Pao's Pov:
"Oh? Okay ka lang." Sabay hawak ko ng kamay niya. Lumingon naman sakin si Michiko at niyakap ako.
"Di ko na alam. Huhuhuhuhu...... A-ang hirap" Sabi niya sakin habang humahagulgol.
"Relax. Tahan na, ikwento mo sakin. Dali, makikinig ako." Mga minuto at tumahan na rin.
"Kinausap kase ako ni Ronel." Sabi niya, sabay iwas ng tingin.
"Tapos?"
"Tinanong niya'ko kung mahal ko pa daw siya."
"WHAT?! AFTER NG GINAWA NIYA SAYO?"
"Heey. Sit down.."
"Argh. So anong sinabi mo?"
"I said.... No."
"Tapos?"
"Binigay niya sakin'to." Sabay harap nung phone niya. "Basahin ko daw yan."
"Ei ba't ka naman umiyak?"
"Sabi niya. Para sakin daw yun. At nagsisisi na siya."
"Then?"
"I walked out."
"NGE? ANO BA NAMAN YAN! Tumahan ka na nga lang, ang babaw lang pala iiyak na ei :3. Maghilamos ka na at matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas."
----------------------------
Michiko's Pov:
Papunta kami ngayonsa Blue Lagoon ng PagudPod. Swimming daw, di ko alam kung maeenjoy ko lalo na't may something sa tropa namin. Naisip ko na sana di na lang sumama si Jeffrey o si Ronel. Buti na lang din dito ako sa front seat umupo kase nagkakantsawan sila sa likod. Di ko pinapakinggan pinagsasabi nila, nakatingin lang ako sa bintana. Pero yung sinabi ni Kent at Elgin ang nakaagaw pansin sakin.
"Ba't parang ang tahimik no?" Elgin.
"Parang merong di nagpapansinan ei," Kent
"Oo nga'no. Uy Pareng Jeffrey kamusta? Ang tahimik niyo namang dalawa, di man lang kayo mag-uusap?" Elgin.
"Uyy'Ron. Baka mapanis laway niyo yan." Sabay tawanan silang dalawa. Napatingin ako sa kanila sa likod. At tumingin naman sila Pao at Nyah sakin. Mga ewan talaga, pinagtabi silang dalawa.
1 hour daw ang byahe kase medyo malayo-layo daw ang Chineck-in naming hotel. Tingin ko malapit na rin kami kase may mga dagat ka ng makikita mula sa bintana. Ang bluuuueeee. Di kagaya sa manila na green, brown, pag blue naman halos kalahati lang ata o'kaya sa gitnang part na lang yun ng dagat. Ano na kayang nangyayari kayna Kage dun pa sa isang van?
Napangiti ako. Sigurado akong masaya yun magkatabi sila ni Abie, Hahaha. Bigla namang nagbeep ang phone.
From: Pao'Labs<3
Why smiling?
To: PaoLabs<3
Naalala ko lang si Kage. Hahaha :)
Tapos tingin ako sa kanila sa likod. Tumango naman siya. "Nandito na po tayo" Sabi ni Kuya Driver. Papasok pa lang sa reasort ang ganda na..... Kita mo yung ibang taong nagbabad na, yung iba naman naglalaro.
Bumaba na kami ng sasakyan, nagkatitigan kami ni Jeffrey at nag-nginitian. Tapos hinila na ako ni Nyah. Kami ang mag-aayos sa entrance. 12345 years, natapos na rin at tuluyan na nga kaming pumasok sa Blue Lagoon, ang ganda dito. Sariwang hangin ang daming mga hunk :"> Mga yummy. Joke :P Madami ding naka-bikini.
Pumili muna kami ng place, at ayun ako lang pala ang naiwang tulala dito. At nandito si Jeffrey sa tabi ko.
"Ayos ka lang?"
"Ah'oo. Nasan na sila?"
"Ayun oh." Saby turo niya. Nag-aayos na pala sila. Mga ilang minuto din at nagkaroon ng katahimikan samin.
