Michiko’s Pov:
Kilala ko ang boses na yun kaya nanlaki ang mata ko, na hindi nakikita ni Nerdy… Tss. Naalala ko nanaman. Di ko na lang siya pinansin, ramdam ko namang tumabi siya. At mga ilang minutong lumipas, walang nag-iimikan samin.
*Beeeeeeeeeeeeeep. Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep.*
Pagbukas ko ng phone ko galling kay Pao. Monthsary pala nila ngayon, kaya pala goodvibes na goodvibes. Ngumiti naman ako. Wala sila dito kase maglilibot daw muna sila, ako’tong nagpaiwan kase nahihilo nanaman talaga ako.
Di ko naman alam na di pala’to sumama sa kanila kase magkahiwalay kami ng van at di ko siya masyadong napansin.
Kada-pikit ko ng mata ko, bigla kong naalala ang nakit ko. Di ko napigilang mapabuntong-hininga. Haaays.
“Ahmm. Michiko.. Pwe-pwede ba.. T-Tayong mag-usap?” Eww. Sabi ko na nga ei. Kakausapin ko ba? Tingin ko kase di pa'ko ready..
-----------------
Pao's Pov:
Ginising ako ng isang phone call. Sa totoo lang nabulabog ako, pero kailangan ko'tong sagutin kase baka emergency. Pagkatingin ko si Karl. Nanlaki ang mga mata'ko at di ko maiwasang mapangiti.
"Hi By... GoodMorning. Happy 1st Monthsary" Sabi niya. Ay. Oo nga pala, monthsary pala namin ngayon.
"Ah-Ei. GoodMorning din. HappyMonthsary din."
Nagbatian lang kami, di niya ata napigilang di pa bumati. Haha. Kinamusta niya rin si Michiko dahil sa nangyari sa babaeng'to kagabi. Kadiri nga ei, lahat kami nabinyagan niya. Tapos kung anu-ano pang lumalabas sa bibig niya.
Gising na rin pala sina Nyah, kaya bumangon na rin ako. Binati din nila ako. Mga 9pm na rin siguro ng napag-isipan na naming gisingin si Michiko. Aalis kase kami ei, kailangan lubos-lubosin ang bakasyon. Kahit may hang-over pa ang babaeng'to.
Nang ginising ko na siya, ready na rin kami sa itatanong niya. Kaya parang scripted ang pagsagot namin sa tanong niya. Tumango na lang siya, kdun din namin naisipang ililibre na lang niya kami bilang kabayaran sa pagbinyag niya samin.
Di ko rin tuloy makalimutang maisip yung sinabi sakin ni Karl. 'Maghanda ka mamaya.' Ano kaya yun?
Tumagal kami ng mga isang oras sa mall, ang dami namin binili kasabwat din namin ang mga lalaki. Mehehe, ganyan pag tropa. Haha, napailing lang samin lagi si Michiko. Wala ei, basta pagkain! Wahahaha!
Tahimik rin'tong sina Ronel at Jeffrey. Para talagang may kailangan kaming malaman, pero di pa dapat ngayon.
"Pao, parang may something no? Sabi sakin ni Michelle. Tumango na lang ako.
(Fast forward)
Nakarating na rin kami sa Picnic Park, yan na lang binabanggit kong pangalan ng place na'to ang haba ei. Inasikaso lang namin yung entrance tapos humanap ng cottage namin, ayos na. Nagkayayaan kami na linutin yung picnic park. Pwera na lang di sumama sina Michiko, Jeffrey, at Ronel.
Habang naglalakad kami tinignan ko uli yung cottage namin, at bigla akong kinutuban. Ewan ko kung si Ronel yung nakatalikod at may kausap siya sa phone. Di naman siya ganun tuwing naga-outing kami, kase lagi niya yun pinapatay para daw walang istorbo pero ngayon. Parang ang seryoso kase halata mo sa ulo niya na parang tumatango siya. Medyo sumide view pa siya kaya medyo natanaw ko na unti kumukunot yung noo niya. Sino ba yang kausap niya?
Tumingin naman ako sa cottage namin magkatabi si Jeffrey at Michiko. Na sa tingin ko si Jeffrey ang tumabi kay Michiko. Naka bagsak kase ang ulo ni Michiko sa lamesa kaya di mo masyadong makikita siya. Eto naman si Jeffrey nakayuko lang din.
BINABASA MO ANG
Must love a N.E.R.D(Zayn Malik&Perrie Edwards) ON HOLD
FanfictionDescribe a NERD: May istura: DEPENDE Matalino: OO Sikat: SA KAHIHIYAN Mahina: PANIGURADO Iyakin: OO Palakaibigan: HINDI Mabait: DEPENDE Marunong magmahal: HINDI TORPE: OO! Pero di ko inakalang lahat ng yan biglang babaliktad~