Chapter 14

195 7 0
                                    

Hello~ Sisingit nanaman ako. Hahahaha

Dedicated sayo eonnie/dongsaeng :) Salamat sa pagvote. Pinasaya mo ko sa votes mong sunod sunod. Tenkchu~ :* ilabyou na. HAHA ≧﹏≦ Sana magustuhan mo :))

--

Chapter 14:

Pretty Please

< Annika's POV >

"Tulungan mo kong manligaw. Please." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong kalokohan yan ha?"

"Seryoso ako, nerd. Sige na. Please. Tulungan mo naman na ako oh." pinagdikit niya yung dalawang palad niya at nagpout pout. Bakit ba sa tuwing POV ko may mga nagpapout? Nakakasawa na ho.

"Bakit ba?"

"Pinayagan na kasi ako manligaw ni Aphrodite kaso hindi ko alam kung paano ko sisimulan manligaw." Gago pala 'to eh. Manliligaw pero hindi alam kung papaano. Parang hindi lalaki naman 'tong si Luhan.

"Ano ngayon?"

"June **, 20**"

-_-"

Binuksan ko nalang ulit yung librong binabasa ko at nagbasa ulit. Ayokong mainis ngayong araw. Masyado nang nakakastress ang mga nangyayari ngayong araw.

"Hoy Nerd."

Wag mo siyang pansinin, Annika. Wag mong pansinin kahit anong mangyari. Kahit na maglupasay siya dyan.

"Nerd naman eh. Wag mo kong isnobin ngayon."

Lalalalala~ Wala akong marinig~ Hmm~ Hmm~ Hmm~ Basa~ Basa~

"WHAT THE HELL?!?" napasigaw ako sa ginawa niya. Bwiset. Kitang nagbabasa ako tapos biglang sinara yung librong binabasa ko at tinapon nalang kung saan. Argh.

"QUIET!!" Kitang kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa amin ng masama yung librarian.

"Quiet daw. Shh~" nilagay ni Luhan yung hintuturo niya sa labi niya at ngumuso. Nagpoker face lang ako.

"Tulungan mo na kasi ako please."

"Ayoko."

"Pretty please?~"

Aish. Ang kulit naman 'tong si HK guy. Sinabi nang ayoko eh.

Hindi sa nagseselos ako kaya ayaw ko siyang tulungan--at hinding hindi ako magseselos. Never! Hindi rin dahil sa wala akong alam sa panliligaw. May alam naman ako kahit wala pang nanliligaw sa akin. Nalaman ko yun sa mga librong binabasa ko. Sadyang ayaw ko lang talaga tulungan 'tong si Luhan.

Eh ano naman kasi ang mapapala ko pagtinulungan ko si Luhan diba? Wala naman. Wala. Mahal ang talent fee ko no.

Umiling ako sa kanya. Tatayo na dapat ako sa upuan ko kaso pinaupo niya ulit ako gamit ang pagbaba ng balikat ko.

"Sa gusto at gusto ko, hindi ka tatayo hanggat hindi ka pumapayag."

"Utot! Tatayo ako kung gusto ko. Gusto ko nang tumayo kaya tatayo na ako." inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at tumayo na. Aalis na dapat ako kaso pinigilan ako ni Luhan. Hinawakan niya ng mahigpit yung wrist ko. Sinubukan kong pumiglas sa hawak niya kaso mas lalong humigpit yung hawak niya.

"Pumayag ka na kasi. Hindi naman mahirap tulungan ako diba?"

"Bibitawan mo ko o hindi kita tutulungan."

BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon