MAY INSTA NA RIN SI LULU!!!!! WAAAAAH!!!!!
------
Chapter 6:
The Kitty Guy and his Rubix Cube
< Annika's POV >
Sabado ngayon. Ang araw ng date "kuno" namin ni Luhan. Pwe.
"Dapat maging maganda ka sis para mafall na totally sayo si Luhan. Waaah!" Nilagyan niya ako ng blush on. Ano ba yan.
"Bakit ba kailangan ko pang magmake up? Hindi ba pwedeng pulbos nalang?" Kumuha ako ng tissue at binura lahat ng kolorete sa mukha ko.
"Para maganda ka sa date ninyo ni Fafa Lulu. Ano ba yan. Wag mo ngang burahin sis. Pinaghirapan kong make up-an ka eh." At nilagyan niya ulit ako ng blush on. Eeeh! Ayoko ngang magmake up eh. Mukha akong clown.
"Ohmygosh. I can't believe na magdadate kayo ni Luhan FOR REAL. Akala ko sa imagination lang mangyayari yan." Nag-giggle pa ang kapatid ko. -.-
"FOR DARE kamo!" Kumuha ulit ako ng tissue at binura ulit yung make up. Ayoko talaga yang mga make up make up na yan.
"For real or for dare, magdedate pa rin kayo. Pucca naman Annika eh! Wag mong burahin." Nilayo ni Nica yung tissue sa akin. Amp naman oo. Aish. Sabi nang ayokong minamake up-an ako eh.
At ayokong makadate yung may mabahong kamay na yun.
"Ayan! Tapos na. Light make up lang naman yang make up mo kaya wag ka nang magsungit dyan."
Inabot nya sa akin yung salamin. Tsk Wala namang pinagkaiba eh. Ganun pa rin. -_- Buburahin ko na nga lang 'to mamaya.
*tok tok*
"Ma'am Annika, may naghahanap po sa inyo."
"Okay po Manang." sigaw ko pabalik kay Manang.
"Oh my gosh! Baka si Fafa Lulu na yan. Waaaaaaah!"
Hala. Sa pagkakaalam ko eh ako yung may lakad, eh bakit mas nauna pang bumaba 'tong kapatid ko? Oh edi siya nalang kadate nung amoy tae na yun.
Pero diba sabi ni Luhan magkita daw kami sa mall. Sino kaya yung naghahanap sa akin sa baba?
At saang mall yung sinasabi ni Luhan? Asdfghjkl. Eh ang dami dami kayang mall sa Manila. Lilibutin ko ba ang buong manila para mahanap kung nasaang mallsiya?
Aish. Ang gara naman ni Luhan. Ano akala niya sa akin? Si Madam Auring para hulaan kong nasaan siya? =_=
Bumaba nalang ako para malaman kung sino yung naghahanap sa akin. Naratingan kong nakastatwa yung kapatid ko. Ano bang peg niya? Si Mc Arthur sa leyte?
Ay. Kaya naman pala na istatwa si Kambal. Si JM pala yung naghahanap sa akin.
"Oh JM. Bakit ka nandito?" Lumapit ako sa kapatid ko at palihim na kinurot.
"Ouch." Bulong niya. Pa-ouch ouch pa.
"Tapos ko na kasing basahin 'tong The Lost Hero kaya ibabalik ko na sayo. Salamat Annika ha." Inabot niya sa akin yung libro.
"Wow. Ang bilis ah. Haha. Walang anuman."
"Sige. Salamat ulit. Alis na ako. Bye Annika. Bye Nica." Ngumiti sya sa amin at umalis na.
Napasinghap si Nica nung pagkaalis ni JM.
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!" nagtatalon si Nica paikot sa sala.
Tss. Wala na. Kinilig na si Kambal.
Kinuha ko na yung bag ko. Baka kasi patayin talaga ako ni Luhan pagnalate ako. Hahanapin ko pa tuloy kung saang mall yung sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanficWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry