Chapter 23:

87 3 0
                                    

Forget the past? or Love the past?

Author's Note: Everyday UD. Keep voting :)))) 

Michiko's pov:

Kanina ko pa hinahanap si Ronel, kakain na kase kami. San na napunta yun? Bigla na lang kase siya nawala nung pagdating namin ni Nerdy sa kanila. Haaay. Nanaman? Naku. Nakakapagod na ang gantong sitwasyon. Tsss. Habang naglalakad di ko magawang di sipa-sipain ang mga buhangin. At di rin maiwasan ng kaba ang nararamdaman ko. 

"Ooopsss. Sorrry." Ayan. Epekto ng nakayuko habang naglalakad at feel na feel ang pagsipa sa buhangin.

"Oww'Miss. Look where are you going." Napatingin naman ako. Yummy to ah. Kaya medyo natagalan ang tingin ko sa kanya. "Heey?" Sabay my kumakaway-kaway sa mukha ko. "You okay?"

"Yea. Sorry. Bye." Di na sumagot yung si Kuyang yummy. At patuloy akong naglakad.

Ba't kase ako pa kailangan maghanap sa lalaking yun? Tssss. Ito nanaman, kawawang buhangin. Di ko alam pero parang pamilyar sakin yung boses na naririnig ko mula dito. (O_O ) ( O_O) Lingon dito, lingon doon. Ayun nahanap ko rin ang boses nakatalikod ang babae at may kasamang lalaki.

TEKA NGA LANG!! Parang pamilyar sakin tong dalawang'to. Lumapit pa'ko unti. At nagtago sa coconut tree. Medyo malapit na'to pero parang naramdaman nila ako at umalis sila sa kinauupuan nila.

Napaisip ako bigla at inaalala ang boses ng babaeng yun...NO! DI PWEDE. DI MAARI. BAKIT? ANONG GINAGAWA NIYA DITO?

-------------------

"Oh nandyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay." Bungad sakin ni Pao. Ayun na rin pala si Ronel kausap sina Elgin at si Jeffrey naman nag-Cr daw. Tumango lang ako. 

"Okay ka lang?" Tumango lang ako at ngumiti. Dismayadong itsura naman ang binalik sakin ni Pao. 

"Kain na tayo." Yaya ko.

Habang kumakain syempre sumali ako asa mga trip nila, sumakay kumbaga ayokong magpahalata. Ganun din si Nerdy, si Ronel? Ayun madalang lang. Di rin siya mapakali ei. Lingon ng lingon. Tang-ina, kinakabahan ako. Ewan, biglang bumilis tibok ng puso ko.

"Ahmm. Ronel? May hinihintay ka ba?" Sabi ni Kage. Di lang pala ako ang nakapansin. "Kanina ka pa kase lingon ng lingon, nakakairita." dagdag niya. Umiling lang siya. Sabay alis, tapos na daw siyang kumain. Tinignan ko naman siya. 

"Anong oras tayo uuwi?" 3pm pa lang yun na agad tinatanong niya.

"Kararating lang natin. Mga 12 midngiht siguro. Walang uwi-uwing tanong! I-enjoy lang natin'to!" Sabi ni Kage. Kahit kailan talaga. Hahaha. Tuamngo na lang siya, at umalis na. 

"O'san ka pupunta?" Tanong ni Michelle.

"Sa lugar na walang demonyo." Tumahimik naman kaming lahat. 

"Walang demonyo? Ei, demonyo ka nga ei." Sabi ni Nerdy. Tumingin naman kaming lahat sa kanya, sinabi niya yun na di man lang nakatingin kay Ronel. At nakangiti pa. "Kung ano man yang binabalak NIYO. Wag NIYO ng ituloy di porket nerd ako di ako lumalaban. GoodLuck na lang" Nanlaki ang mata ni Ronel. Idiniin kase ni Nerdy ang salitang NIYO. Anong meron? 

"O at san ka rin pupunta?" Sabi ni Nyah. 

"Sa lugar na walang mala-anghel." Mga ilang segundo. "Ayy. Nga pala, kung gusto mo'ko sapakin. Lumapit ka'oh. Habang di pa ako nakakalayo." Dagdag pa ni Nerdy habang naglalakad palayo samin. Di makagalaw si Ronel sa pwesto niya at parang di ko madescribe ang itsura ng mukha niya.

