay. Aish. Ano nanaman 'to? Hinawakan ko yung kamay nung tumakip sa mata ko.

"Sino 'to?"

Narinig ko siyang nag-giggle kaya napangiti ako. Tinanggal niya yung kamay niya kaya humarap ako sa kanya. That smile. Ang sarap sa feeling sa tuwing nakikita ko yung ngiti niya.

"Tara. Kain tayo." Hinila niya ako papuntang canteen. Tutal gutom na rin ako kaya nagpahila nalang ako sa kanya. Kumuha kami ng pagkain at umupo sa isa sa mga tables. Nagkwentuhan kami ng kung anu ano hanggang sa magbell.

***

< Annika's POV >

Tinalikuran ko siya at pumunta sa canteen. Hindi pa ako nakakain ng breakfast kaya kumukulo na ang tiyan ko. Habang papunta ako dun ay nakasalubong ko ang magaling kong kapatid.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa inyo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Oh shit. Saan niya nabalitaan yun? Wala dapat nakakaalam nun. Sh*t.

"A..ang ano?"

"Yung hindi nyo pag-attend ni Fafa Lulu ng Quiz Bee at nagdate." Parang nagform ng heart yung dalawa niyang mata. "OMG. Kayo talaga oo."

"The heck?"

"Wag kang mag-alala, sissy. Hindi ako magagalit sayo kahit hindi ka umattend ng Quiz Bee basta nagkaroon kayo ng time ni Fafa Lulu, ayos na yun sa akin." Kumindat siya sa akin.

Napailing nalang ako sa mga pinagsasasabi ng kapatid ko. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kaja! Threat ko dahil sailing ang barkong LuNika." Kahit naiirita ako sa kanya dahil sa pinagsasasabi niya, sumama pa rin ako dahil libre daw. Sayang naman eh.

Humanap ako ng mauupunan namin habang siya ay kumukuha ng pagkain. Habang hinihintay ko si Nika, nahagip ng mata ko si Luhan kasama si Aphrodite. Nagtatawanan sila at masayang nagkwekwentuhan. Ano ngayon kung masaya sila? Tss.

Feeling ko nabadtrip bigla ako. Ewan ko ba pero bigla akong nabadtrip. Baka umaatake ang mood swing ko.

"Bakit nakabusangot yang mukha mo?" Tanong ni Nika pagkadating niya sa table namin.

"Wala." Tumingin ako sa ibang direksyon.

"Wala daw. Asus." Bigla namang lumingon lingon si Nika na parang may hinahanap. "Ohmygawd. Mukhang alam ko na kung bakit ka badtrip." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa direksyon nila Luhan.

"Hindi no! Hindi sila ang dahilan" napataas bigla yung tono ng boses ko.

"Huli ka! HAHAHAHAHA Si Annika, nagseselos~"

"Shut up." Sh*t. Ang ingay niya.

"Si Annika, nagseselos~ nagseselos~ nagseselos~"

"Bahala ka nga." Kinuha ko yung bag ko at umalis sa canteen. Mas lalong akong nabadtrip. Tss.

***
<Luhan's POV>

"Uy! Annika! Binibiro lang naman kita eh. Uy. Annika!" Napatingin ako sa nangingibaw na boses sa canteen. Teka. Yun yung mataba na pisngi yun ah. Tsaka nandito si Annika? Sinundan ko ng tingin yung sinusundan niya. Oo nga. Si Annika nga.

"Luhan. Psst." Bumalik yung atensyon ko kay Aphrodite. "May problema ba?" Napalingon si Aphrodite sa tinititigan ko kanina pero tumingin kaagad siya sa akin kasi nawala na sa canteen sila Annika.

"Wala. Wala. Hahaha. Ano ulit yung sinasabi mo?" Pag-iiba ko.

"Kako ang cool magkaroon ng boyfriend na gangster."

"Gangster?" Tumango siya sa akin. "Paano naging cool yun?"

Nagshrug siya "Basta. Nacoocoolan lang ako. Someday sana magkaroon ako ng boyfriend na gangster." Bigla akong napalunok. Ibig ba niyang sabihin eh gusto niya akong maging gangster?

"Bakit naman gusto mo?"

"Wala lang. Dagdag pogi points and astig points yun para sa akin."

**kriiiiiiiiiiiing**

"Oh. Nagbell na. Hatid na kita sa klase mo." Pag-aaya ako sakanya.

"Sure. Thanks." Hinatid ko siya sa next class niya at nagpaalam sa kanya. Pumunta na rin ako sa next class ko. Habang naglalakad ako, hindi maalis sa utak ko yung sinabi niya kanina. Kung yun ang gusto niya, gagawin ko.

Pero kaya ko kaya? /gulp/

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon