Chapter 16.2
< 3rd Person's >
"WAAAAH! TAKBO!!" Dahil sa taranta ni Luhan, tumakbo na siya habang hawak ang kamay ni Annika. No choice na rin si Annika kaya tumakbo na rin siya.
"HOY! ANONG TINATAYO-TAYO NYO DYAN? HABULIN NYO!!" utos ng pinuno ng Dark Luck sa alagad niya. Tumakbo na rin sila at hinabol sila Luhan.
Nakalabas na sila Luhan sa abandunadong factory pero hindi pa rin sila nakakalayo sa mga kumidnap sa kanila kaya patuloy pa rin sila sa pagtakbo. Lumingon si Annika sa likod niya. Nakita niya na hinahabol sila ng buong Dark Luck kaya binilisan niya ang pagtakbo.
"Hoy Nerd! Ang bilis mo masyado. Pagod na ako eh." Reklamo ni Luhan.
"Wag ka nang umarte dyan. Malapit na nila tayong mahabol."
Lumingon si Luhan para tingnan kung totoo ang sinasabi ni Annika. Nanlaki yung mata niya sa nakita niya, hindi mabilang sa kamay kasama paa ang humahabol sa kanila. Binilisan na rin niya ang pagtakbo.
"Ayoko pang mamatay~"Napa-tss si Annika sa reaksyon ni Luhan nung makita niya kung gaano kadami ang humahabol sa kanila ngayon.
< Now playing: Danger by BTS >
Napatigil sila sa pagtakbo ng biglang may pitong lalaking humarang sa kanila. Tinitigan ni Luhan ang 7 lalaking nasa harap niya. Lumipat yung tingin niya sa mga humahabol sa kanila ni Annika nung marinig niya ang mga padyak neto. Palipat lipat ang tingin ni Luhan sa grupong nasa harap at likod niya samantalang si Annika ay nakatitig lang sa grupong nasa harap nila.
Bumulong si Luhan kay Annika. "Ano nang gagawin natin?"
Hindi sumagot si Annika sa tanong ni Luhan. Nakatitig pa rin siya sa pitong lalaki. Siniko ni Luhan si Annika pero kahit siniko na niya ito ay nakatingin pa rin siya sa pitong lalaking nasa harap nila.
Humakbang ng dalawa yung naka-blonde sa pitong lalaki. Ngumisi siya sa Dark Luck. Lumipat ang tingin ni Luhan sa mga lalaki sa likod nila ni Annika. Nakangisi din yung pinuno ng Dark Luck doon sa pitong lalaki. Binalik ni Luhan ang tingin niya dun sa nakablonde.
'Mga kasabwat ata 'to ng mga panget.' Sabi ni Luhan sa isip niya.
"Long time no see, Dark Luck." Maangas na sabi nung naka-blonde. "Nawala lang kami ng 1 linggo, yumabang na kayo. May ipagyayabang na ba kayo?" Biglang sumeryoso yung mukha nung naka-blonde.
"Oo. Makikita nyo ngayon din."
"Let the game begin." Seryosong sabi nung naka-blonde
Kumunot yung noo ni Luhan. Medyo naguguluhan siya sa pangyayari ngayon. Bubulong palang dapat si Luhan kay Annika pero nagulat siya ng bigla siyang tinulak neto. Sumubsob tuloy siya sa lupa.
"Wtf? Bakit mo ko ti--" hindi niya na tapos yung sasabihin niya dahil sa nakikita niya ngayon.
Nakikita niya kung paano magbasag ulo ang pitong lalaki at ang Dark Luck. Napanganga siya sa napapanuod niya ngayon. Kung dati ay sa tv lang siya nakakakita ng ganun, ngayon ay live na live pa.
Knock out na lahat ng miyembro ng Dark Luck except sa kanilang leader. Susuntukin na dapat nung nakablonde yung leader ng Dark Luck pero nagbago isip niya. Ngumisi siya. Pinorma niyang baril yung kaliwang kamay niya at tinutok ito sa noo nun at binaril. Kahit na kunwari lang na baril yun ay nahimatay yung pinuno ng Dark Luck. Nagsimulang magtawanan yung pitong lalaki.
Tumayo si Luhan at lumapit kay Annika. Inilahad niya ang kamay niya kay Annika at inabot naman ito ni Annika.
"Halika na." Tatakbo na dapat sila kaso biglang nagsalita yung nakablonde.
"Aalis na kayo, agad? Hindi manlang kayo magpapasalamat?"
"Salamat. Pwede na kaming umalis?"
Umiling kay Luhan yung isang lalaki "Hindi pa. Hindi sapat ang salamat. Kailangan nyong sumama sa amin."
"Saan?"
[end of song]
***
< Luhan's POV >"LET'S CELEBRATE WHOOOOOOO!!" Nagcheers kaming lahat at uminom except kay Annika. KJ talaga niya kahit kailan.
"Whoo. Sarap." Sabi ni V pagkatapos niya maubos yung iniinom niya. Bigla niya akong inakbayan.
"Tol, matanong kita, bakit nga pala kayo hinahabol ng Dark Luck kanina?"
Nagshrug ako "Hindi ko din alam." Inubos ko yung iniinom ko.
Nasa isang club kami ni Annika kasama yung pitong lalaking kanina. Sabi nila mga gangster daw sila. Bulletproof Boys daw ang pangalan ng kanilang grupo.
"Luhan." Tumingin ako kay Annika.
"Umuwi na tayo." Bulong niya.
"Mamaya na."
"Bahala ka nga. Basta ako uuwi na."
"Sige. Ingat."
**
< Annika's POV >
"Sige. Ingat." ngumiti siya sa akin.
*dug dug dug dug dug* *dug dug dug dug* *dug dug dug*
Weird.
Tumalikod ako sa kanya at lumabas na ng club. Pumara ako ng taxi at dumiretso ng uwi. Pagkadating ko sa bahay, pumunta ako kaagad sa kwarto ko at humiga sa kama. Napahawak ako sa dibdib ko.
*dug dug dug dug* *dug dug dug dug* *dug dug dug dug*
May sakit na ata ako sa puso. Hindi naman kasi pwedeng inlove ako. Napakaimposible.
Huminga ako ng malalim. Ipinikit ko yung dalawang mata ko. Dumilat ako kaagad nung bigla kong naimagine yung mukha ni Luhan na nakangiti.
What's happening to me?
Napahawak ako sa collar bone ko. Wait. Kinapa kapa ko yung leeg ko. Nawawala yung necklace ko. Yung necklace na bigay sa akin ni Mom.
BINABASA MO ANG
BWCW University: He's Dating the Campus Nerd [ON-HOLD]
FanfictionWelcome to BWCW University. [ON-HOLD] sorry