Mga ilang segundo din at umalis na si Ronel. Pagkatapos ng senaryong yun wala ng umimik samin. Nagsi-alisan na rin ang mga lalaki maghahanap na lang daw sila ng mga babae. Parang makabawas ng stress. Haha. Di parin sila nagbabago lalo na si Elgin.

Sina Aleah, TinTin, Kiah, Abie naman nandun na rin sa may pangpang nagpipicture-picture niyaya nila kami pero susunod na lang ang sinabi namin. Di nila ako kinikibibo, di rin sila kumikibo. Parang may pader sa gitna namin. At tipong may badbreath kami kaya hindi kami nag-uusap. 

"Okay lang yan wag mo na lang silang intindihan, halika na. Punta na tayo sa kanila." Sabi ni Michelle. Tumango na lang kami. Parang walang nangyareng eksena. Picture dito picture doon. May picture pa kaming magkakasama na ang view ay ang paglubog ng araw. Unti-unting dumadami uli ang mga tao dito. Meron daw kaseng activity ang lahat ng guests ngayon. Excited na'kami.

Tinawag kaming lahat na pumunta sa tapat ng restoBar. Pagkarating namin ang daming mga yummy. Turuan kami ng mga nakikitang mga lalaki, pwera na lang si Kage na hindi Lalaki ang tinuturo, pero minsan napapa'ooooh' naman siya sa tinuturo naming lalaki. Kaloka ei.

Madami-dami din kami dito, nakita ko yung lalaking naka-bunggo ko kanina. Kaso ngayon topless siya, naku. Ang Absssssssssssssssssssss 0.0 Haha. Maganda ang laro namin. Pinaghiwalay lahat ng babae at lalaki ang lalaki mismo ang pipili ng magiging partner nila.

Lahat sila may Kaprtner na.. Lahat iba-iba pwera kay Pao na si Karl mismo ang partner. May lumapit kay Pao kaso sabi ni Karl, na gf niya si Pao kaya nagsorry ang lalaki at humanap na ng iba. At sweet nga ei. Hahaha. At ako? Wala pang lumalapit sakin.

2 mins na lang daw ang paghahanap ng partner. Pano ba naman may lalapit sakin ei ako'tong nakayuko at natatakpan ng buhok ko ang mukha ko. Pero.. May lumapit na.... "Pwede ba kita maging kapartner?" Tumingin naman ako. Si.... Ronel.. "Sure."

Saktong pagyaya sakin ni Ronel nagsalita na din ang Host. Parang umunti kami, siguro yung iba . Dinala sa ibang place ang partner nila. Naku! XD So Treasure hunt pala'to. Dapat mabuo ang word na "I LOVE BLUE LAGOON' at may prize daw ang mananalo dito. May mga clue nakalagay sa mga puno. Sariling intindi na lang daw. Binigyan kami ng flashlight. At nastart na ang hanapan. Nakita ko rin si Nerdy at ang Kaprtner niya. Di ko alam pero nawala ako samood. Kase grabe kumapit sa braso ni Nerdy yung Babae. At again pamilyar nanaman sakin ang babaeng yun. Di ko lang siya makilala kase nakatalikod siya.

Feeling ko gusto ko hablutin ang buhok ng ulupong na yun. "Hallika na?" Sabi ni Ronel. Tumango na lang ako. Kung san-san na rin kami napunta. At pagod na rin ako. 5 mins na lang daw at kailangan ng bumalik. Wala pa daw nakakabalik dala ang buong word. May chance ata kami. Kase D na lang ang kulang. "ITO!" Sigaw ko.Finally, nahanap na namin. Dali-dali kaming bumalik sa may restobar.

Pero sa nadaanan namin, nakita ko uli si Nerdy at yung ulupong na yun.. Ay este yung kapartner niya.. And they are kissing? Na-stuck ako sa kinatatayuan ko. Totoo ba'tong nakikita ko? Parang gusto kong sumigaw ng napaka-lakas. At sabi ko na nga, di ko talaga kayang pigilan ang mga luha ko.

Kusa na silang bumabagsak. "Michiko? Halika na." Tawag sakin ni Ronel. Sumunod na lang ako. Bakit? Ano? Anong nangyare Nerdy? 

It's starting~~

Must love a N.E.R.D(Zayn Malik&Perrie Edwards) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon