Author's Note: May panghuhugutan ako sa chapter na'to :|
~
Kage's Pov:
Tang-na alam niyo yung mood namin at ngiti namin kanina ni Abie biglang nawala? Dahil dito sa bungad na si Ronel na nakahiga sa sahig na hawak hawak ang labi niyang duguan at itong si Jeffrey naman na naka-aksyon na balak suntukin uli si Ronel pero pinipigilan siya ng mga Lalaki.
"Anong nangyari dito?" Sabi ni Abie na nakakunot pa ang nuo.
"Tumayo ka nga dyan Ron. Alam niyo imbes na magsaya tayo dito----"
"Pwede bang tumahimik ka na lang?" Sabi sakin ni Michiko na kinabigla ko naman. Pagkasabi niya nun umalis rin siya.
Tinignan ko sina Pao, ayun umiiling. Si Nyah di umiimik, naku po! Kilala ko'tong mga'to pag ganyan sila. Sina Tintin, nakatitig lang. Yung mga lalaki napapakamot na lang ng ulo. Parang lahat dismayado, misan lang kami lumabas na magkakasama tapos ganto ang mangyayari? Ano na bang nangyayari? May kailangan ba kaming malaman lahat?
-------------------
Michiko's Pov:
Siguro nasa isip niyo ngayon kung anong nangyari dito sa cottage. Balak ko ikwento sa kanila kaso ewan nawala nanaman ako sa mood ko.
*Flashback*
Katabi ko nun si Nerdy, kinukulit-kulit niya'ko. Pero sa kakulitan niyang yun naalis ang sakit ng ulo ko. Akalain mo na maalis niya. Haha.
Ang totoo niyan naiinis parin ako sa kanya. Kaya panay oo'hindi lang sinasagot ko sa kanya. Ang dami niya kaseng tanong. Kaazar. Pag di ako sasagot baka isipin na umiiwas talaga ako, ayoko pa kasen sabihin yung nakita ko. Gusto ko na siya mismo ang magsabi kahit inis na inis na inis na inis na talaga ako.
"Hoy Ronel!" Sigaw ni Nerdy kay Ronel na papalapit sa cottage napatingin ako kaagad kay Ronel, nahagilap rin naman niya ang mata ko at ngumiti. Tumingin sakin si Nerdy, kaya naging dahilan yun para maalis ang pagkakatingin ko kay Ronel.
Di ko inaasahan ang sunod na nangyari.
Nakita ko na lang si Ronel na nakabagsak sa sahig. Tumayo ako agad, di ko rin inakala na marunong pala manuntok ang mga Nerdy. Kala ko kase libro lang ang hawak nila lagi. Nilapitan ko agad si Ronel at gusto ko siya itayo. Buti na lang dumating na sina Pao at balak pa sana siyang suntukin ni Nerdy kaso inawat na siya nina Elgin.
*End of flashback*
Wrong timing na good timing kase. Ang wrong timing kase: Tatanong ko sana kung bakit sinuntok ni Nerdy si Ronel. Ang good timing naman napigilan nila si Nerdy. Ako naman'tong naasar sa di k alam na dahilan. -.-
Nasagot ko pa si Kage na kadadating lang na kasama si Abie. Umalis na lang ako at gusto ko muna mag-isa. Parang gusto ko na nga umuwi ei, hanggang sa napagod na'ko maglakad at umupo na lang ako sa may tabing dagat. Gabi na rin pala.
Ang daming pumapasok sa isip ko, kung bakit ganto ang nangyayari samin. Di kaya dapat di na lang sumama sina Nerdy at Ronel? Ang tanga ko rin kase ei. Tsk'Tsk.
-----------------------
Nagising na lang ako nang nararamdaman kong nagvavibrate ang cp ko. Tinignan ko kung sino tumatawag si Pao pala. Sinagot ko naman. Nasan daw ako at bumalik na daw ako sa cottage kase kakain lang daw kami tapos babalik na sa hotel at doon mag-uusap'usap. Kinabahan ako bigla.
Naglalakad na'ko pabalik ng makita ko nanaman si Ronel may ksama atang babae? Pinagmasadan kong mabuti siya ngayon pero di ko nanaman mamukhaan ang babaeng'to. Feeling ko rin na nakita ko na yung babaeng yun.
BINABASA MO ANG
Must love a N.E.R.D(Zayn Malik&Perrie Edwards) ON HOLD
FanfictionDescribe a NERD: May istura: DEPENDE Matalino: OO Sikat: SA KAHIHIYAN Mahina: PANIGURADO Iyakin: OO Palakaibigan: HINDI Mabait: DEPENDE Marunong magmahal: HINDI TORPE: OO! Pero di ko inakalang lahat ng yan biglang babaliktad~