"Di ka man lang nagkwento tungkol kay Ronel." Sabi niya na nakyuko. Buti na lang tinawag na kami ni Kage. Kung di, di ko talaga alm ang isasagot ko.
Okay ah. Ayos na ang lahat, lahat sila nandun na sa Beach. Mga mukhang bata. Ang sweet nina Pao at Karl. Buhat buhat ni Karl si Pao tapos akmang ibabato sa dagat. Haha :0 Ako lang nandito. Ayoko pang bumabad.
"O'ba't di ka pa pumunta dun?" Nagulat ako. Si Nerdy pala.
"Ah, wala lang, Ang init pa masyado. Ei'ikaw?"
"Wala ka pa dun ei." Ayyt :">
"A-ah'O-okay..." Tapos katahimikan uli.
"Mahal mo pa ba siya?"
"Ang drama naman Nerdy. San mo yan natutunan? Dahil yan siguro sa mga pinagbabasa mong libro no? :P"
"Seryoso ako." Ramdam ko tono ng boses niya. Ang seryoso...
"Ah'oo. T-tingin k-ko kase.. Di mo na yung kailangan pang malaman"
"Kahit sino pa bumalik sa past mo, di parin ako susuko. Oo nga isa akong Nerd, mga mahihina. Pero sa ganitong pagkakataon kailangan kong maging matapang at malakas. Kahit... Wala pa'kong alam sa ganto." Sabi niya in low voice.
"Alam mo? Pumunta na lang tayo dun. Kase kanina pa nila tayo tinitignan'oh!" Tumingin naman siya at ngumiti. Totoo naman ei. XD
-------------------------
Someone's Pov:
Mabuti nga't nakausap ko siya nun. Sabi ko na nga't di na tulad ng dati, lalo na't may bagong pumasok sa buhay niya. At Jeffrey pang yan. Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nawala sakin, pero ngayon nagsisisi na'ko.
At ngayon nakikita ko pa silang magkausap. Parang seryoso, kinabahan ako na baka tuluyang mawala sakin si Michiko. Kailangan ko ata talaga tong gawin. I want her back. At di ako papayag na mapupunta siya sa lalaking yun.
Papunta na sila dito samin at hawak hawak pa ni Jeffrey'ng yun ang kamay niya at nagtatawanan. Binasa sila ni Pao. At ako di ko malayo ang tingin ko sa kanila. Lalo na sa kanya. Nahuli niya'kong nakatingin sa kanya, at di kagay ng dati na ngingitian niya'ko, yuyuko lang siya. Argh!!!
Dahil tingin kong na'o-OP na'ko. Sumisid na'ko at lumangoy di ko alam kung nasan na'ko wala na'kong marinig na boses. At pag-ahon ko malayo-layo na pala ako sa kanila. Ako lang nandito. At suddenly may lumapit saking babae na kinabigla ko.
"You alone?"
"Nope. Nandun sila'oh." Sabay turo ko. Tumingin naman siya.
"Ow. Looks like you have a problem. Huh?"
"Meron nga." Parang kilala ko'tong babaeng'to di ko lang alam kung anong pangalan niya.
"I think it's about that girl and that Boy.. Err. Michiko and company. I hate them soooo much." Napantingin naman ako sa babaeng katabi ko ngayon.
"Kilala mo si Michiko? Sino ka ba?"
"Sino ako? Di na yun mahalaga. May idea ako, gusto mong mapasayo siya diba? We can help each other."
"Bakit? May gusto ka ba kay Jeffrey?"
"Nope. At di ko rin siya type. I just hate her and her friends. My past. They broke my dignity. I can really help you. Come let's talk."
Auhtor's Note: Da who itong girl na'ito? May eeksena sa magtotropa! 0_0
BINABASA MO ANG
Must love a N.E.R.D(Zayn Malik&Perrie Edwards) ON HOLD
FanfictionDescribe a NERD: May istura: DEPENDE Matalino: OO Sikat: SA KAHIHIYAN Mahina: PANIGURADO Iyakin: OO Palakaibigan: HINDI Mabait: DEPENDE Marunong magmahal: HINDI TORPE: OO! Pero di ko inakalang lahat ng yan biglang babaliktad~